Chapter 5

2234 Words
KONG saan -saan na kami nakarating ni prince para lang mamasyal sa loob ng mall. Hanggang sa pareho na kaming napagod at napagpasyahan namin na kumain sa restaurant na dito mismo sa loob ng mall makikita. Naalala ko si jack kaya tinawagan ko sya na pumunta sa location namin para sumabay samin kumain. Nalungkot lang ako dahil sinabi nito na busog pa raw sya at hindi pa gutom. So kami nalang ni prince ang sabay na kumain. "Kamusta kana pala? Tagal na natin di nagkita at saka wala na akong bagong update sayo mula nong umalis ako sa pinas". Panimula ni prince habang kumakain kami. "Ayos lang naman ako, oo hindi na ako active lalo na sa socila media accounts ko". Sagot ko. "Nabalitaan ko ang nangyari sayo 2 years ago. Nag viral ka diba?" Nahiya ako bigla dahil sa sinabi ni prince dahil tiyak akong maging siya ay nakita ang kabuoan ko. "D-dont worry alam kong nakahubad ka sa viral vedio mo pero ang mga maseselang part ay may sincore naman nong pinalabas sa balita kaya di ka dapat mag worry. Ano nga pala nangyari sayo non bakit tila wala ka sa sarili mo at gusto mo pa atang tumalon sa tulay?" Usisa nito. "H-hayaan mo na. Past is past ayaw ko ng balikan ang nakaraan kong iyon". Nakayukong sagot ko. "Please sabihin mo sakin. Alam kong may dahilan ka kong bakit nangyari sayo yon. Bff moko diba?" Pangungulit nya sakin kaya napilitan narin akong aminin sa kanya ang totoo. "W-what naging pokp*k ka?!i mean nag tatrabaho ka sa bar bil--- "Bilang waitress". Pagtatama ko sa dapat na sana niyang sabihin matapos kong sabihin sa kanya na napasok ako sa bar para magtatrabaho. "So, yon pala ang dahilan. Sorry wala ako sa tabi mo nong kailangan moko. Pero now babawi na ako sayo andito na ako at asahan mo na palagi akong nasa tabi mo pangako". Ani prince. Ngumiti nalang ako sa sinabi nya at tinapos ang pagkain ko. Maya-maya pa ay inaya ko na itong lumabas na dahil may bibilhin pa kami ni jack dito sa loob ng mall. Pero hindi pumayag si prince na hindi sya kasama habang namimili kami ni jack. Habang namimili kaming tatlo ay hindi ako makapag concentrate dahil makulit si prince sobrang daldal nya talaga as in. Gusto ko kasi sanang bilhan si jack pang regalo ko sa bday nya, pero heto at di ko mabili-bili dahil maingay si prince. Ibang-iba na ang dating prince na nakilala ko. Kong dati si prince na gusto ko, na naging hero ko naging kakampi sa lahat. Pero ngayon wala na lahat nang yon dahil sa tingin ko iba na talaga ang gusto ko si jack kahit di nya ako binibigyan ng pansin stil umaasa parin ako na magugustuhan nya ako. "Hmm jack anong gusto mo? Pumili kana at babayaran ko". Pabulong na sabi ko dito pero narinig naman ni prince. "Uy bakit ano meron? Mabait ka naman masyado bes ha." Parinig nito sakin. "Syempre regalo ko kasi sa darating na bday nya kaya kami pumunta dito." Napanganga pa si prince ng sabihin ko iyon. "How sweet siguro naman bes yun lang no? Baka kasi alam mo na may iba kapang dahilan?" Aniya "Dahilan na ano?" Takang tanong ko. "May gusto kaba sa kanya?" Tanong bigla ni prince. "Hu? Ano kaba wala ha. Mabait lang talaga ako sa driver ko". Pagsisinungaling ko. Pero di ko akalain na iyon pala ang dahilan para kulitin ako ni prince. "Dapat lang bes. Kasi alam mo naman na may pangako tayo sa isat-isa non na tayo lang diba? So kaya ako bumalik para tuparin natin yon". Ani prince dahilan para kabahan ako. Paano ko ba sabihinsa kanya na hindi na kami pwede gaya nang dati? Tiningnan ko si jack at hindi ko mababasa ang reaction nya bumalik na sya sa dati na cold at tila wLang emosyon. Nagpaalam itong mag cr raw muna tumango nalang ako bilang pag-sang ayon dito. LUMABAS na kami ni prince sa mall dahil matagal bumalik si jack. Paglabas namin ay naroon na pala ito sa kotse nag-hihintay samin. Sasakay na sana ako ng pinigilan ako ni prince. "Besy dito kana sakin sumabay. Ihahatid na kita sa inyo para malaman ko narin kong saan ka ngayon nakatira at ng makilala ko narin ang tunay mong mga magulang". Ani prince. "P-pero prince may sasakyan naman ako. Pwede ka naman sumunod samin kong gusto mo". Sagot ko. "Please bes? Gusto kita kasabay eh". Nag pout pa ito na parang bata. Tuningin muna ako kay jack at sinabihan itong mauna na siya at susunod nalang kami. Tumango naman si jack at pinaandar na ang kotse paalis ng mall. "Salamat Binibining Riri at pumayag ka A.K.A mariposa ng buhay ko, namiss kita". Madamdaming wika nya sabay hawak sa kamay ko. Nabigla ako sa ginawa nyang paghawak kaya kinuha ko agad ang kamay ko sa kamay nya. "Oh bakit?" Takang tanong ni prince. "Sa kalsada ka tumingin baka mamaya madisgrasya pa tayo eh". Ngumiti ako ng sabihin ko iyon ng sa ganun ay hindi niya mahalata na hindi ko nagustuhan ang ginawa nya. "Owh sorry! Sige hehe pasensya kana , namiss lang talaga kita. Matagal kasi kitang di nakita at nakasama ako ba namiss mo rin ?" Balik tanong nya sakin habang nag dadrive ng kotse. Di ko alam kong ano ang isasagot sa kanya kaya napilitan akong umuo dito. "O-oo naman. Syempre mag bff tayo diba?" Baling ko sa kanya. "No. Dati iyon maging asawa na kita soon dahil liligawan na kita at sasagutin mo ako para maging nobyo mo right gaya ng pangako natin sa isat-isa noon." Aniya Muli akong kinabahan kong paano ko nga ba sasabihin sa kanya ang rason ko na ayaw ko na sa kanya kasi ang feelings ko noon sa kanya ay nawala na. "P-prince alam mo kasi na hindi na pw-- "Ito naba ang bahay mo? Wow mayaman talaga ang mga magulang mo ang laki naman ng bahay mo". Palatak ni prince. Hindi ko na tuloy nasabi sa kanya ang dapat kong sabihin. Bumaba na ako sa kotse nya at ganon rin ito. Pumasok kami sa loob gng bahay samantalang si jack ay deneretcho nito sa garahe ang sasakyan na dala nya. Nagpahanda ako rodelyn ng makakain para sa meryenda namin ni prince para bago manlang ito umuwi. "Asa na ng mga parents mo? Gusto ko silang makilala". Usisa nya. "Ahmm ate krizza? Sila mommy at dadd" tanong ko sa kanila. "Ay wala maam. Nagpaalam sila kanina wala kayo na aalis raw muna para sa business nila at sabihin lang daw namin sayo dahil di pa raw nila alam kailan sila makakabalik". Sagot nito. "Aww sayang naman". Rinig kong sambit ni prince. "Sige na mag meryenda ka muna bago ka umuwi." Tugon ko dito. "Mamaya pa ako uuwi mag movie marathon muna tayo, namiss ko iyon eh". Aniya na parang bata. "Prince pwede ba na nextime nalang? Nahihilo kasi ako at gusto kong magpahinga siguro dahil sa init ng panahon at sa byahe natin". Rason ko dito. " Gusto mo bang hilutin kita?" Aniya "No need na prince. Umuwi ka nalang muna kasi di kita maasikaso ngayon total alam mo na ang bahay ko pumunta ka nalang kapag want mo basta ipaalam mo muna sakin baka kasi busy ako or may lakad kapag pupunta ka nang wala ako". Sabi ko dito. " Okey sige. Hingin ko muna cp number mo nagng sa ganun matawagan kita palagi at makamusta". Pahabol nito. Binigay ko nalang sa kanya ang number ko at nagpaalam na ito sakin pagkatapos. Nagulat pa ako ng halikan ako nito sa pisngi bago lumabas ng bahay. Sakto rin na pumasok si jack para pumunta sa kusena at alam ko na nakita nya ang ginawa ni prince sakin. "Jack, sorry kanina kong naghintay ka nang matagal samin". Hinging paumnahin ko dito nang makaalis na si prince. "Okey lang iyon maam riri trabaho ko po iyon"., Sagot nya. "Hmm okey sige magpapahinga lang muna ako. Kumain kana muna diyan alam ko na hindi kapa kumakain at nagdadahilan ka lang kanina". Wika ko dito. "Sige po maam". Magalang na sagot nya. Tumango nalang ako at umakyat na sa kwarto ko. Nagpalit ako nang damit saka natulog dahil feeling ko babagsak na ang katawan ko. Nagising ako 10pm na nang gabi. Bumaba ako sa dining para kumain dahil nagugutom na ako, wala nang gising alam kong tulog na silang lahat kaya dahan-dahan lang ang paghakbang ko. Pagdating ko sa dining ay agad akong kumuha ng pagkain at nagtimpla narin nang kape para matagal ulit ako makatulog. May gagawin pa kasi akong assignment na di ko nagawa kanina dahil sa antok ko. After kong kumain ay hinugasan ko na ang pinagkainan ko at umakay na ulit sa kwarto ko nang dahan-dahan. Bago ako makaakyat sa kwarto ko ay madaanan ko muna ang kwarto ni jack, dinikit ko ang mga tenga ko sa pinto ng kwarto nya para makiramdam kong gising oh tulog naba ito. Pero wala akong narinig na ingay sobrang tahimik sa loob. Aalis na sana ako ng sa pagharap ko ay nagulat ako ng makita ko si jack. "Anong ginagawa mo sa tapat ng kwarto ko maam riri?" Tanong nya sakin. "A-k-kwan w-wlaa". Nauutal na sagot ko. "Talaga ba?" Aniya na tila di makapaniwala sa naging sagot ko. "Yes, napadaan lang ako. Sige aakyat na ako". Paalam ko sa kanya pero nagulat ako nang bigla nya akong hilain papasok sa kwarto nya sabay nilock ang pinto. PINASOK ako ni jack sa loob ng kwarto niya. Nilock niya ang pinto at sinandal ako pagkatapos. Hindi ko makita ang etsura niya dahil sobrang dilim nag paligid. "J-ack anong ginagawa mo"! Kinakabahang tanong ko sa kanya. "S-sino ang lalaking iyon". Kahit di ko nakikita ang mukha nya alam kong seryoso itong malaman ang sagot ko. "S-si Prince, matalik kong kaibigan". Nanginginig na sagot ko dahil sa higpit ng paghawak nya sa balikat ko. "May balak ba siyang manligaw sayo?" Muling tanong nya . This time ay kinilig ako dahil sa kanyang tanong, feeling ko kasi nagseselos ito. "W-wala naman siyang sinabi na liligawan nya ako, tenga nga bakit ka ba nagtatanong?" Balik tanong ko rin sa kanya. "W-ala". Aniya saka binitawan ako sa sulok at pumunta sa kama nya. "Sige na, lumabas kana sorry pala kong bigla kitang nahila papasok dito kalimutan mo na ang ginawa ko, nakainom lang ako at di ko alam kong ano ang mga tinanong ko sayo". Aniya Wala akong nagawa kundi ang lumabas sa kwarto nya. Hindi ko siya naiintindihan kong bakit niya iyon natanong sakin? Totoo kaya ang sinabi nya na nadala Lang daw sya sa dahil lasing ito? Bakit hindi ko manlang ako nakaamoy ng alak sya mula sa hininga nya? Pumasok na ako sa kwarto ko at humiga. Muli akong nagbukas ng messenger dahil di naman ako makatulog May chat pala sakin si prince. Sinadabi niya na pupunta sya bukas ng umaga at dito raw sya hangang gabi. Nereplyan ko nalang ito dahil wala naman akong pasok bukas. Kinabukasan ay maaga palang ay nasa bahay na si prince. Nakita ko silang magkasabay na nagkape ni jack sa kitchen. "Goodmorning bes, buti gising kana wait maupo kana riyan at ipagtitimpla kita nang gatas". Ani prince. Tumango nalang ako dahil tila ayaw nitong paawat. Tiningnan ko naman si jack at seryoso lang ito sa pag inom ng kape. Maya-maya pa ay umalis na ito. After naming uminom ng gatas at kape ni prince ay inaya niya akong mag swimming sa pool. Pumayag naman ako dahil 8am na maganda sa katawan ang medyo maligamgam na tubig sa pool plus naaarawan pa kami. May baon namang pamalit si prince at ako naman ay kumuha ng roba at nagpalit sa banyo. Suot ang maganda kong swimsuit ay naglakad ako palapit kay prince. Nakita ko itong tulala at nakatingin sakin nang deretcho na hindi kumukurap. "Wow! Amazing! Ang ganda at ang sexy mo". Manghang sambit nya. "Hmm bolero ka talaga kahit kailan tara na maligo na tayo". Saad ko dito at bigla siyang tinulak sa pool. Natawa ako sa reaction nya, umakyat muli siya sa pool at hinabol ako pero dahil alerto ako ay tumakbo rin ako palayo sa kanya dahil alam kong gaganti sya sakin. Tawa kami ng tawa matapos nya akong mahuli at inihulog sa pool kasama nya. Para kaming bata na ngayon lang naligo na magkasama. "Bes may tanong ako sayo". Panimula niya nnag maupo kami sa gilid nang pool para magpahinga. "Oh ano naman iyon".sagot ko. "Gusto ko sanang ituloy ang sinumpaan natin dati na liligawan kita pag laki natin". Aniya "Ha?" "Liligawan na kita simula ngayon, araw araw mo na akong kasama". Aniya sabay hawak sa kamay ko at hinalikan iyon. Nabigla ako sa ginawa nya pero imbes suwayin sya ay hinayaan ko nalang ito lalo na at wala naman akong masagot dito kapag nagtanong kong bakit ako umiiwas. Niyaya ko nalang sya ulit na lumangoy pero ayaw na nya. So dahil wala na akong kasama ay nagkanya-kanya nalang kaming umalis sa pool para magbanlaw sa cr. Bago pa ako pumasok sa cr ay nakita kong nakaabang sa may daraanan ko si jack, nakatingin ito sakin at tila may gustong sabihin. Bago pa ako makapasok sa cr ay inunahan na nya ako papasok at hinigit ako sa loob sabay lock nang pinto. Magsasalita pa sana ako nang bigla niyang takpan ang bunganga ko gamit ang labi nya.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD