Chapter 4

2199 Words
HINDI parin ako makapaniwala sa sinabi sakin ni jack na hindi ko raw tunay na pamilya ang kinagisnan ko dahil ang totoo raw non ay ninakaw ako sa kanila ng dati ko raw yaya na si mama Minerva. "Hindi ako naniniwala. Tunay kong mama ang nagpalaki sakin". Giit ko sa kanila. "Anak, kami ang tunay mong mga magulang at hindi si minerva". Bigkas nang ginang na sinasabi nilang tunay kong mommy. "Paano n-nagyari iyon ipaliwanag nyo ng maayos". Histirikal kong sabi. "Anak makinig ka at ikukuwento namin sayo ang nakaraan mo nong nasa piling kapa namin." Ani daddy ko daw. "Noong isang taon ka palang, ay nasunod ang bahay natin kayo lang noon ni yaya Minerva na nagbabantay sayo sa bahay. Natupok nang apoy ang buong bahay nagwala kami nang mommy mo non dahil hindi kana namin mahagilap maging nang yaya mo. Ang sabi nakasama raw kayo sa nasunod. Sobra ang pagluluksa ko noon sayo anak dahil maaga kaming nangulila sayo. Ang tangin naiwan lang sa amin na remembrance mo ay picture at palatandaan na meron kang tattoo sa likod. Iyon ang dahilan kong bakit nahanap ka namin after 16 years dahil sa viral vedio mo anak na nakahubo ka lumakas ang kabog nang dibdib namin dahil sigurado kaming ikaw ang aming anak dahil sa tanda na kami mismo ang naglagay dyan sa likod mo"., Mahabang paliwanag ni daddy. Inabot nya sakin ang picture ko noong bata pa, maging ang patunay na tattoo ko sa likod na meron rin sila. Hindi na raw iyon iba sa aming magpamilya bawat pamilya raw ay may tattoo na gaya ng sakin. Nanginginig ang kamay ko na hinahawakan ang picture at umiyak. Tiningnan ko ang mga mukha ng mga tunay kong magulang, walang duda na sila nga ang tunay kong ina. Bukod sa tattoo ay kamukha ko ang mommy ko na ngayon ko lang napansin. Kaya pala iba ang mukha ko sa kinikilala kong mga magulang dahil hindi pala siya ang tunay kong ina. Kaya pala hindi ko manlang maramdaman sa kanya na tunay niya akong anak. Niyakap ko ang tunay kong mga magulang at doon ko naramdaman ang lukso nang aking dugo. Nalaman ko rin na ang bahay na tinitirhan pala namin ay pag-aari ko na, kaya pala ganon nalang kong ituring akong amo ng mga maids sa bahay maging ni jack dahil siya pala ang nagbabantay at na nagsisilbing guard ko dahil sa utos nang aking mga magulang. Medyo nainis pa ako dito dahil di niya inamin sakin ang lahat. Pero masaya parin ako dahil nahanap niya ako at dinala sa tunay kong mga magulang. Masaya kaming kumain non kasama si jack at mga magulang ko. Hindi narin iba nag tingin sa kanya nang mga magulang ko. Sinabihan rin nila akong ituloy ang pag-aaral ko dahil sakin raw ipamana ang kanilang pinaghirapan sa ibang bansa. Masaya akong nakasama ang mga magulang ko, sa tuwing tapos na ang klase ko sa bahay ay pinapasyal nila ako kahit saan. Hindi ko ito naranasan noon sa piling nang mga kinilala kong magulang. Siguro panahon narin para sabihin kina mommy at daddy ang ginawa sakin nang naging asawa ni aleng minerva. Si anton, ipapakulong ko siya! Sisigiraduhin kong pagbabayaran niya lahat ng kasalanan niya sakin! Nagwawala si aleng minerva ng hulihin ng mga pulis si anton. Ang lalaking walang awang gumahasa sakin ng makailang beses. Pinahuli ko na kasi ito dahil sa pera nila mommy at daddy ay mabilis lang na nakasohan ang demonyong 'yon! "Anak please bawiin mo na ang sinampa mong kaso sa tito mo, please pakisabi sa asawa mo na iurong na ang kaso hindi ko kayang mabuhay pa kapag wala na sa piling ko si tito mo anton". Pagmamakaawa ni aleng minerva sakin. Inakala pa nito na asawa ko si jack. "Dapat lang sa kanya yon! Ginahasa nya ako ng paulit-ulit dapat niyang pagbayaran ang ginawa niyang kahayupan sakin"! Galit na sagot ko dito. "Grabe ka naman mag salita anak, matagal ng nangyari yon at isa pa aminin mo narin na gusto mo narin ang ginawa nya sayo"! Nagpintig ang tenga ko sa sinabi nang dati kong yaya na nagnakaw sakin. Sinampal ko ito dahil sa galit ko. "HAHAHA! YUMAMAN kalang akala mo malinis ka? Ano naging matapang kana kasi mayaman ang lalaking nabudol mo kawawa ka naman! Mabuti nga sayo at nagahasa ka nang tito anton mo ng sa ganun pandidirian kanabng ibang tao"! Lalo akong nagalit sa mga binibitawan nyang salita. Ibang-iba na siya sa dati... Magsasalita pa sana ito nang lumabas mula sa kotse ang mommy ko at sinugod si aleng minerva. Nagulat ito nang makilala ang mga magulang ko. "M-maam? Sir?! Nauutal niyang sambit. "Kami nga minerva! Ngayon pagbabayaran mo narin ang ginawa mong pangingidnap sa anak namin, hulihin nyo narin ang babaeng to"! Utos ni mommy sa dalawang pulis na naiwan. Nagwawala si aleng minerva dahil ayaw nitong sumama para makulong pero mas malakas parin ang mga pulis sa kanya kaya naisakay parin ito sa patrol car. Sobrang nasaktan ang mga magulang ko ng sinabi ko lahat sa kanila ang pinagdaanan kong paghihirap sa piling ni anton. Imbes ipagtanggol ako ni aleng minerva noon ay tinakwil pa nya ako. Ngayon ay mahinahon na ang isip ko dahil sa wakas nakulong na ang lalaking nagpahirap sakin at kumuha nang dangal ko. Tama si aleng minerva, hindi na ako malinis sino pa nga ba ang lalaki na papatol sa kagaya kong wala ng maipagmamalaki sa aking sarili? Mayaman nga ako pero hindi naman na ako virgin! Napatingin ako kay jack. Si jack na lihim kong iniibig mula nong tinulongan nya akong makaahon sa hirap. Naialis nya ako sa maruming pamumuhay ko sana kong di ito dumating siguro until now naghihirap parin ako at nagsisikap sa sarili kong mga paa. Lahat ng nangyari sakin ay plano ng Diyos. Habang nakatingin ako kay jack ay bigla naman itong napatingin sakin dahilan para mag-iba ako nang tingin. Bigla tuloy namula ang mukha ko dahil feeling ko nahuli niya ako. Tumibok ang puso ko lalo na nong napansin kong muli ang simple niyang ngiti. Inaya na ako nang mga magulang ko na pumasok sa kotse dahil uuwi na kami. Bukas kasi may klase ulit ako. KATAPOS lang ng klase ko, nagbalak akong pupunta sa mall dahil may bibilhin ako. Agad akong nagbihis ng magandang damit na babagay sakin ng sa ganon ay mapansin naman ako ni jack. Para lang kasi akong tuod sa kanya kapag magkasama kami di niya ako pinapansin hmm! Nga pala si ate Regin ay kinuha na samin ng nakabuntis sa kanya. Tinulongan kasi nila dad at mommy na mahanap ang taong nakabuntis dito at tama ang hula ko isang foreign ang daddy ni baby angel. Pinakita kasi samin ni ate Regine lahat ng pic ng mga lalaki niya noong nag tatrabaho pa sya sa bar. Mabuti nalang at pinanagutan siya ng nakabuntis dito tuwang-tuwa pa nga nong nalaman nyang tatay na pala siya. Dinala na niya si ate sa ibang bansa kong saan ito nakatira, nangako naman siya samin na hindi niya pababayaan si ate lalo na at pinagbantaan siya ni daddy. Namiss ko tuloy agad si ate Regine maging si baby angel. Ngayon ang kasama ko lang sa bahay ay ang mga maids at si jack pero bihira ko lang ito makita sa bahay dahil may klase ako sa kwarto online at sunod-sunod. Minsan doon nakatambye sa labasan si jack kasama ang ibang guard na nagbabantay ng gate. Lumabas na ako ng kwarto ko habang nakataas nuo dahil feeling ko mapapansin na ako ni jack. Paglabas ko sa garage ay nakita ko itong naglilinis ng kotse. Wala itong suot na t-shirt kaya malaya kong nakikita ang buong katawan nya basa pa ito ng pawis. Palihim akong nagtago sa pinto habang nakatanaw dito. Kinikilig talaga ako sa bawat galaw ng mga muscle niya maging ang abs nito na hindi rin papahuli sa bawat hagod nito ng basahan sa salamin ng kotse na nililinis nya. "Uy maam, anong ginagawa mo riyan bat ka nagtatago"., Nagulat ako nang biglang nagsalita ang isa sa mga maid ko. Narinig rin iyon ni jack kaya nakita ko ulit na tumingin ito saglit sakin at ngumiti. "Ano ba ate Rodelyn ang ingay mo. Narinig tuloy ni jack ang boses mo". Kompronta ko dito. "Naku maam sorry di ko naman alam na tinataguan mo pala si sir jack. Ahaaa kaya pala maam sinisilip mo ayiee si maam type mo ba?" Lalo akong nahiya sa mga pinagsasabi ni ate rodelyn lalo na at ang lakas ng boses. "Hala hindi ate ha, nakatayo lang ako dito hindi ako nagtatago". Tanggi ko naman. "Talaga ba maam o sige sabi mo eh. Sige maam tumabi muna kayo riyan at lilinisin ko lang ang pinto medyo maalikabok na eh"., Aniya Mabait naman si ate rodelyn katunayan nga nyan lahat sila close ko na at mababait talaga silang apat. Si ate Krizza Jean Longakit , Danielle Marie Quilaton Cadigal at Catherine Gabriel Baldemoro. Pareho silang PROBINSYANA malalakas rin ang mga boses pero kahit ganon paman hindi na iba ang turing ko sa kanila maging ng pamilya ko dahil para samin pamilya narin namin sila. "Ehemm, may lakad ba tayo Binibining Riri ?" Sambit ni jack na hindi ko namalayan na nakalapit na pala sakin. Hindi agad ako nakapagsalita dahil nasa harapan ko na ito tapos nakahubad pa tumutulo pa ang pawis mula sa katawan nya. "Ah. Oo, samahan moko sa mall magbihis kana antayin kita sa kotse". Naiilang na sambit ko. Narinig ko pang suminghap ito saka pumasok sa loob ng bahay para magpalit nang damit sa sarili niyang kwarto. Nagtagal ito ng 15mins, pagpasok niya sa kotse ay amoy na amoy ko agad ang mabangong pabango na gamit nya, tumutulo pa ang buhok nya na halatang kakatapos lang nito maligo. Hindi ko tuloy maiwasang titigan ito nang palihim sa may salamin kaya lang muli niya akong nahuli. Muli nakita ko ulit itong ngumiti. HABANG bumabyahe kami papunta sa mall ay naisipan kong magbukas ng sss account ko. Deneactivate ko iyon dati pero binuksan ko ulit at binalikan ang taong nagchat sakin na aantayin ko raw ito. Siya si Prince Ajay Guingab Baui, bff ko since bata palang. Siya ang tagapagtanggol ko noon sa lahat ng mga umaapi sakin sa madaling salita siya ang hero ng buhay ko. Magkalse kami mula grade 1 to 1syear highschool ako pero nong 2nd year na ay hindi ko na ito naging kaklase dahil sinama na siya nang kanyang mga magulang sa ibang bansa dahil doon na nadistino ang kanyang mga magulang para sa bago nilang trabaho. Then nitong dalawang taon lang ay nagparamdam na nga ito sakin na babalikan raw nya ako gaya ng pinangako nya noon sakin. Pareho naming gusto ang isat-isa noon at nangako na kami ang magkatuluyan balang araw pero hindi ko alam kong mahal ko paba siya gayong iba na ang tinitibok ng puso ko at si Jack na iyon. 2 years narin kasi ang nakalipas mula nong nalaman ko ang tunay kong pagkatao at tunay kong pamilya. Ilang araw nalang rin ay gagrduate na ako sa collage. Sa bahay lang rin iyon gaganapin dahil mag-isa lang naman akong nag-aaral at ukopado ko lahat ng teacher na nagturo sakin as Private. Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa mall. Binabasa ko kasi ang chat sakin ni Prince. Pagkatapos kong mabasa ang chat niya ay bigla itong nagchat ng bagong message sakin. "Hey.. kamusta kana? Replyan mo naman ako dedeactivate ka nanaman eh." Chat nya with sad emotion. "Okey lang ako. Ikaw kamusta?" Balik chat ko dito. "Ayos lang ako. Namiss kita. Alam mo ba nasa pinas na ako 6 months na pero di kita mahanap. Saan kaba? Pwede ba tayong magkita ngayon?" Aniya "Andito na tayo Binibining Riri ". Singit ni jack na tila naiinis na dahil sa kakapindot ko nang cp di ko kasi namalayan na nakatingin na pala ito sa cp ko. "Wait lang, replyan ko lang to". Sabi ko sa kanya. "Okey". Walang emosyon na sabi nya. Hinayaan ko na lamang ito at nereplyan si prince. "Sure. Nasa mall ako now punta ka". Reply ko at sinabi ang tamang adress kong saang mall ako. Naghintay kami kay prince mahigit 20 minuto. Nang makita niya ako ay bigla niya nalang ako niyakap ng mahigpit. Ganon rin ako sa kanya dahil syempre bff ko ito. "Wow! lalo kang gumanda"! Puri nito sakin. "Ikaw nga rin lalo kang pomogi"., Balik puri ko sa kanya. "Btw sino sya?" Tanong ni prince ng mapansin niyang nasa tabi ko si jack. Tiningnan ko si jack na seryosong nakatingin kay prince. "Ah Siya ang body guard ko". Sabi ko. Nong sinabi ko iyon ay tila lumungkot ang mata ni jack. "Ah. Tol mamasyal lang kami ni bestie ko ha, dito kana muna sa kotse bantayan mo yan lubos-lubusin na muna namin ang araw na ito alam mo naman ilang taon rin kaming di nagkita. So hiramin ko muna itong amo mo ha". Paalam ni prince dito sabay hawak sa kamay ko palayo kay jack. Nag alangan rin akong lumingon kay jack dahil feeling ko nag taksil ako dito kahit di naman kami. Samantala, nagpatianod nalang ako kong saan ako dadalhin ni prince.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD