Herson's POV
Nandito ako ngayon sa Police Station, dito na ako inabot ng umaga dahil kinukuhaan nila ako ng statement tungkol sa nangyari. No’ng makita kong wala nang huhay si Ellena ay agad ko itong ini-report sa kanila.
Hindi pa rin ako makapaniwala. Ito ang unang pagkakataon na may insedente sa bar ko na may isang taong namatay—at ex-wife ko pa ang biktima.
Ikinwento ko sa kanila ang buong pangyayari. No more, no less. Pero pucha! Hindi pa rin nila ako pinapaalis. Nagdududa na talaga ako. Alam kong pinagbibintangan na ako ng mga ‘to. Kasi s**t naman! Bakit sa dinami-daming araw at lugar, bakit sa opisina ko pa ikaw namatay Ellena? At talaga namang natumba pa ako sa harap ng bangkay niya! Sino ba naman ang hindi magdududa sa akin?
Napahinga ako ng marahas at napahawak sa sintido. Abala naman ang pulisya sa kung anong mayro’n sa computer nila. Mayro’n namang busy sa telepono at mayro’n namang lakad parito at paroon. Umiiling-iling na lang din ako na tila walang magawa habang nakaupo sa couch ng opisina nila.
Mayamaya pa ay hindi ko na natiis. “Should I call a lawyer now?”
Nanlalaki ang mga mata na napatingin sa akin ang hepe. “Sir? Ibig sabihin ba nito ay inaamin niyo na ang krimeng ginawa niyo?” Nakakalokong tanong niya.
Napasinghal ako at hindi makapaniwala. “Are you kidding me? Wala akong inaamin! Dahil wala akong kasalanan!” mariin kong tugon na may mataas na boses.
“You were asking for my statement. I cooperated and I am done! So ano pa bang rason na hino-hold niyo ako? Not unless, you are considering me as a primary suspect of the crime. Don’t you?”
“Hindi ako bobo chief!” Pahabol ko pa.
“Pasensiya na Mr. Henriques…”
Hays. Heto na naman, mali na naman ang pagkakabigkas ng apelyido ko. Dumagdag pa sa init ng ulo ko.
“Silent H!” pagtatama ko.
Tumikhim naman ang Hepe at muling nagsalita. “Mr. Henriques,” banggit niyang muli sa apelyido ko sa tamang bigkas. “Pasensya na sir, pero kailangan ka namin muna i-detain. Yes, we are considering you as a primary suspect sa nangyaring krimen. For now, nag iimbestiga pa rin kami. At kung maaari ay kailangan naming i-check ang lahat ng CCTV footages sa bar ninyo bago nangyari ang krimen.”
Iyon naman pala e! Kung sana sinabi kanina pa, hindi 'yong iniiwan ako sa ere.
Napadabog na ako sa galit saka sumagot. “Bobo ba ako? Kung ako ang pumatay e ‘di sana tumakas na ako! Hindi ba kayo nag-iisip? Sa tingin niyo pupunta ako rito para i-report sa inyo ang nangyari kung ako ang pumatay? Gago ba kayo?”
“Maaaring taktika niyo lang ito para makalusot sa krimeng ginawa niyo. Malalaman natin iyan sa imbestigasyon. Sa ngayon, dito ka muna tumambay sa malamig sa rehas Mr. Henriques. At kung maaari tawagan niyo na ang abogado niyo.”
Napasipa ako sa upuan sa harapan ko at napasinghal. “Ang kakapal ng mga mukha niyong pagbintangan ako! Pagsisisihan niyo ‘to!” bulalas ko at tuluyan na nga nila akong hinawakan sa magkabilang kamay at iginiya patungo sa selda. Nagpupumiglas naman ako.
Fuck Ellena! How could you drag me in this mess!
Iwinaksi ko ang braso ko mula sa pagkakahawak ng mga pulis. “Sandali, tatawagan ko ang Abogado ko!” ani ko at agad kinuha ang cellphone sa bulsa.
May family lawyer naman kami, pero para sa mga legalities ng properties ko lang ang nagiging concern ko sa kanya. Never in my life na kinailangan ko ng abogado dahil nakagawa ako ng krimen. Isa pa, kapag tinawagan ko iyon sigurado akong ibabalita niyon kay Mommy at daddy ang gulong kinasangkutan ko.
Napabuntong-hininga na lamang ako at wala akong ibang naiisip na makakatulong sa akin ngayon kundi si Jaydee.
His wife, Angel is a competent lawyer. Or her sister. Whoever is applicable.
So I dialled his number and luckily, it was ringing and he answered me immediately.
“Bro?” Anito sa kabilang linya.
“Pare, I need help,” bungad ko naman sa kanya.
“What happened?” he asked.
“I’m in trouble. Nasa presinto ako, my ex-wife was killed at my office at ako ang pinagbibintangan nila. I need a lawyer, help me bro,” Paliwanag at pakiusap ko sa kanya.
“Ano? Wait, tatawagan ko si Angel bro. Magkasama sila ni Mia ngayon, she is a good defense lawyer, matutulungan ka niya sa bagay na iyan. I’ll get back to you bro. Just hold on, pupuntahan din kita.” may tono ng pagkataranta si Jaydee habang nagsasalita sa kabilang linya.
“Salamat bro,” tugon ko naman.
Ibinaba ko na ang tawag at kusa na lamang akong lumakad patungo sa selda pero hinarang pa ako ng isang pulis. “Sir, kailangan ho naming kumpiskahin muna ang cellphone niyo.”
Napakunot noo ako. “What the heck! Iphone 12 pro ‘to sir. Sigurado ka?”
“Sir, sumusunod lang ho kami sa protocol. Hindi po pwedeng may cellphone o anumang personal belongings. Huwag kayong mag-alala, nakarecord naman po ito sa amin at mayro’n namang safe na paglalagyan nito,” paliwanang ng pulis.
At wala na nga akong ibang nagawa kundi sumunod. Ibinigay ko ang mamahaling cellphone ko sa kanya.
Anyway, though he gave me the assurance na hindi mawawala ang phone ko. I have to let it go. I can buy ten brand new of that anyway.
Pero iyong contacts. Argh!
Tuluyan na nga akong nakapasok sa selda. May mga ilang preso na naroon at nakatingin sila sa akin ngayon ng matalim.
“Uy pogi,” ani ng isang lalaki na may malaking mata, bunging ngipin at mahabang kulot na buhok. Medyo patpatin ito pero parang kayang pumatay ng tao kahit mas malaki pa sa kanya. Sa tingin ko ay nasa kwarenta anyos na.
May dalawa naman siyang kasama. Isa ay mataba at matangkad, maputi ang balat at clean cut na kulot rin ang buhok—he is like my age based on his appearance. Iyong isa ay sakto lamang ang pangangatawan at sa tingin ko ay nasa fourties na rin.
“Ano bang kasalanan mo bata?” tanong ng lalaking patpatin. Sa tingin ko ay siya ang lider nila.
Sa tingin ko, mga siga siga ‘tong mga ito rito.
“Nagmaneho yata ng lasing bossing,” tugon ng matabang lalaki.
Suminghal naman iyong tinawag niyang bossing. “Wala iyan! Sisiw iyan sa mga kaso namin. Lalo na ako! Kilalang matinik na akyat bahay. Kaya kung ako sa’yo huwag kang sisiga siga rito ha!” pagbabanta niya sa akin.
Napangisi naman ako at tinapunan siya ng tingin.
“Talaga? Kung matinik kayo bakit kayo narito?” Tugon ko na may tono ng pang-aasar.
Tila nainis naman ito sa naging sagot ko at pumoporma na para atakehin ako ng suntok.
“Aba! Hindi maganda ang tabas ng dila nito ah!”
Akmang lalapit na siya para gawaran ako ng suntok pero agad akong nagsalita. “Nakapatay ako.”
Ikinatigil naman ng lalaki ang sinabi ko at tinapunan ko sila ng nakakalokong ngisi.
“Magnanakaw kamo? Ako mamamatay-tao. Laban ka?” sabi ko pa sa mahinang boses dahil baka marinig ako ng mga pulis, at saka lumakad ng bahagya palapit sa kanila. Kusa naman silang napaatras. Takot lang nila. Di hamak na mas malaki ang katawan ko sa patpating lalaking iyon.
Ngumisi akong muli at tinalikuran ko na sila.
Mga ilang oras ko rin hinintay ang back-up ni Jaydee. Grabe nakakaburyo! Paano kaya nakakaya ng ibang mga preso tumagal dito ng maraming taon. Kating-kati na rin ako dahil wala pa akong shower. Pero gwapo pa rin naman kahit may bahid pa ng dugo ni Ellena ang damit ko. Hindi man lang din ako nakapagbihis—at antok na antok na ako!
Finally, after freaking long years! Dumating na rin si Jaydee at kasama niya si Attorney Mia.
Napakaganda niya. Para siyang isang ramp model na naglalakad papasok ng Police Station. Pero s**t. Ang haggard ko na haharap sa kaniya.
Pinalabas naman ako ng pulis sa selda at dinala patungo sa lounge. Sa isang table naroon sina Jaydee at Mia.
“Bro,” Ani namin sa isa’t isa ni Jaydee at nag fist bump pa kami.
“Hi,” malandi ko namang bati kay Attorney na tinapunan lang ako ng matalim na tingin sabay nag-iwas agad.
“Kilala mo na siya hindi ba?” Panimulang sabi ni Jaydee.
“Of course!” napatitig ako kay Mia ng malagkit na mistulang nais kong iparating sa kanya ang tungkol sa—alam niya na.
Nararamdaman ko ang pagka asiwa niya kaya hindi siya masyadong makapag-isip. The poor girl can’t compose herself right now.
Mayamaya pa ay napatikhim siya.
“Nakapatay ka raw?” Tanong niya na nakataas ang kilay.
I snorted. “Excuse me honey, mali ka yata ng nasagap na balita. Wala akong pinatay. Napagbintangan lang ako,” Katwiran ko naman.
“Excuse me, it’s Attorney, let’s be professional here,” pagtatama niya sa akin saka bumaling naman kay Jaydee.
“Jayd, pwede mo ba kaming iwan muna?” pakiusap nito kay Jaydee.
Tumango naman si Jaydee. “Sure, actually hindi na rin ako magtatagal. I have a shoot later, ikaw na muna ang bahala sa kaibigan ko kung maari.”
“Sure,” ani niya na nakangiti nang matamis.
Napapasinghal ako sa isip ko.
How could she be so sweet to him and rude to me? You’re so bad babe.
“I got to go bro,” Paalam ni Jaydee saka tinapik ako sa balikat.
“Salamat bro,” tugon ko at tuluyan na nga siyang umalis.
Sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa, naging abala naman siya nang kumuha siya ng ballpen at maliit na stainonary saka nagsulat ng kung ano. Tahimik ko lang siyang pinagmasdan. Mayamaya pa ay binasag niya ang katahimikang nakabalot sa amin sa pamamagitan ng pagtikhim.
Pagkatapos ay pinunit niya ang isang pahina ng stationary na pinagsulatan niya at inabot iyon sa akin. “Ito ang breakdown ng Professional fee ko,” aniya bilang paliwanag sa kung anong nakasulat sa maliit na papel na inabot niya.
Napangisi ako. “Ito agad ang pag-uusapan natin?” tanong ko sa kanya.
And then she smirked. “Bakit? Iyan lang naman ang dahilan ng pagpunta ko rito. Bakit ba ako naging abogada? Siyempre para kumita!” mataray niyang tugon.
“Heck. Alam ko naman iyon pero, hindi mo man lang ba muna ako kakausapin o bibigyan ng advice about sa kaso?”
“Huwag mo akong pangunahan! Alam ko ang ginagawa ko,” mataray niyang tugon muli. Nagkibit-balikat na lang ako at tumahimik. Mayamaya pa ay nilapitan siya ng isang pulis at binigyan ng folder na may naglalamang dokumento. Sa tingin ko ay ang Police report iyon tungkol sa nangyari.
“Mr. Herson Henriques,” Pagbasa niya sa pangalan ko. And take note—silent H.
“Woah! I’m impressed. Hindi mo na mispronounce apelyido ko.”
Kumunot naman ang noo niya. “Hindi naman ako tanga. Alam ko ang pagka pronounce ng apelyido mo, and I knew that this is a Portuguese surname—basic,” tugon niya saka ng ikot ng mga mata. Medyo mayabang din siya huh.
Muli naman siyang bumaling sa dukomento. Napapa arko ang kilay niya habang binabasa niya ang nilalaman nito.
Bigla akong sumingit sa kanya. “Yung babaeng nakasalubong mo bago ka lumabas—”
“So!” mataas na boses na saad niya bilang pagpuputol sa sinasabi ko. Inilapag niya ang dukomento sa lamesa at naghalukipkip.
“Ikaw ang huling taong kasama niya bago siya mamatay, at naaktohan ka rin na nasa harap ng nakahandusay na katawan niya.” Napahinto siya at napatingin sa damit ko.
“At may bahid pa ng dugo niya ang damit mo.”
Bahagya siyang yumuko at umiling-iling.
“Napakalakas ng ebidensiya laban sa’yo. Lalo na at ex-wife mo pala ang babaeng iyon, meaning to say, maaaring may motibo ka talaga para patayin siya.”
“I couldn’t agree more. Tama nga lahat ng sinabi mo, maliban sa huli,” tugon ko at napairap nga bahagya.
“May I ask you. May alitan ba kayong dalawa ng ex-wife mo?” tanong niya na parang nasa korte ang datingan.
Sinagot ko naman siya ng walang pag-aalinlangan. “She cheated on me.”
“Gotcha!” sabi niya bigla.
Umiling-iling ulit siya at napakagat-labi. Damn she is so sexy.
“Lumalabas nga na may motibo ka sa pagpatay sa kanya, tsk. Madidiin ka nga talaga rito.” Hinawi niya ang buhok at nagpunas ng pawis na dala ng init ng temperatura sa lugar na iyon.
Muli siyang naghalukipkip. “Marami ka naman yatang pera. Mabuti pang gamitin mo iyon para makalusot ka sa kasong ‘to.” ikinagulat ko ang sinabi niya. Bahagya siyang napaangat sa kinauupuan at lumapit sa tainga ko at bumulong. “Makipag areglo ka na lang sa pamilya ng biktima.”
I can’t believe her! She is proposing an under the table way. Tsk. I know I am a billionaire, but I don’t wanna waste my money with this mind of dirty fixing business. And besides, I am innocent. Why the heck would I do that?
“What about you? Aren’t you capable of defendig me?” I asked her.
“I can, pero sinasabi ko lang na wala kang laban sa kasong ‘to—”
“Akala ko ba kaya mo?" I cut her and smirked. “Then do everything to defend me, I can’t believe you think like that, are you sure you are a lawyer? O baka naman pinepersonal mo ako? Kasasabi mo lang na let’s be professional hindi ba?”
“Are you saying that I am unprofessional? Iniinsulto mo ba ako?”
Parang abnormal itong babaeng ito. Hindi ko maintindihan, ang hirap espelingin!
Padabog siyang tumayo. “I’m done here. Humanap ka na lang ng ibang abogado mo.”
Wow, siya pa itong lumabas na galit ngayon.
Tatalikod na sana siya pero pinigilan ko siya at hinawakan sa braso. “Professional ka hindi ba? You are not leaving your client hanging. And whatever personal grudges you have with me, you have to set that aside. That is professionalism.”
Napalingon siya sa akin at tiningnan ako ng matalim. “Bakit ba kasi ako? Marami namang iba—”
“Because I want you.”
Natigilan siya sa sinabi ko. “It’s my personal choice, and I can pay you whatever it cost,” dugtong ko naman.
She just smirked at me and I continued to talk. “And also, don’t wait for me to use my very last ace.” I smirked at mas lalong nainis ang mukha niya.
“Remember the footage babe.”