Mia's POV
“Hindi ka pa rin ba gigising?”
Narinig ko ang boses ni mommy habang nakapikit pa rin ang mga mata ko, kahit hindi ko man nakikita ay kilalang-kilala ko ang boses niya. “Hmmm. Ano ba iyon?” mahinang daing ko. For Pete's sake, kalahating tulog pa ako sa mga oras na ito.
“Mia Liza! Hindi ka talaga babagon ha?”
Medyo malakas na ang boses ni Mother dragon kaya napabalikwas na ako sa kama. “Ano ba kasi iyon?” Padabog ko nang tanong habang nagkakamot ng ulo at pagkatapos ay nagkusot ng mga mata.
“Anong oras na? Kanina ka pa ginigising ni Bebang. Aren’t you supposed to be working right now?” ani niya na nakataas ang kilay at nakahalukipkip.
I don't know why she is overreacting right now. Eh sa bahay lang din naman ang office ko.
When Daddy was still alive, he started a law firm just within our house. May sakit na kasi siya kaya ayaw na niyang mag-travel pa from time to time kung sa ibang lugar pa ang opisina niya. Together with me and Mom, we started the Imperial Law Firm at the comfort of our home. Hindi naman naging mahirap makakuha ng clients dahil kilala naman ang pamilya namin sa larangan ng abogasya. Thanks to our parents who are both great lawyers who paved the way for us in this profession. Let's say, 50 percent ng credibility namin ni Angel ay dahil sa mga magulang namin.
Going back to my murmuring Mom, inikutan ko lamang siya ng mga mata at tuluyan na akong tumayo sa kama. Patungo na ako sa bathroom para mag-shower pero panay pa rin ang sermon niya. “Buti pa yung kapatid mo, kahit buntis nagsisipag pa rin magtrabaho. Ikaw na dalaga pa at maayos ang pangangatawan napakabatugan.”
May hinahawakan pa rin kasing kaso si Angel ngayon kahit four weeks na siyang nagdadalan-tao. Kaya kung maka kumpara si mommy sa aming dalawa wagas.
And blah… blah… blah…
Another series of comparisson between us.
I really hate it everytime Mom compares me to Angel. Well, sino naman ang may gusto na ikumpara ka sa ibang tao? Wala naman siguro.
At kahit nagkabati na kami ni Angel, hindi ibig sabihin no’n na naghilom na ang mga sugat noon. I mean, yes the wound may be healed now, but the scars still remained. Lalo na kay Mommy, kami na lang dalawa palagi ang magkasama sa bahay kaya hindi maiwasang hindi mag-clash ang mga ugali namin pareho, at wala na rin si Dad na mediator naming dalawa. Hindi ko pa rin kasi talaga maiwaksi ang sama ng loob ko sa kaniya na matagal ko nang dala-dala—lalo pa at nag gaganyan siya sa akin ngayon.
Simula pagkabata, ramdam ko na mas paborito nina Mommy at Daddy si Angel. Matalino kasi siya, iyong tipong easy lang sa kanya ang maging top sa klase. Hindi kagaya ko na hirap na hirap makakuha ng kahit 75.
Mataas ang expectation ni Daddy sa amin noon at parang napakadali lang para sa kanya na ma-meet iyon.
Kaya nga, noong nag-take kami ng bar exams at noong nalaman kong bagsak ako at nakapasa si Angel with a top noch, doon ko nagawa ang pinakamalaking kasalanang sumira sa aming magkapatid—I switched our results. At iyon ang naging dahilan kung bakit lumayas si Angel sa bahay namin dati.
Nakakatawa nga eh. Ako ang kinampihan nina Mom at Dad noon, hindi dahil sa pinapaboran nila ako, kundi alam nilang mas matatag si Angel sa akin at alam nilang kaya nitong tumayo sa sariling mga paa kaysa sa akin at masakit iyon sa part ko. Pero, toto naman kasi.
But it was all in the past. Nagkapatawaran na kami noong nawala na ang Daddy. Pero ewan ko ba, hindi na nga yata matatanggal ang peklat na dulot ng sugat na iyon sa pamilya namin. Or maybe ako lang?
Lalo na ngayong kinokumpara pa rin ako ni Mommy sa kanya. Paulit-ulit niya pa ring pinapamukha sa akin na si Angel ang paborito niyang anak. Which is hindi naman niya talaga anak na tunay—Angel is my half sister from my father.
Hindi ko na pinansin si Mommy, nagpatuloy na ako papunta sa bathroom at sinimulang maligo. Mga isang oras ang inaabot ko sa tuwing naliligo kaya for sure magsesermon na naman iyon sa akin kapag nasa office na kami.
After an hour of bathing, nagtungo na agad ako sa office namin. Simula no’ng wala na si Dad, sa study room na niya kami madalas gumagawa ng mga trabaho namin.
Hindi na rin uso ang almusal sa’min gaya ng dati. Pareho kaming nagpapakabusy ni mommy at minsan hinahatiran na lang kami ng pagkain ng maids. Another perk of work at home—everything you need is just easy to get.
Pagkaupo ko sa table ko ay agad kong hinarap ang paperworks sa table ko. Hindi naman na nagsalita pa si Mommy dahil masyado na siyang abala sa kaharap niyang gatambak na paperworks para pansinin pa ang pagdating ko.
Just when I was about to open one folder ay siya namang pagtunog ng phone ko.
Speaking of the wicked angel, siya nga. Yung nililibak ko sa isip ko kanina pa.
Sinagot ko na agad ang tawag niya. “Bakit?”
Ganoon ako sumagot sa tawag niya at ganoon din siya sa akin kapag ako ang tumatawag. Hindi kasi kami iyong tipong nagtatawagan ng walang kailangan.
“Sis, samahan mo naman ako oh,” anito sa kabilang linya na tila ba nagpapa-cute ang tono.
“Wow, Sis huh.” pambabara ko pa sa pagtawag niya sa akin ng sis. “Saan ba?” tanong ko.
“Gusto ko sanang mag Starbucks eh,” sagot niya na ikinasinghal ko. “Sersiously? Maraming starbucks diyan sa malapit sa inyo ah. Bakit magpapasama ka pa sa’kin na ang layo-layo ko?”
“Of course I wanna bond with you!” tugon niya. “Nami-miss lang kita!” pahabol pa niya.
Napairap ako. “Wow, ano bang hangin? And why me? Nasaan si Jaydee?”
“Ikaw nga gusto ko makasama!” Anito na tila ba isang batang nagta-tantrums.
“Baliw ‘to, busy ako!” sagot ko.
“Sige na, samahan mo na ang Ate mo,” biglang singit ni Mommy. Napatingin ako sa gawi niya sandali at muling kinausap si Angel. “Okay, just text me kung saan tayo magkikita.” Pinatay ko na agad ang tawag at bumaling kay Mommy.
“Akala ko ba maraming gagawin?” tanong ko sa kanya.
“Pagbigyan mo na ang buntis,” tugon lamang niya.
Napatayo na ako sa upuan ko at sa huling pagkakataon ay nagsalita ako. “Alam niyo, hindi ko alam kung sino ba sa amin ang anak mong talaga.” Pagkasabi ko noon ay nag-ikot ako ng mga mata saka dinampot ang clutch bag ko at tuluyan nang lumabas ng office.
I drove all the way to the Starbucks branch where Angel was.
Pagkarating ko ay nadatnan ko siyang umiinom na ng Caramel frappe.
Napakunot ang noo ko nang makita kong may isang disposable tumbler na ang walang laman.
“Pangalawa mo na ‘yan?” ‘di makapaniwala kong tanong.
“Bakit ba? Ang sarap eh.”
Mukha ngang sarap na sarap siya dahil para siyang hinahabol kung makasipsip sa straw.
Nag-ikot na lamang ako ng mga mata.
“Order ka na do'n, my treat,” utos niya.
“Yeah,” sagot ko saka akmang lalakad na patungong counter.
“Please get me another Caramel frappe!” pahabol niyang sabi bago ako makahakbang. Seriously? Gano’n siya katakaw?
“I know what you’re thinking. Hindi ako matakaw, minsan nga wala akong ganang kumain o uminom ng kung ano kaya bear with me,” sabi pa niya na tila nababasa amg iniisip ko.
“Mind reader ka ba?”
“Hindi! Abogada ako. Kaya alam ko kung paano kilatisin ang tao sa itsura pa lang ng mukha!” pa-cool niyang tugon.
“E ‘di wow!” sagot ko naman saka napa-irap. Nagpatuloy ako sa pag-order at bumalik rin agad sa table pagkatapos at naghintay na i-serve ang inorder namin. Nagkakuwentuhan naman kaming magkapatid habang naghihintay.
“Kumusta yung kasong hinahawakan mo ngayon?” panimula kong tanong.
Abala naman siya sa pagsimot ng frappe niya. “Ayos lang, maganda naman ang takbo. Expected ko naman na maipapanalo ko ‘to.”
Napatango ako. “Goodluck,” tugon ko na lang.
Napasulyap ako saglit sa labas at tiningnan ang mga taong naglalakad saka napahalukipkip at bumaling muli sa kanya. “Wala ka bang balak mag-leave? Nakaka-stress kaya ang trials, baka makasama sa’yo,” ani ko na may tono ng pag-aalala. Four weeks pa lang kasi siyang nagdadalang-tao, kumbaga nasa first trimester pa lang siya at baka maselan ang pagbubuntis niya.
Napangisi naman siya. “Hangga’t hindi pa ako nanganganak, hindi ako titigil. Buntis lang naman ako, hindi lumpo.”
“Buti pinapayagan ka ni Jaydee?”
Napasinghal siya. “Naku, huwag niya kamo akong pipigilan sa gusto kong gawin. Bago pa niya ako makilala, Abogada na ako.”
Sumipsip ulit siya sa straw para simutin ang huling bula ng frappe niya.
“...tsaka, isa pa. I always make sure na hindi naman maaapektohan ang pagbubuntis ko,” dagdag pa niya.
Ang swerte naman niya talaga kay Jaydee. Sinusunod lahat ng gusto niya.
Napangiti ako ng mapakla. “Huwag mo nga masyadong galingan, napre-pressure ako kay Mommy,” pabiro kong sabi. Pero it was half meant.
“Bakit?” tanong niya.
Napabuntong-hininga ako saka nagsalita. “Lagi na lang kasi niya akong kinokumpara sa iyo.”
Napatingin siya sa akin at wala siyang imik na tila ba hinihintay na magkwento pa ako. Sakto namang dumating ang inorder namin.
“Madalas kaming magsagutan, paano ba kasi. Mag-relax lang ako ng kaunti, kung anu-ano nang sinasabi.”
Hinawi ko ang buhok saka sinimulang humigop ng hot choco ko. “Nakakarindi minsan. Alam mo? Gusto ko na ngang mag-asawa na rin para makaalis na ako sa bahay.”
“Huwag ka namang gano’n, kawawa naman si Mommy, maiiwan mag-isa,” saway niya sa akin.
“Hindi mo ako masisisi. Ikaw kaya? Nakakapagod makisama kay Mommy kung alam mo lang.” Palibhasa, all these years namuhay kang mag-isa kaya hindi mo alam kung gaanong nakakainis si Mommy minsan.
Pero syempre, sa loob-loob ko lang iyong huli.
“Akala mo naman madali mabuhay mag-isa. Maswerte ka at hindi ka naging salat,” katwiran niya naman sa akin.
“Yeah. Yeah, and that’s why it made you great in their eyes,” sagot ko saka nag-ikot ng mga mata.
“Hey b***h. Gusto mo ng away?” biglang hamon niya na nakataas ang kilay.
Tumawa naman ako. “Hindi ako lalaban te!”
Nagkatawanan kaming dalawa. Naku, pasalamat siya at buntis siya kundi, baka nagpang-abot yung toyo naming dalawa.
“Hayaan mo, kakausapin ko si Mommy,” bigla ay seryoso niyang sabi.
Nagpatuloy kami sa pagkukwentuhan. At mayamaya pa ay tumunog ang cellphone ni Angel.
Napatingin kaming dalawa sa phone niyang nakalapag sa table. “It's Jaydee,” Aniya pagkatapos tingnan ang screen.
Tumango ako nang sumenyas siya gamit ang palad na nagpapahiwatig ng 'wait'
At sinagot na niya ng tuluyan ito.
“Hello?”
Natahimik siya na tila pinapakinggan ang sinasabi ni Jaydee sa kabilang linya. Seryoso ang mukha niya, indikasyon na seryoso rin ang sinasabi ni Jaydee.
“Okay, I’ll tell her. Oo magkasama kami ngayon. See you sa bahay. I love you too.”
Napakunot ang noo ko sa narinig kong 'Oo magkasama kami'
“Ako ba pinag-uusapan niyo?” pagkukimpirma ko at tumango naman si Angel.
“You know Herson right?” she started to ask.
Yeah. That f*****g asshole who took my virginity and filmed it. How could I forget?
“What’s with him ba?” tanong ko habang nakaarko ang kilay.
“Something happened in his bar last night…”
Napahinga ng malalim si Angel na tila ba may pag-aalala sa mukha.
As far as I remember, galing ako doon kagabi para sana makipag negotiate about sa scandal footage. But I rather keep it myself than spill it to her.
“Anong nangyari?” I asked instead.
She looked away for awhile and get back to me again. “Someone died in his office last night.”
“What?” nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko.
“It was his ex-wife and he is considered to be the primary suspect of the said crime.”
Kung hindi ako nagkakamali, iyon yata ang babaeng pumasok no'ng gabing iyon bago ako lumabas ng opisina niya.
“I’m done with him. You can have him now,”
Iyon pa nga ang huling sinabi ko bago ko sila tuluyang iwan doon sa silid na iyon.
“And he is asking for you to become his Defense Attorney.”
Pagkasabi niyang iyon ay muli akong napatingin kay Angel na naka-kunot noo.
“Me? But why?” tanong ko.
Umarko naman ang kilay ni Angel.
“Coz’ why not?”