"MORNING, DADDY..." Bati ni Zia sa ama pagpasok pa lamang ng komedor. Nilapitan niya ito at kinintalan ng halik sa pisngi. "Good morning..." sagot nito, na bahagya pang iniarko ang mukha upang tanggapin ang pagbating halik niya. Matapos ay ang mommy niya naman ang nilapitan niya. At katulad ng ama ay pinatakan din niya ito ng masuyong halik sa pisngi. "Morning, Mom..." "Good morning, hija..." sagot din sa kanya ng ina. "Have a seat. Kumain ka muna, anak, bago ka umalis." "Baka sa office na lang po," magalang niyang tanggi rito. "Parating na raw po si Kier. Ihahatid niya po ako sa office." "Eh, di papasukin mo na lang din muna si Kier para kumain ng almusal." Suhestiyon ng kanyang ina. Alanganin siyang ngumiti rito. Nilingon niya pa ang kanyang ama na nakatingin lamang sa kanila upang