"PAGANDA ng paganda 'yung isa diyan," wika ni Olay na may himig nang panunukso. "Oo nga. Blooming siya. Bakit kaya?" dagdag naman ni Allie. "Baka umiibig na siya." Ayon naman kay Panyang. Isa-isang tiningnan ni Madi ang mga ito. Nagkunwari ang mga ito na busy sa kani-kanyang mga ginagawa. Si Olay ay abala sa pag-aayos 'kuno' ng mga paninda kahit nasa ayos naman ang mga iyon. Si Allie ay abala 'kuno' sa pagte-text kahit wala naman load. Si Panyang ay abala sa pagkutkot ng kuko nito sa paa. Naroon silang lahat sa harap ng tindahan ni Olay at nagpapalipas ng oras. Dahil Linggo at wala silang pasok pare-pareho, kaya hayun na naman sila at walang tigil sa pang-aasar kung sino man ang trip nilang asarin. Ngayon nga ay siya na naman ang napagbalingan ng mga ito. "Tigilan n'yo 'ko ha?" sagot n