BAW6: Desisyon!

1311 Words
------- ***Akeelah's POV*** - Kaharap ko ngayon si Saven, kakausapin daw nya ako. Medyo may pasya na rin naman ako. "Please Akeelah, nakikiusap ako. Pagbigyan mo na ako sa pabor na hiniling ko sayo. Ibabalik ko sayo ang titulo nitong bahay at lupa mo, please just grant me the favor I'm asking from you. Hindi na ako pwedeng magtagal dito. My child is getting restless waiting for me. I can't leave until I hear your decision. Just one year, Akeelah. If you want compensation, I can pay you. Just name your price." Aminado ako na parang nainsulto ako sa sinasabi nya. Ganito ba talaga ang mga mayayaman? Ang tingin sa lahat ng bagay ay may katapat na pera. The only reason I'm having second thoughts is because I'm worried about his child. Instead of helping, what if what we're doing ends up harming the child? And what will happen after one year? Will his daughter be able to accept it if she suddenly finds out that I'm not her real mother and that her real mom is actually dead? "Hindi ako mukhang pera, Savy." hindi ko mapigilan sambit. "I'm sorry! Hindi naman yan ang ibig kong sabihin. It just that I---- I am so desperate that I can even kneel in front of you. Gagawin ko ito para sa anak ko, Akeelah!" nagsumamo ang titig nya sa akin. Larawan sya ng isang mapagmahal na ama. Ang swerte siguro ng kakambal ko sa kanya. Isang buntong- hininga ng pinakawalan ko. "Okay. Payag na ako." ani ko sa kanya. Napaawang ang labi nya sa narinig sa akin. Pakiramdam ko, hindi nya inaasahan ang sasabihin ko. "Really?" paniniguro nya. Unting- unti nang nagbago ang ekpresyon ng mukha nya. Unting- unti narin kumislap ang kasiyahan sa mga mata nya. "Oo. I'm doing this for my niece. I want to get to know her even though I never met my twin sister. But please, think of a way for us how to tell her the truth after one year without causing her pain." "Akeelah, I understand your concerns, and I appreciate your willingness to help. It's a difficult situation, but I believe honesty is crucial for Sandy's well-being. I'll think of a way to gradually prepare her for the truth after this, so it won't be a sudden shock. We can work together to make this transition as smooth as possible. Thank you for considering this and for wanting to be a part of Sandy's life habang nagpapagaling pa sya. Don't worry, ako na ang bahala sa lahat." nakangiting sabi nya. Isang ngiti lang ang itinugon ko sa sinabi nya. Natatakot lang talaga ako. Natatakot ako sa maging kahahantungan nitong pagpapanggap naming dalawa. Pero kailangan kong gawin ito para sa bata. Saka ko na iisipin ang ibang bagay pagkatapos nitong ma- operahan at maka- recover na ito ng tuluyan. "Salamat. Salamat talaga Akeelah." nakangiting sabi ni Savy. Hindi ko napaghandaan ang susunod nyang gagawin, bigla nalang nya akong niyakap ng mahigpit. Para akong naninigas sa ginawa nya. Nanlaki ang mga mata ko at hindi halos makakilos. His hug was like a burst of emotions, overwhelming yet comforting. It felt like time stopped, just us in that moment. My heart raced, I felt like there were horses racing inside my heart. I also felt like there were thousands of volts of electricity running through my body. I was electrified with beautiful sensation that consuming me at this moment. I really liked his hug, but at the same time, it filled me with fear and anxiety. Hindi ko maitatanggi na parang may tali na naka- konekta sa aming dalawa. At ewan ko kung bakit nakaramdam ako ng ganito sa kanya. Napaangat ako ng mukha sa kanya, habang nakayuko naman sya sa akin. Tila parehong tumigil ang oras sa aming dalawa. Nagkatama ang paningin naming dalawa. 'I'm sorry." aniya na tila napagtanto ang pagkakamali. Mabilis din syang bumitaw sa akin. Hindi na ako sumagot sa sinabi nya. Hanggang ngayon kasi, naramdaman ko parin ako ng matinding pagkailang sa kanya. Ang awkward talaga ng sitwasyon namin kanina. ----------- "Sigurado ka na ba? Iiwan mo na talaga ako?" pinalungkot pa ni Atasha ang mukha nito. "Mag- isa nalang ako. Bakit ba lagi nalang akong naiiwan? Ano bang prob---" Nahina kong hinampas ang balikat nya. "Sira!" natatawa kong sabi na sinabayan din naman nya kalaunan. Sinabi ko sa kanya ang problema ko. Saka ko lang din nasabi sa kanya ang tungkol kay Saven. Sinabi ko sa kanya ang problema ni Saven at kung paano ko ito matutulungan sa problema nito. Pati na ang desisyon ko na pagbibigyan ito sa kahilingan nito para na rin sa anak nito. "Mga isang taon lang naman ako doon. Babalik din ako dito, at magtitinda muli ng isda." Hindi sya sang- ayon sa desisyon ko dahil natatakot sya na baka ako ang maging kawawa sa bandang huli, pero nakasuporta pa rin naman sya sa gagawin ko. "Basta kung may problema ka doon. Don't hesitate to call me. Just call my name and I'll be there." Kinanta pa nya ang huling mga salita. Habang ginawang microphone ang isang kamao. "Puro ka talaga kalokohan." Natatawa kong sabi. Sumeryoso sya. "Mag- ingat ka doon. Nag- alala kasi ako sayo, baka ikaw pa ang madehado sa bandang huli." Yumakap ako sa kanya. "Salamat Tashang. Alagaan mo ang isdaan natin. Pag balik ko dito, sana business partner mo parin ako." Naluluha ako. Nalulungkot akong iwanan pangsamantala ang nakasanayang kong buhay. Akala ko talaga, hindi na ako makatapak muli sa Manila, ngayon babalik ako doon pangsamantala. "Oo naman." Namula ang mga mata nya pero nakangiti. "Mag- ingat ka doon." Tumango ako. Nagyakapan kami muli ng matalik kong kaibigan. -------- Kinabukasan.... Namangha ako nang nakita ko ang isang chopper plane na naghihintay sa amin ni Saven. Medyo sumasakit lang ang ulo ko dahil sa ingay nito. At talagang ito ang sasakyan namin paalis sa isla kung saan ako nakatira. "Hello, I'm Savino. Saven's brother and the pilot." Pakilala sa akin ng lalaking sumundo sa amin. Kahit nakangiti sya pero halatang seryosong tao sya. Mukhang galing talaga sa magandang lahi si Saven. Napakaguapo din kasi ng kapatid nya. Mas matangkad si Savino kaysa kay Saven, at medyo tan si Savino. Hindi ko napigilan ang sarili ko at napasurvey ako sa almost perfect na kaguapuhan ng kapatid ni Saven. "Akeelah." Matipid na sagot ko. Matamis ang ngiti ko sa kanya. "Akeelah" patango- tango si Savino. "Nice to meet you." Aniya at inilahad nya ang isang kamay nya sa akin. Tatanggapin ko sana ang pakikipagkamay nya nang bigla akong hinila ni Saven. "Tayo nah! Maraming oras ang nasasayang natin dito." Ani ni Saven. Mukhang wala sya sa mood. Ano kaya ang nangyari sa kanya? Kanina lang, masaya pa kaming nagkukwentuhan habang papunta dito. Ngayon, ang asim na ng mukha nya. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Savino. Napakunot- noo ako. "Put your headphones guys, at lalarga na tayo." Ani ni Savino, at nagsuot sya ng kanyang headphone. Napasinghap ako nang si Saven mismo ang nagsuot ng headphone sa akin. Nagkatama ang mga paningin namin dalawa habang inayos nya ang headphone sa tenga ko. Naramdaman ko na naman ang tila pagdaloy ng kuryente sa loob ng katawan ko. Tikhim ni Savino ang naging dahilan kaya nabawi namin ang paningin namin sa isa't- isa. "Salamat." Ani ko. Nakayuko ako dahil naiilang ako bigla. Hindi sya tumugon at ipinukos nya ang paningin sa unahan. Magkahalong kaba at excitement ang naramdaman ko habang nasa himpapawid na kami. Napapitlag ako ng hinawakan ni Saven ang isang kong kamay na nakahawak sa siderest ng upuan. Napatingin ako sa kanya. Hindi sya nakatingin sa akin. Gumaan ang pakiramdam ko dahil sa ginawa nyang paghawak sa kamay ko. Lihim akong napangiti. Bagong buhay muna ang haharapin ko ngayon. Aminado akong kinakabahan ako. Magiging Mrs. Faith Montreal muna ako pangsamantala. Saven Montreal's hired acting wife.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD