BAW5: Anong desisyon?

997 Words
---------- ***Akeelah's POV*** - Nakatingin ako kay Saven habang kumakain ng agahan namin ngayon. Halata na hindi sya sanay sa kinain namin. Piniritong galunggong at gumawa ako ng sawsawan na may kamatis. Nagprito din ako ng talbos ng kangkong at may kanin din. Inihanda ko din sya ng kape, tinimpla ko lang, bumili lang ako ng sachet ng kopiko black. Ewan ko ba kung bakit hanggang ngayon, nandito pa rin sya. Kailan ba sya aalis? Dalawang araw na sya dito. Hindi ko naman sya pwedeng paalisin dahil maliban sa kawalang asal iyon. Sa tingin ko kasi wala akong karapatan. Parang sya narin ang nagmamay- ari nitong bahay ko dahil sya nga ang tumubos ng lupa na kinatirikan nito mula kay Mr. Chuy. Gusto ko syang pagbigyan sa hilig nya pero natatakot ako. Baka bumalik na naman ako sa dati. Baka bumalik na naman sa panaginip ko ang masalimuot na nangyari sa akin noon. Ang dahilan kung bakit nasira ang buhay ko. The Noval Island is my safe haven against from the shadow of my horrible past. Pag nandito ako, sa tingin ko malakas ako at walang pwedeng manakit sa akin o ang gawan ako ng masama. Maybe because this is the place where I born and grow. Nakaugat na ang buo kong pagkatao dito. "I'm sorry if 'yan lang ang nakayanan na ihanda ko para sayo. Simple lang buhay dito sa Isla. 'Yan ang madalas namin kinakain dito." Humingi parin ako ng paumanhin kahit hindi naman ako obligado. Kahapon kasi, ipinagluto ko sya ng hotdog at ham, pero naubusan na ako ng stock sa mga iyon. "It's okay. Ako nga ang nahihiya sayo." Buti alam mo. Muntik ko nang nasambit. Matipid nalang akong ngumiti. Wala naman ako sasabihin. Nagpatuloy na kami sa pagkain. "Akeelah, I know na hindi tama na pag- usapan natin ito ngayon. But nauubusan na ako ng oras. Please, for my daughter. For your niece." Nagsumamo ang kanyang mga titig. Nakatingin lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung paano sya sagutin. "Pwedeng pag-isipan ko muna kahit ngayong araw lang na ito."mas pinili kong sabihin. "Thank you. I hope you won't let me down. Pati narin ang kakambal mo na si Faith. Kung kaya pala syang kausapin ngayon, I know she will ask you the same thing." Pangungusensya nya. Kinilabutan ako sa sinabi nya. Ayaw ko ngang makipag- usap sa patay. Kung gusto nya, sya nalang ang kakausap sa asawa nya kung makakausap nga namin ito. Natapos din ang agahan namin ng matiwasay kahit pa halata na medyo napipilitan lang si Saven na kainin ang mga inihanda ko. Pagkatapos namin kumain, inihanda ko na ang sarili ko para palitan si Atasha doon sa pwede namin sa palengke. "Okay kalang naman siguro dito?" Ani ko kay Saven bago ako tuluyang lumabas sa bahay. Kasalukuyang syang nakaupo sa may sofa. At busy sya sa kanyang cellphone. Sandali syang napaangat ng tingin sa akin. "Yah, I'll be fine. Thank you!" Balik na naman sa cellphone ang pokus nya. Lumabas na ako sa pinto ng bahay, pero bago pa ako tuluyan nakalayo, narinig ko si Saven na may kausap sa cellphone. Siguro anak nya ang kausap nya. - Hey there, sweetie. I miss you too. No need to fret, daddy will be back home before you know it. Mommy? Yeah, she's doing great! The doctors say she'll be waking up soon. I love you too, kiddo. I'll be sure to pass that along to her. And of course, mommy loves you dearly. You're her little princess. - Nahabag ako sa narinig ko. Mukhang mahal na mahal nga ni Saven ang anak nya. Ramdam na ramdam ko ang sinseridad at pangungulila sa boses nya. Lihim akong napasilip sa kanya. Parang tinusok ng karayom ang puso ko nang paulit- ulit sa nakita ko. Namumula ang mga mata nya na nakatingin sa cellphone nya. Sino kaya ang tinignan nya sa cellphone nya? Picture ng anak nya? O asawa nya? Baka family picture nila? Masaya siguro ang pamilya nya bago namatay ang asawa nya. Tila wala ako sa isip habang naglalakad papunta sa palengke. Laman ng aking isip ang hinihiling ni Saven sa akin. "Mama! mama!" Napatingin ako sa dalawang bata na umiiyak habang pasakay ang ina nila sa tricycle. May malaking bag na dala ang mama nila. Mukhang magtatrabaho ito sa malayong lugar. Tulong luha din ang mama ng mga bata, habang isa- isa nyang niyakap ang kanyang mga anak. Hanggang sa nakalayo na ang tricycle na sinasakyan ng ina ng mga bata pero iyak na iyak parin ang dalawang bata. "Babalik din ang mama ninyo. Halika na kayo." Ani ng sa tingin ko Lola ng mga bata. Iyak na iyak parin ang dalawang bata habang nakasunod sa kanilang Lola. Nasundan ko ng tingin ang mga ito papasok sa kanilang munting tahanan. Ewan ko pero parang pinipiga ang puso ko. Nagpatuloy ako sa paglakad. Hanggang sa umabot ako sa palengke. "Ake naman, ang tagal mo. Gutom na gutom na ako."reklamo agad ni Atasha nang nakalapit na ako sa kanya. Napatitig sya sa akin. "Ake, may problema kaba? Para kang umiiyak?"puna nya. Napatulo talaga ang mga luha ko kanina habang naglalakad ako papunta dito. Dapat sasakay sana ako ng tricycle dahil hindi naman kasi malapit itong palengke sa bahay ko, pero dahil sa dis-oriented ako kaya hindi ko namalayan na naglalakad na pala ako papunta dito. "No." Sinabayan ko ng iling. "Napuwing lang ako." "Are you sure?" Paniniguro nya. Nakangiti akong tumango. Umalis din agad si Atasha para kumain ng kanyang agahan. Nakaupo ako, naghihintay ng customer habang nakatingin sa kawalan. Kung pagbibigyan ko nalang kaya si Saven, tutal hindi din naman panghabang buhay na kailangan kong umakting bilang asawa nya. Isang taon lang naman ang hinihingi nya sa akin na panahon. Ooperahan daw naman kasi ang anak nya ngayong taon. Somehow gusto ko rin naman mapasaya at mapalapit sa anak ng hindi ko nakilalang kakambal. Bayad ko nalang siguro kay Saven dahil tinubos nya ang lupa namin mula kay Mr. Chuy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD