BAW2: Island Girl!

1574 Words
--------- ***Akeelah's POV*** - Kasalukuyan kong hinihintay ang pagdaung ng bangka ng mga mangingisda. Kailangan maunahan ko ang ibang mamimili. Kailangan makapili ako ng maganda at sariwang ibat- ibang klasing isda. Matumal pa naman ang benta ko ilang araw na ang nakakalipas. Nagmahal kasi ang mga isda, dahil sa bagyong dumaan nung isang linggo. Kailangang- kailangan ko pa naman ng pera. Hindi ko naman lubos akalain na naisanla pala ng mga magulang ko ang lupang kinatirikan ng bahay namin. Kailangan kong makahanap ng pantubos nito. Ito nalang ang tanging naiwan ng mga magulang ko sa akin. Isa lamang akong hamak na nagtitinda ng isda sa palengke. Dahil sa isang unknown sponsor, nakapag- aral ako at grumadwet ng nursing sa Manila. Pero, hindi ko ipinagpatuloy ang pagkuha ng board exam. May nangyari kasi sa akin, kaya nagkasakit ang ama ko na syang inaasahan namin. Namatay din sya at sumunod ang mama ko kalaunan. Kaya mag- isa nalang ako sa buhay na naninirahan dito sa Noval Island. Hindi ko narin naisipan na kumuha ng board exam at lumuwas sa Manila. Masaya na ako sa simpleng buhay ko dito sa isla, kung hindi lang ako ginugulo ni Mr. Chuy ngayon. "Ake, dalian mo. Baka maunahan pa tayo." Hinila ako ng kaibigan ko na si Atasha, patakbo kami palapit sa mga bangkang dumating. Si Atasha ang aking partner sa maliit namin palaisdaan na nasa palengke. Tulad ko, nakapag- aral din sya ng kolehiyo pero hindi sya nakapagtapos. Sa isang exclusive pa nga na paaralan sya nag- aaral sa Manila. Galing sya sa maykayang pamilya. Hindi ko alam ang buong estorya, pero sa pagkakaalam ko, bumagsak ang negosyo ng ama nya. Saka din namatay ang ama nya. Ang kasama nalang nya sa buhay ay ang kanyang lola. Apat na taon ang tanda ko sa kanya. Pero, para lang kaming magkaedad kung magturingan. "Manong Celso,magkano itong maya- maya?" Tanong ko sa mangingisda. "200 talaga ang bigay ko dyan. Pero, pwede ko kayong bigyan ng discount." "200?" Sabay sambit namin ni Atasha. "Oo. Pero ibibigay ko nalang sa inyo ng 190. Regular customer ko naman kayo." "190 po?" Napakamot ng ulo si Atasha. "Ang mahal naman po Manong Celso, wala na kaming kikitain dyan ni Ake." "Oo nga Manong Celso----" segunda ko naman. "180 nalang po. Uubusin po namin itong isang baldi ninyo." Sabay na pinausli namin ni Atasha ang labi. Si Manong Celso naman ay napakamot sa ulo. "Pambihirang mga bata 'to." Ani nito sa pagrereklamong tono. " Lagi nalang akong kinutungan. O sige na nga! Kung hindi lang malaki ang naging utang na loob ko sa tatay mo Akeelah, hindi talaga ako pauuto sa inyo ni Tashang." Nagkatinginan na napangiti kami ni Atasha. Puno ng tagumpay ang aming mga mata. "Salamat po Manong Celso, ang bait- bait nyo talaga." Pang- uuto ni Atasha dito, saka sya napasimangot. "Pero, wag mo naman po akong tawagin Tasyang, ang baho naman pakinggan. Ang ganda po ng pangalan ko, "Atasha Francine", pero ginawa nyo lang na Tashang. Naman oh!" Reklamo ni Atasha, sabay padyak pa ng paa. "Magrereklamo ka o hindi ko kayo bibigyan ng discount?" Pananakot ng matanda. Mabilis pa sa alas- kwatro ang pagbabago ng mood ni Atasha. "Si Manong Celso talaga, hindi na mabiro. Of course, pwede nyo po akong tawagin Tashang 'till your hearts contain po."pangiti- ngiti pa ang kaibigan nya. Napailing nalang ako. Ito talagang kaibigan ko. Lumapit pa kami sa ibang mangingisda. Bumili pa kami ng ibang klasing isda. Syempre, nakipagtawaran din kami sa iba. At sadyang irresistible kaming dalawa ni Atasha. Aaminin ko, pareho kaming biniyayaan ng ganda ni Atasha. Mas matangkad ako ng kunti sa kanya pero laman naman ang mala- porselana nyang balat na ubod ng kinis. Morena kasi ako na may makinis din naman balat. Parehong maganda ang hugis ng katawan namin ni Atasha. Hindi lang iisang beses na may nag- alok sa amin ni Atasha ang magmodelo, pero lahat ng iyon ay tinanggihan namin, kahit pa ang pagiging modelo ang pangarap ko. Nadala na kasi ako sa nangyari sa akin noon. Habang si Atasha naman, wala sa bukabularyo ang pagiging modelo. Tulad ko ayaw din nyang umalis dito sa isla. Parang kanlungan na namin ito. - "Magkano isang kilo ng tulingan, Akeelah?" Si Aling Meding. Isa sya sa regular customer namin na ubod ng kuripot. "Naku, mura lang po Manang--" ani ko na may malapad na ngiti. "280 lang para sayo." "Ano? 280?" Nanlaki pa ang mga mata nya. "Ang mahal naman, Akeelah. Pwede makahingi ng discount." Ito talagang matandang matrona na 'to, ang hilig nya talaga sa salitang discount. Pero, kung tuso sya, mas tuso ako. "Sige po, 260 nalang para sayo. Alam mo naman favorite customer ko kayo." Pang- uuto ko sa kanya. Lumapad ang ngiti nya. "Yan ang gusto ko sayo eh! Sige, isang kilo nga." Agad naman ako kumuha ng ilang piraso at kinilo iyon. Nang umabot na sa isang kilo, saka ko iyong isinilid sa isang plastik. "Heto na po Manang." Bigay ko dito sa supot. Agad naman nyang tinanggap iyon. Saka sya nagbayad. Ang lapad ng ngiti nya, kasi nakamura sya. Well, iyon ang akala nya. Ang lapad din ng ngiti ko. 260 naman talaga ang kilo ng tulingan. Naisahan ko sya. Tawang- tawa si Atasha nang ikinuwento ko sa kanya kung paano ko naisahan si Aling Meding. Wala kasi sya kanina, nagbabanyo kasi sya. "Ah, saan ko ito ilalagay?" Natigil kami sa pagtatawanan ni Atasha nang narinig ang nagsalita na yon. Ang binatang si Erwin ang nagsasalita. Pasang nya sa isang malaking ice tube. Sya ang taga deliver ng ice tube sa amin, para ito sa mga itinitinda namin isda. Para hindi agad mapanis ang mga ito. "Ah Erwin, dito lang." Agad kong itinuro ang malaking container na lagayan ng ice tube. Sumunod naman sya. Saka ibinaba iyon doon. Pawisan sya at basa din, dahil sa tumutulong tubig mula sa ice tube. "Salamat." Nakangiting turan ko, saka ako nagbayad. "Libre yan!" Nakangiting sabi nya. Napanganga ako ng slight. "Libre? Nagbibiro ka yata." Bulalas ko. "Libre nga! Mukha ba akong nagbibiro?" Nakatawang sabi nya. Saka sya sumeryoso. "P-Pwede ba kitang imbitahan magsimba sa linggo?" Napasimangot ako ng bahagya. Kaya pala libre, kasi kukulitin na naman nya ako sa panliligaw nya sa akin. "Alam mo Erwin, wala nang libre sa panahon na 'to, kaya tanggapin mo na 'to." Inilagay ko sa kamay nya ang isang libo. "Akeelah naman oh!" Reklamo nya, bagsak ang balikat. " Wala akong panahon sa mga ganyan Erwin, marami akong kailangan asikasuhin muna kaysa mga ganyan. Ibaling mo nalang sa iba ang pagtingin mo." Diretso kong pagkakasabi sa kanya. Ayaw kong paasahin sya. Wala naman syang mapapala sa akin. "Handa naman akong maghintay hanggang maging priority mo narin ang pag- aasawa." I sigh. "Wala kang mapapala sa aking Erwin. Diba, sinabi ko naman sayo noon pa, na may mahal na ako. Hinihintay ko lang sya." Paulit- ulit nalang kami sa lagi kong sinasabi sa kanya. "Sigurado kaba na babalikan ka ng lalaking iyon? Baka naman, nag- asawa na yon." "I believe in him." May kabuuhan ang boses ko. Tinalikuran ko sya. Bagsak ang balikat nya na umalis. "Kawawa naman yong tao." Ani ni Atasha na nakatingin sa papalayong bulto ni Erwin."Wala kaba talagang gusto kay Erwin. Hindi ka naman lugi sa kanya." Nasundan ko ng tingin si Erwin. Talagang napakaguapo ni Erwin at may magandang pangangatawan pa. Maliban pa dito, may sariling negosyo sya. Maliban sa ice business nya, may maliit din syang pagawaan ng asin. Maswerte na ako kung ang isang katulad nya ang mabigwit ko. Marami rin mga babae na taga dito sa isla na nangarap na mapansin ni Erwin. "Wala talaga eh! Walang kakayahan ang puso ko para tumibok sa iba." Kurning pagkakasabi ko. Napatawa si Atasha. "Namumublema lang ako sayo. You're already 28 years old. Matandang dalaga kana." Tawang- tawa na pagkakasabi nya. "Baka maiwan ka na sa tren dyan. Kaya kung may nakaparada sumakay kana." "Ah ganun?!" Kinuha ko ang pamaypay ko, saka sungit- sungitan dinuro- duro ko sya gamit ang pamaypay. "Hoy Tashang, hindi porket 24 kalang, may karapatan kanang sabihan akong matandang dalaga.Mas malakas pa ako kaysa kalabaw kung hindi mo alam." Masungit kong pagkakasabi sa kanya. Saka ko sya tinaasan ng kilay. Natatawa lang sya sa inakto ko. Saka sya sumimangot. "Pambihira ka naman. Tasyang talaga. Ang bantot naman." Reklamo nya. "Sisihin mo ang parents mo, ang pangit ng ipinangalan sayo."nakatawang sabi ko. "Hindi kaya, maganda kaya ang pangalan ko." Depensa nya. Saka sya umaksyon na tila may isinulat sa ere. "Atasha Francine" pagmamalaki na naman nya sa pangalan nya."Oh diba, bongga?" "Ano naman ngayon? Bongga din kaya ang pangalan ko. Akeelah Louisse." Pagmamalaki ko din. "Really?" Napataas ang kilay nya."Yan talaga ang pangalan mo, tunog lalaki." "Oo. Akala kasi ng parents ko na lalaki ako. Louise sana ang pangalan ko. Pero, isa palang diyosa ang anak nila na galing sa ilalim ng lupa." Natatawang sabi ko. Kaya natawa narin sya. "Ate Akeelah---ate Akeelah" Sabay kaming napalingon ni Atasha sa batang tumatawag sa akin. Hinahabol pa nito ang paghinga. Mukhang galing sa pagtakbo. "Bakit Lenlen?" Tanong ko dito. "Uminom ka muna." Ani ni Atasha, sabay bigay ng isang basong tubig sa humihingal na bata. Kinuha naman ito ni Lenlen saka tinunga. "Ate Akeelah, may naghahanap sayong lalaki. Nandun sa barangay hall. Doon muna pinatatambay ni tatay. Pinapunta ako dito ni Tatay, para sabihin sayo." Sunod- sunod na pagkakasabi ng kawawang bata nang nahimasmasan na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD