BAW3: Unang Pagkikita!

1247 Words
-------- ***Akeelah's POV*** - Hindi lang halata sa hitsura nya pero anak talaga sya ng kapitan namin. Magandang bata sana sya, kaya lang laging nagbibilad sa araw, kaya para na tuloy syang negra. At sa edad nyang 5 years old. Para na syang 10 years old kung umasta. At tulad sa amin ni Atasha, sosyal din ang pangalan nya, "Collete Lyrah", pangalan na kasing kulit nya. Well, sya lang naman ang nag- iisang inaanak ko. "Lalaki kamo? Sino naman kaya?" Kunot- noo ako. "Opo lalaki po. Ewan ko po. Ngayon ko lang nakita. Parang kapre po sa laki ng tao." Si Lenlen na para lang kaming magka- edad kung kausapin. "Naku, sa tingin ko kampon yang ni Mr. Chuy. Yan na siguro ang attorney pinadala nya dito. Tinutotoo talaga ng matandang iyon na hindi ka nya bibigyan ng palugit. Tuso talaga ang pangit na matandang iyon." Si Atasha na nakapamaywang pa. Mukhang inis na inis sa tabas ng pagkakabigkas nya sa bawat salita. Ang tinutukoy nyang Mr. Chuy ay ang sinanlahan ng mga magulang ko sa lupa namin. Nabanas ako sa narinig mula sa kaibigan ko. Pambihira talagang matandang iyon. Ginipit ako ng sobra. I sigh and calm myself. "Puntahan ko lang sandali---" paalam ko kay Atasha, tumango sya. "Tayo na Lenlen." ------- Nauna akong naglakad, sumabay naman sa akin si Lenlen. " Ate, hindi ka lang ba magpaganda? At saka, hindi ka lang ba magpabango? Amoy isda ka." Napaismid pa ang batang kasama. Pambihirang bata 'to. Nagawa pa akong laitin. . "Bakit ko naman gagawin yan Lenlen? Hindi naman mahalagang tao yang sinasabi mong kapre." " Kasi ate, ang guapo ng naghahanap sayo. Nagkaroon nga ako ng crush agad." Tila kinilig pa nyang sambit. At talagang lumalandi pa ang batang ito. Kurutin ko kaya ang singit nito. "Walang guapo na kampon si Mr. Chuy, Lenlen." Kontra ko sa kanya. "Sinabi mo eh! Iyon na pala sya." Aniya, sabay turo sa isang lalaki na nakaupo sa isang stool na nasa labas ng barangay hall. Nagkatinginan kami ng lalaki. Nakakunot- noo ito habang nakatingin sa akin. Samantalang napanganga naman ako habang nakatingin dito. Gosh! Sana sinunud ko nalang ang payo ni Lenlen kanina. Hindi pa naman maayos ang pagkakatali ng buhok ko. Medyo kulot pa naman ang buhok ko. At saka medyo madumi narin ang suot kong t- shirt. Lihim kong inamoy ang sarili ko. Teka, ang baho ko na rin. Kung bakit naman kasi, hindi ako na- inform na napakaguapo naman pala ng lalaking naghahanap sa akin. Mestezo ito, matangos ang ilong at kissable ang lips. Hindi ko na kayang isa- isahin ang physical aspect nya. Basta napakaguapo nya, period! Ito na yata ang pinakaguapong lalaki na nakita ko sa buong buhay ko. Medyo pamilyar sa akin ang kanyang mukha pero hindi ko na inalala kung saan ko sya nakita. "Ate, itiklop mo yang bibig mo, baka mapasukan yan ng langaw." Saway ni Lenlen sa akin, sa mahinang boses. Pasimple kong tiniklop ang bibig ko. Kinalma ko ang sarili ko. Hindi ako dapat humanga sa kanya, kalaban sya. Kampon sya ni Mr. Chuy. Humakbang sya palapit sa akin. Kunot- noo sya na hindi inalis ang paningin sa akin. Taas noo naman akong sinalubong ang mga titig nya. Nakapamaywang pa ako. "I'm Mr. Sa----" "I don't care kahit sino kapa. Sabihin mo sa matanda mong amo na chinese. Hindi ako aalis sa lupa namin. Ipaglalaban ko ito. Pambihira ang matandang iyon. Umugod- ugod na nga. Hindi pa marunong sumunod sa napag- usapan namin. Ikakamatay ba nya na hindi nya makuha ang bahay at lupa namin?" Masungit kong sabi sa kanya. Kunot- noo parin sya. Umangat ang isang bahagi ng labi nya. "Ang matandang iyon. Bakit ba matagal mamamatay ang mga masasamang damo? Yong amo mo na kapanahunan pa yata ng great grandpa ko. Buhay parin at ang ligsik pa ha! Hindi yata yon tinatanggap pati sa impyerno kaya nasa lupa parin hanggang ngayon." Wala na akong pakialam sa tabas ng dila ko. Inis na inis talaga ako kay Mr. Chuy. Talagang ginigipit ako ng matandang iyon. At ang mas ikinainis ko, pinadalhan pa ako nito ng guapong attorney, para madistract ako. Oo. Nadistract nga ako pero slight lang naman. Ngayon ang isang kilay na naman nya ang napataas. Hindi lang ba sya magsasalita? Magsasalita na sana muli ako nang---- "Akeelah ija---" Napalingon ako sa nagsasalita. Nakita ko si Mr. Chuy, may kasama syang lalaki na may malaking eyeglasses at naka-bridge ang ngipin. May dala itong attach case. Nerd ang lalaki sa madaling salita. "Mr. Chuy, kayo pala." Pangiti- ngiti ako. Na tila hindi ko sya iniinsulto kanina. "Akeelah, ito nga pala si Attorney Bascon---" pakilala nya sa lalaking kasama nya. Titig na titig pa sa akin ang lalaking nerd, na para bang ngayon lang nakakita ng maganda. Maganda talaga ako, at alam ko yon. "Siya ang magpapaliwanag sayo sa term na pinirmahan namin ng mga magulang mo. At kung bakit kailangan mo nang umalis ngayon, kung hindi mo mabayaran ang pagkakasanla sa lupa ninyo." Natakot ako sa sinabi ng matanda. Ayaw kong mawala ang tanging pamana ng mga magulang ko sa akin. "Mr. Chuy, bigyan nyo naman po ako nang pa-----" "Magkano ba ang utang ng mga magulang nya?" Natigil ako sa pagsasalita nang nagsalita ang guapong lalaki. Awtomatikong nabaling ang tingin ko sa kanya. Pati boses nya ay tila musika sa aking pandinig. I shook my head. What the hell am I thinking? Napatingin naman si Mr. Chuy sa lalaki. "Sino ka ijo?" Nakangiting tanong nito. "Brother-in-law nya." Maikling sagot ng lalaki. Napanganga ako. Brother- in- law ko sya? Paano nangyari yon? Wala naman akong kapatid. Ah, baka wala lang syang maisip na maisagot. "Okay." Patango- tango pa si Mr. Chuy. "Okay ijo, kaya mo bang bayaran ang kalahating milyon? Kasama na dyan ang interes ijo." Walang sabi- sabi na may kinuha na maliit na papel ang guapong lalaki. Kung hindi ako nagkakamali, isa itong cheque. At isinulat doon ang halagang kalahating milyon. "Teka, anong ginaga----" Natigil ako sa pagsasalita nang iniabot ng lalaki ang cheque kay Mr. Chuy. Tinanggap naman ito ni Mr. Chuy. Aagawin ko sana iyon mula sa matanda pero napigilan ako ng guapong lalaki. "I didn't do it for you. I did it for my wife. It's my obligation, anyway." Mariin na pagkakasabi nya. "Yan ang gusto ko. Nagbabayad." Nakangiti pang sabi ni Mr. Chuy. Mukha talaga itong pera. Titig na titig pa ito sa cheque. Saka itinago nito ang cheque. "Well, salamat ijo."tinapik pa ni Mr. Chuy ang balikat ng guapong lalaki. " Bascon, ibigay mo na sa lalaking ito ang titulo ng lupa." Sumunod naman ang nerd na lalaki. Seryoso iyon tinanggap ng guapong lalaki. "Paano Akeelah, ija." Si Mr. Chuy na hinarap ako. Ang lapad ng ngiti nito dahil nagkapera na naman ito. " Adios!" Tinaasan ko ito ng kilay. Nakahinga ako ng maluwag nang tuluyang ng lumayas ang matanda. Napatigil ako nang napatanto, nasa kalsada pa pala kami. Shit! Nakakahiya sa mga taong dumaraan. Saka ako napatingin muli sa guapong lalaki. Nagkatama ang mga paningin namin. Dahil nakatitig pala sya sa akin. I sigh again. "Sino ka nga ba?" Kunot- noo kong tanong. "I' m Dr. Saven Louis Montreal, I' m your brother-in-law." Inilahad nya ang kamay sa akin. Kahit may pagtataka tinanggap ko ang pakikipagkamay nya. Tila ako nakukuryente ng naglapat na ang mga kamay namin. Kaya agad akong bumitaw sa kanya. "P- Paano kita naging b- brother-in-law?" "I'm your twin sister's husband." Twin sister? Really? How come?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD