GUSTO niyang maiyak nang lumapit sa kanila si Marie, niyakap nito ang kanyang maliit na bewang. Nagdadalawang-isip tuloy siya kung itutuloy ba niya ang planong annulment. Parang gusto niyang iurong. Mas importante sa kanya ang kasiyahan ng anak kaysa sariling kasiyahan. "Ang aga mo yata?" nakangiting tanong niya sa asawa. "Namiss ko agad kayo ni Marie," sagot ni Kervy sa kanya. Umaasa siyang sanay tunay ang sinasabi nito, pero sino ba ang dinadaya niya gayong alam niyang palabas lang naman talaga ang lahat alang-alang kay Marie. Hindi niya mapigilan na gawin ang best actress acting niya. Siyempre kailangan niyang umakto na maging makatotohanan ang sweetness nilang mag-asawa sa mga mata ng kanyang unica-hija. "I love you, Mommy, Daddy!" Maligayang tugon ni Marie sa kanilang mag-asa