"ANONG kailangan kong gawin, Eula?" Niyakap siya ng kaibigan. "Ako na ang bahala, let me handle everything, Lovie." Inis na pinalis niya ang mga luha sa kanyang mga mata. "I trust you," saad niya sa kaibigan. "Thank you for trusting me, it's an honor na marinig iyan sa isang matalik na kaibigan." "I owe you a lot, Eula." Naramdaman niya ang masuyong paghagod ni Eula sa kanyang likod. "I guess, I need to go. Kailangan pa ako sa opisina. Ikaw ba ay walang balak puntahan ang Marie's Boutique ngayon? Sumaglit ako doon kahapon wala ka. And about sa braso mo, ano'ng nangyari riyan?" "Mag-ingat ka, salamat sa pagbisita mo sa akin, medyo naibsan ang bigat sa dibdib ko. Wala itong braso ko, nag-aya sa amin kahapon si Marie sa MOA para sa ice skating, ako ang taga-picture nila and accidentall