Chanel Morissette's POV Nakatingin lang ako ngayon sa mga teaser ng movie nila Rinniel at Alarah. Delayed ang paglabas nito kaya next month pa lang ito ilalabas. Samantalang nakapag-start na ulit sila ng shooting para sa teleserye naman. Napapasimangot ako kapag may sweet moments sila ni Alarah. Napakagaling umarte ni Rinniel at akala mo ay talagang mahal niya ang partner niya. Ang mga ngitian naman ni Alarah ay ganoon din, halatang may pagtingin dahil sa ningning ng kanyang mga mata. Nakadapa lang ako sa aking kama habang paulit-ulit na pinapanood ang teaser. Nai-share ko na rin ang post sa group namin. Maraming natuwa dahil talagang active na ulit ako ngayon. May mga moderators ang ako na sila ang nagpi-filter ng mga nagpo-post. Panay tungkol kay Rinniel lang ito at hindi kasama si Al