GIVE YOU UP ROSE Dengue. Iyon ang sakit ko na naging dahilan ng pagkaratay ko ngayon sa kama sa loob ng hospital na pinagdalhan saken ng university ambulance kanina. Nang magpunta kami ni Jelly sa clinic kanina ay ni- check up ako ni doc at tinanong ng kung anu- anong mga bagay gaya ng kung anong nararamdaman ko at kung gaano na katagal ang lagnat ko. Sinagot ko naman ang lahat ng iyon at matapos ang ilang tests na ginawa sa akin nung laboratory na pinuntahan ko kanina matapos ang check up ko kay doc, nakumpirmang may sakit nga ako at dengue iyon. Matapos malaman ang tungkol roon ay agad na akong ipinadala ng doctor sa pinakamalapit na pampublikong ospital at ngayon nga'y magdadalawang oras na ako rito. Sumailalim akong muli sa ibang tests para matukoy kung gaano kalala ang nata