PAG- IWAS ROSE "Lagi na lang bang siya? When will it be me, angel?" Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang pagbilis ng t***k ng aking puso. Hindi ko naman siya kaharap ngayon at tanging sa cellphone ko lamang naririnig ang kanyang tinig. Bakit ako sobrang kinakabahan at nahahabag sa kanyang boses? Dahil ba sa kalungkutang nababakas ko roon? "Shin..." "Yes angel. It's me. I'm not that kid." Napalunok ako dahil sa galit at pagkainis na nabakas sa kanyang tinig. Ikinasama talaga ng kanyang loob ang pagkakamali ko sa pagtawag sa kanya ng Ashton. Hindi ko naman iyon sinasadya at lalong hindi ko naman inaasahan na siya ang magbibigay nitong telepono at tatawagan ako ng ganitong oras. "S- sorry. I- I didn't know." Hinging paumanhin ko pa rin. Narinig ko naman ang buntong hining