UMIIBIG ROSE Napamulat akong bigla dahil sa liwanag na nagmumula sa maliit na siwang sa bintana. Laking pasasalamat ko sa munting liwanag na iyon dahil naialis ako noon sa isang napakasamang bangungot. Pero hindi ko rin naman masabing doon na natatapos ang sakit na nararamdaman ko. Nang tuluyan ko rin kasing maibukas ang aking mga mata ay parang gumewang ang lahat sa paligid ko. Nahihilo ako at para bang ang panghihinang nadarama ko kahapon ay mas lumala pa. Pero nang makita ko ang taong nakaupo sa aking tabi ay parang nalimutan ko ang lahat ng dinaramdam ko. Narito na sila? Kailan pa? Bakit hindi nila ako ginising? "AMA!" Daglian ang naging paggising niya at pagdalo sa akin. Kahit na si ina na naroon sa sofa ay napamulagat sa biglaan kong pagsigaw. "R- Rosalie, anak! M- May masaki