WORTHLESS ROSE Dahil sa mga nabasang mensahe ay hindi ko namalayang napatigil na pala ako sa gitna ng daan. Kinailangan pa akong balikan ni Jelly dahil naiwan na nila akong nakatayo roon at tila wala sa sarili. "Huy! Okay ka lang? Naestatwa ka dyan bigla?" Untag sa akin ni Jelly. Hindi ko sigurado ang aking hinala, pero sino pa bang magsasabi kay Shin nang tungkol rito kundi siya lang naman diba? Siya lang naman ang nakaka- contact kay Shin sa mga kaibigan ko. Siya lang rin ang palagiang kino- contact ni Shin kapag hindi ako mahagilap. Kaya wala na talagang ibang posibleng magsabi ng tungkol sa pangyayaring ito. "Sinabi mo ba kay Shin yung tungkol sa kanina?" Agad kong tanong sa kanya. Maayos at kalmado ang pagkakatanong ko niyon. Walang pagdududa o galit. Kahit naman kasi malakas