JUST GO ROSE Sinubukan kong kausapin si Shin pagkatapos kong kumain ng hapunan pero nang nasa tapat na ako ng kanyang study room niya ay napaatras lang ako. Hindi ko alam kung paano hihingi ng paumanhin sa naging pag- asta ko sa kanya. Napaka- rude nang ugaling pinakita ko sa kanya, to think na wala siyang ibang ginawa kundi ang magmagandang loob. Imbes na kausapin siya ay bumalik na lang ako sa aking silid at nagkulong hanggang sa makatulog na ako ng gabing iyon. Lumabas lang ako kinabukasan nang magising kinaumagahan dahil sa katok nina Roselle. Nakahanda na ang umagahan noon at sumunod ako pababa matapos kong mag ayos ng aking sarili. Kabado pa ako dahil ang akala ko ay makakasabay ko na si Shin kumain ngunit mali na naman ang akala ko. Nang makarating ako roon ay mga kasambahay