SUNSET ROSE Gusto ko na lang itakip sa mukha ko ang cover up na soot ko ngayon. Nahihiya na kasi talaga ako sa nangyayari. Seryoso. Hindi ko na alam kung ano bang dapat kong gawin. Hindi ko masiguro kung bakit ganoon na lang makatingin ang mga tao sa paligid namin. Dahil ba sa soot kong pink two piece na pinatungan lang ng puting see through cover up? O dahil sa napakakisig at napakagwapo nitong katabi ko? O baka naman dahil halos ayaw na niya akong pakawalan sa higpit ng pagkakakapit niya sa aking baywang? Hanggang sa makalabas kami ng hotel ay nakapulupot pa rin ang braso ni Shin sa aking baywang. Magkadikit na ang aming mga katawan dahil sa higpit ng pagkakahawak niya roon. Para bang kapag lumuwag ng kahit kaunti ang kapit niya roon ay pwede akong mawala anytime. Hindi ko alam ku