COMMAND ROSE Sa ikalawang araw namin ni Shin sa Boracay ay kinailangan naming gumising at mag- prepare ng maaga. Hindi ko alam kung anong mayroon dahil ayaw naman niyang sabihin sa akin pero sumunod na lang ako sa kanyang mga sinabi. When he requested na isuot ko yung rashguard and boyshorts terno na swim wear ay sumunod na lang ako. Alas- sais noon nang katukin ako ni Shin sa room ko para gisingin. Mumukat- mukat pa ako nang bumangon at pagbuksan siya ng pinto samantalang siya naman ay bihis na bihis na at halatang bagong ligo. Nakalimutan ko yung paalala niya kagabi na gumising ng maaga. Napagod kasi ako don sa paglilibot namin sa halos buong island na yata. Magmula kasi sa station namin (station one) ay nilakad namin hanggang doon sa dulo ng station two. Kung saan saan kami nagpu