Two weeks. Dalawang linggo na ulit ang dumaan at parang hindi man lang iyon namamalayan ni Jasmin. Bumalik na siya sa pagtuturo ngayon, at sing bilis ng pagdaan ng araw ang oras dahil pagtingin niya sa wall clock na nasa ibabaw ng blackboard, ay alas kwarto na ng hapon. "Okay, class dismissed."Huli niyang turan sa kanyang klase. Nagsitayuan naman ang mga studyante na parang iyon lang ang pinakahihintay na marinig. Nang mag-isa na siya sa silid aralan ay inisa-isa niyang chineck ang papel ng mga studyante. Quiz nila iyon kanina at dahil may kaunting oras pa naman siya ay dito nalang niya iyon gagawin. Nasa papel ang kanyang atensyon ng may kumatok sa pinto ng kanyang room. Lumingap siya at nakita si teacher Velasco sa may pinto. Bahagya pa itong kumaway kay Jasmin bago pumasok. "Hin