ISANG LINGGO. Isang linggo nang nasa loob lang ng condo si Jasmin. Maayos na naman ang pakiramdam niya at medyo nawala na ang sakit sa kanyang gitnang hita. Nakakapaglinis na nga siya sa sobrang bored dahil dalawang linggo siyang leave. Hindi niya alam kung ano ang ginawa ni Miguel o sinabi sa head nila dahil automatic two weeks ang leave na binigay sa kanya. Perks of being a rich man's woman. Ngayong araw nga ay mag isa siya sa condo dahil nasa opisina si Miguel. Napapansin din niya nitong mga nakaraang araw ay hindi siya nito masyadong nilalapitan. Suplado din ang lalaki at parang palaging may regla. Hindi nalang niya pinapansin dahil mas mainam iyon para sa kanya. Nakaka-usap niya ang mga anak dahil palagi siyang mag-isa. Nasa sala siya ng condo at nanonood ng tv habang kumakain n