Dalawang araw pa ang lumipas bago sila nakauwi sa galing hospital. Magaling na si Red at bumalik na ulit sa pagiging bibo nito at makulit. Si Jasmin naman ay masayang nakatanaw sa mga anak niyang naglalaro sa sala ng bahay nila. Isang araw pa siyang mananatili sa kanila bago siya bumalik sa Makati dahil limang araw ang leave niya. Nasa couch lang si Jasmin at nagtutupi ng mga damit ng mga bata. Nilabhan niya iyon kaninang umaga at natuyo agad pagsapit ng hapon. Ang kanyang ina ay nasa kusina at nagluluto ng hapunan nila. Nakikinig lang siya na nag-uusap sina Blue, Red, Lilac at Purple. "Alam mo ba Lilac, ang sabi ni Bekay putok daw tayo buho." si Purple ang nagsabi niyon kaya agad siyang lumingon. Nagbubulungan pa ang mga ito na parang hindi niya naririnig. "Ano!? Yong tatay niya kam