"Hello?" Maingay at magulo sa kabilang linya kaya nilipat ni Jasmin sa kabilang tenga ang cellphone. Papatulog na sana siya nang tumunog iyon ng malakas kaya nawala ang kanyang antok at agad iyong sinagot. Laking pagtataka niya dahil alas nuebe na ng gabi. Hindi naman tumatawag ang nanay niya ng ganoong oras dahil hindi ito madalas gumagamit ng cellphone. Umupo siya at sumandal sa unan. "Nay?" tawag niya sa ina. Medyo choppy kasi ang tunog kaya hindi niya naririnig. Ginapangan tuloy siya ng kaba sa dibdib bigla kahit wala naman siyang idea sa kung anong nangyayari. "Hello, Jasmin anak! Jusko, anak..May sasabihin ako sayo pero huwag ka sanang magugulat." ang tinig ng nanay niya ay parang hinihingal na kabado. Mas lalo tuloy lumakas ang kaba niya at nanginig bigla ang kamay. "B-b