Nagmulat nang mata si Jasmin at unang bumungad sa kanya ang yero na bubong ng bahay. Pinatay niya ang alarm clock sa gilid ng kama at bumangon. Hindi na masyadong masakit ang paa at mukhang kaya na niyang maglakad ng mabagal. Dahan-dahan siyang bumangon at naghilamos ng mukha sa lababo. Malinis at walang hugasin kaya nagtaka siya dahil wala siyang naalalang naghugas siya ng pinggan bago matulog. Ang totoo ay nakatulog siya sa sobrang pagod. Naghugas siya nang pinggan? Malamang! Alangan namang multo ang naghugas Jasmin! Sigaw ng kanyang utak. Napakibit-balikat si Jasmin dahil infiernes sa lalaki ay malinis na malinis ang lababo niya. Bihira ang mayaman na marunong sa gawaing bahay at lalaki pa. Binuksan niya ang ref at nakita doon nag container na pinaglagyan ng pagkain. Nilabas niya