PAGKAUWI SA BAHAY. Nang huminto ang kotse sa tapat ng inuupahang bahay ni Jasmin ay saka palang siya lumingon sa lalaking katabi. Mula sa pagsakay niya hanggang makarating ay wala silang imikan. Wala din naman siyang balak na kausapin ang lalaki dahil sa sobrang seryoso ng mukha nito habang nagmamaneho. Hiindi siya mapakali dahil kumikirot din ang kanyang paa at nahihirapan siyang kumilos. "S-salamat." Pagbasag niya sa katahimikan. Akmang bubuksan niya ang pinto ng sasakyan ngunit naka-locked iyon kaya tumingin siya kay Miguel. Wala itong sinabi pero nauna itong lumabas ng sasakyan at umikot sa kanyang gawi. Pagbukas nito ng pinto ay walang ano-ano'y binuhat siya nito. Namilog ang mata ni Jasmin dahil sa gulat. "K-kaya ko na! Ibaba mo'ko andaming tao!" Maraming tambay sa labas na