Chapter 02

1725 Words
Chapter 02 Maaga siyang gumising sa araw na ito ng Lunes, dahil sa kanyang interview sa inaaplayanng trabaho related sa kanyang kurso na marketing. Bumaba siya sa kusina upang makapag breakfast. Naabutan niya ang mga kapatid na nag-almusal na rin, Ang kapatid niyang si Amaya nasa unang taon na ito sa kolehiyo at ang bunso naman ay nasa ikalawang taon ng sekondarya. "Ate ang ganda ganda mo sa damit na 'yan", si Ahrum ang bunso nilang kapatid na lalaki "I'm on my first job interview today, wish me luck!" " Good luck, Ate", si Amaya naman, ito ang sumunod sa kanya. "Thank you sa inyo, sana matanggap ako mamaya ", kinabahan niyang sabi "Tiwala lang sa sarili mo,ate.. ang galing mo kaya matalino at maganda pa!", pampalakas ng loob ni Ahrum sa kanya "Ito talaga si bunso, pero salamat ha, galingan ng ate para maging proud kayo sa akin ", saad niya at tumayo na siya.. umakyat siya ulit sa kanyang kuwarto mag- toothbrush at isuot ang kanyang heels stiletto kinuha niya na rin ang kanyang coat at folder kung saan ang kanyang credentials. Lumabas na siya ng bahay at dumeretso sa kanyang metallic black jaguar f-pace. Nagmaniobra siya palabas ng kanilang gate at tuloy tuloy palabas sa kanilang subdivision. Wala pang alas otso nasa location na siya , isa itong advertising company na nasa Ayala Makati naka based. Pagkalapit niya sa entrance ng building binuksan naman siya ng guwardiya na naka-assign. "Good morning po, bati niya sa guwardiya "Good morning din po ma'am, for interview po kayo?",tanong nito "Yes po ,kuya", magalang niyang sagot "Sa third floor po ma'am, at goodluck po!", pahayag nito "Salamat po kuya," at naglalakad na siya palapit sa elevator saka pinindot ang third floor gaya ng sinasabi ng guwardiya. Pagdating niya sa floor na sinasabi ng guwardiya ay naabutan niya kaagad na marami nang mga kababaihan na nakaupo. Kaya umupo din siya "Miss 'yon 'yung last na pila", saad ng babae sa kanya "Salamat ", nginitian niya ito May babae namang lumapit sa kanya at binigyan siya ng papel number pala ang nakasulat dito 25 ang nakasulat sa papel na hawak niya. "Antayin lang po natin ang interviewer may inaayos lang ", announce ng babaeng may edad na Naghintay sila ng ilang minuto pa bago tinawag ang unang numero. Assistant Marketing ang inaaplayan niyang position sa advertising company na ito. Mga sophisticated ang mga babae na nauuna sa kanya. Pero hindi rin siya naman nagpapahuli sa mga ito. Kaya niyang makipag sabayan kung sa pananamit at pagdadala lang ng maayos sa katawan ang pinag-uusapan. Sanay na siya sa mga social gathering dahil sinasama siya ng Papa sa mga events ng kompanya nila. Siya pala ang last number kasi wala nang sumunod pa sa kanya. Nagtataka siya ang mga babae na poise na poise kung pumasok ang iba ay umiiyak na nang lumalabas. "Miss bakit sila umiiyak na lumabas?",hindi nakatiis niyang tanong sa katabing babae "Baka kasi hindi natanggap, ganun iyon!", saad nito "number 24", saad ng nagtatawag "Ako na!", saad nito "Goodluck!", saad naman niya "Thank you, Goodluck to us!", pahayag nito sa kanya na tumayo na at naglalakad papalapit sa pintuan saka pumasok sa loob. Ilang minuto lumabas ito na umiiyak, nagtatakang tinignan niya ito. "Number 25", tawag sa hawak na number niya Tumayo siya kaagad at naglalakad palapit sa pinto. "Pumasok kana, and Goodluck!", nginitian niya ito "Thank you, ma'am!", mahinang saad niya "Have a sit , Miss Sandoval!", utos sa kanya ng isang may edad na lalaki naka-salamin. "Thank you, Sir", masiglang saad niya with composure and confidence sa sarili "I'm sorry to tell you Miss Sandoval but we hired applicant already ", apologetic nitong pahayag " I understand, Sir.. Maybe my credentials is not good enough and not reached the standards of your company.", magalang niyang sabi "I'm so- sorry Miss Sandoval we.. " No need to say sorry, Sir as I've said I understand.. really!.. Good day ,Mr.Santos", bago tumayo tinignan niya muna kasi ang wood name plate nito na nakapatong sa lamesa. Lumabas na siya , bitbit ang kanyang folder na laman ang kanyang papers. Paglabas niya wala na roon ang babaeng nagpapasok sa kanya. Tuloy tuloy lang siyang bumaba, hindi na pinagkaabalahan pang lingunin ang mga empleyado na nakatingin sa kanya. Para saan pa, hindi nga siya binigyan ng benefits of the doubts, kahit pahapyaw ns interview man lang basta na labg siya sinabihan na hindi siya tinanggap nito. Pero okay lang baka hindi itong company na para sa kanya. "Hi ma'am kumusta ang interview niyo?", ang guwardiya na nakausap niya kanina "Hindi ako tinanggap, kuya e.. over qualified daw ako para sa position hehe ", pahayag niya "Sayang naman kung ganun, pero better luck next time po ma'am, may iba pa naman na kompanya jan ", saad nito na halatang nakikisimpatya ito sa kanya. "Oo nga po kuya, sige po tutuloy na ako.", at naglalakad na palabas ng pinto ng entrance. Nagtuloy siya sa kanyang convertible mini Cooper. "Kaya naman pala, akala mo kung sino e mayaman naman pala, girl.. talbog ang beauty mo.", narinig niyang dalawang babae nag- uusap sa di kalayuan sa kanya na parang siya ang pinariringgan ng mga ito. Sopistikada siyang naglalakad palapit sa kanyang kotse, at sumakay..mamatay sa inggit ang mga marites sa isip niya.. buti hindi siya tinanggap baka maging kalaban niya ang dalawang mukhang palakang babaeng 'yon. Umalis na siya sa lugar, mabait siya sa mga taong mabait pero leon naman siya sa mga ugaling pakialamera at mahilig bantayan ang buhay ng ibang tao. Gusto niyang magkape kaya naisip niyang dumaan sa coffee shop na sikat sa buong mundo. Dinala siya sa Eastwood ng kanyang utak, makapag unwind na rin sa mall na nasa lugar. Pagkarating sa mall pumunta siya kaagad ng coffee shop at omerder ng favorite niyang Caramel Macchaito at chocolate bliss cake. Dinaan niya sa pagkain ang kanyang prostration sa inaaplayang trabaho na hindi siya tinanggap. Pagkatapos kumain, nagpa- saloon siya. Pina cellophane niya ang kanyang buhok at nagpa- facial din siya at eyebrows threading. Inabot na siya ng ilang oras sa saloon at paglabas niya dumaan siya sa boutique. Bumili siya ng damit corporate attire saka sapatos hindi niya rin pinalampas ang bag. Pagkatapos gumaan ang kanyang pakiramdam at nagpasyang umuwi na sa bahay ng mga magulang niya. Pagkapasok niya sa kabahayan, nadatnan niya ang mommy at daddy pati ang dalawang kapatid na nanunuod ng television. Lumapit siya sa kanyang mommy at daddy upang magmano. "Kaawaan ka ng panginoon, anak", ang mommy niya "Kumusta ang interview mo?", tanong nito umupo siya sa sofa ang dalawang naman niyang kapatid nanunuod pa rin "Hindi po ako tanggap, " sabi niya na nalulungkot na naman siya "Hindi mo ba ginalingan sa interview?", ang mommy niya na nangalumbaba ito nakaharap sa kanya. "Hindi nga po ako na interview, sabi sa akin may na hired na daw po sila.", malungkot niyang sabi "Baka hindi ka sa kompanyang bagay ate," ang kapatid na si Amaya "Oo nga po ,ate.. mga loko sila ne-reject ka nila sa ganda mo at galing na ' yan!", ang bunsong si Ahrum naman "Bakit kasi magpaka- hirap ka pang mag- apply sa iba e sa kompanya natin may puwesto ka na.", ang daddy niya na iginiit na naman ang puwesto niya sa kompanya. "Dad, may kasunduan na po tayo tungkol jan e", pahayag niya sa Daddy niya. "Okay, okay wala na akong sinasabi,good luck sa paghaharap mo ng trabaho,", ang pagsuko nitong sabi "Sa Job search ka maghanap ng trabaho, I'm sure marami doon", si bunso ang nag- suggest "Oo nga po pala ate, ' yung ate ng friend ko sa job search lang po daw siya naghanap ng work.", ang kapatid na babae naman "Salamat mga kapatid ko, sa suggest niyo.", na touch siya sa mga sinasabi ng mga kapatid "Ano naman 'yang pinang shopping mo?", ang Daddy "Mga corporate attire po Dad", magalang niyang sabi. "Ready ka sa mga isusuot mo pero wala ka pang work ", pang-aasar ng Daddy niya "Dad magkaroon din ako, malakas ang vibration ko ", saad niya sa Ama "Kumain kana ba , iha?", si mom niya na alam niyang iniiba lang nito ang topic "Nag-snack lang po ako mom sa coffee shop", magalang niya sagot sa mommy "Halika sasamahan kita sa kusina, iwan mo muna iyang pinamili mo riyan..ipaghanda kita ng makakain mo", malambing na sabi ng mommy niya sa kanya "I love you, mom!", nakayakap siya sa baywang ng mommy niya ,naglalakad sila papunta sa kusina. "Umupo ka na at iinitin ko lang ang ulam, favorite mo ang niluto ko ", masayang pahayag nito at naglalakad na palapit sa kanilang stove . "Beef steak tagalog 'yan mom?", tanong niya sa mommy niya "Yep!", maiksi nitong sagot "Gutom na nga ako mom, your the best mom in the world talaga", saad niya "Ano ' yan totoo o binobola mo lang ako.", tanong nito habang hinango na ang iniinit na ulam mula sa apoy. "Syempre po totoo, ikaw po talaga ang the best mom para sa akin, my savior..in every way ", saad niyang niyakap niya ito mula sa likod. Ito ang dahilan kung bakit gusto niya maging independent sa buhay dahil ginagaya niya ang mommy. Mula sa mayamang pamilya ang kanyang mommy, solong anak at naging independent dahil ayaw nito umasa sa yaman ng pamilya.Kaya 'yan ang kanyang gagayahin magkaroon ng pera sa sariling sikap. "Pagkatapos mo kumain, pagpahinga ka para magkaroon ka ng peace of mine saka mo pag- iisipan ang iyong gagawin at mga plano mo", pahayag nito na ikinatango niya "Salamat mom sa pag- unawa mo para sa akin.",madamdamin niyang sabi sa mommy sa gitna ng kanyang pagkain "Basta para sa inyo ng mga anak ko, gagawin ko lahat ng pag- unawa alam ko na naman na hindi kayo gagawa ng ikapahamak sa mga sarili niyo", saad ng mommy niya "Tataposin ko na nga ang pagkain ko, mom.. baka magkaiyakan pa tayo dito.", pahayag niya At sumubo na ulit sa kanyang pagkain. "Sige iiwan na muna kita dito at pupuntahan ko muna ang ang kapatid mo nagpapatulong sa kanyang algebra," paalam ng mommy niya sa kanya "Okay po Ma'am," bago ito lumabas ng tuluyan sinalinan muna siya ng tubig sa kanyang baso . Pagkatapos niyang kumain nagtungo muna siya sa hardin at naglalakad ng ilang ikot pambababa bg kanyang kinakain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD