Chapter 03
Pagkatapos niya sa hardin pumasok na siya ng kabahayan at nagtuloy tuloy umakyat sa ikalawang palapag kung saan nandoon ang kanyang kuwarto.
Pagkapasok niya ng kuwarto ay dumeretso siya ng banyo naglinis ng katawan at nagpalit ng damit na favorite niya. Hindi siya nagtagal sa banyo lumabas naman siya kaagad.
Pagkatapos inaayos ang sarili, sumampa na siya sa kama niya bitbit ang kanyang laptop.
Ginawa niya ang suggestion ng mga kapatid
Nagpunta siya sa Google at tinipa ang Job search ph. ilang sigundo lang lumabas naman kaagad ang hinahanap niya pero ang lumalabas ay jobStreet kaya click niya ito.
Natutuwa siya ang daming mga hiring, kaya ang ginawa niya pinasahan niya lahat ng resumè, mas marami mas may chance na makahanap agad siya ng trabaho.
"May sampong company ang kanyang pinasahan ng resumè, sana sa sampo kahit isa na tanggapin siya. Mahirap pala ang mag- apply ng trabaho.
Pagkatapos ng kanyang ginawa ay nagbasa muna siya ng kanyang favorite story sa dreame. Ang pagbabasa ng online story sa Dreame App ang isa sa kanyang libangan sa tuwing wala siyang gingawa. Nerecommend ito ng kaibigan niya na addict rin sa mga stories. Nawiwili na rin siya dito lalo na kung ang story ay action at romance. Inaabot rin siya ng madaling araw sa pagbabasa lang.
Nahinto siya sa kanyang pagbabasa ng tumunog ang kanyang cellphone at ang kanyang kaibigan na nasa US ang tumawag.
Si Merebeth ang isa sa dalawa niyang kaibigan at nasa New Jersey na ito ngayon, pagka graduate nila lumipad na ito kaagad pa NewJersey.
Nagrequest ito ng video call kaya ina-accept niya ito.
"Beshhhh!, sigaw nito sa na kumakaway pa sa kanya.
Nakita niya ito na nasa loob ng kuwarto.
"Kumusta ka na riyan?", tanong niya na gumanti din siya ng kaway dito
"Maaga ako nagising dahil pupunta kami ng mommy sa New York ", saad nito
"Bakit anong oras na ba riyan?", tanong niya
"04:45 am ng umaga.", sagot nito, tinignan niya naman ang oras niya
"Dito 16:45 pm na ng hapon", saad niya sa kanyang kaibigan
"12 hours ang difference natin kung ganun beshy!", pahayag ng kaibigan
"Ganun na nga ahead ang Pinas kaysa sa New Jersey.", saad niya
"Nakahanap kana ba ng trabaho mo?", tanong nito
"Wala pa nga , I was rejected sa una kong inaaplayan.", nalungkot niyang sabi
"Final interview ko na ngayon, kaya pupunta kami ng New York, una via telegram lang ang interview ko ngayon kelangan ng PA (personal appearance).
"Malayo ba ang New Jersey to New York?", curious niyang tanong
"Via car almost 2hrs din ", sagot nito sa kanyang tanong
"Malapit lang pala ",saad niya
"Baby, are you done?.. we're leaving five minutes from now!.. hurry up!", narinig niyang salita ng isang babae sigurado mommy ng kaibigan niya 'yun.
"Yes mom, I'm done!", sagot nito sa tumatawag
"Mukhang aalis na kayo, Goodluck sa interview mo besty!", saad niya na nginitian pa ito
"Thank you, besh.. makakahanap ka rin ng work soon, I love you besh!", saad nito
"Bye,love you too!", at pagkasabi niya nawala na ito sa linya.
Pagkatapos nilang mag- usap ng kanyang kaibigan na nasa state ay naisipan niyang mag gym kaya nagpalit siya ng outfit pang gym. Ang kanilang bahay ay may gym sa loob ng bahay, merun rin silang shooting range na pinasadya talaga ng Daddy niya ipagawa para makapagsanay sila anytime. Silang tatlong magkapatid ay tinuturuan nang Daddy nila ng self defense, kung minsan pumunta rin ang kanilang coach tatlong beses sa isang linggo ang coach nila pumupunta.
Nang makapag palit na, lumabas na siya ng kanyang silid. Hindi naman siya mataba, ang gusto niya lang healthy lifestyle kaya kailangan niya ng mag- gym kahit twice a week. Sa edad niya na twenty, masasabi niyang hindi siya payat hindi rin mataba tama lang , may katangkaran rin siya sa height na 1.75 m at slim ang pangangatawan.
"Ate mag-gym ka ba?", si Ahrum nasalubong kasi niya sa hallway ng kanilang bahay.
"Yap , you want to join?",pahayag niya sa bunsong kapatid
"Next time ,ate.. mas trip ko ngayon sa shooting.", saad nito
"Ahh Okay, otōto (*) Ahrum ( younger brother in Japanese)
"See you, Ane", tumalikod na ito (*) (ate)
Nagtuloy naman siya sa pag-akyat sa third floor andoon kasi ang kanilang gym.
Sa basement naman ang kanilang shooting range at merun din sa outdoor area na mas malawak.