Chapter 41

1596 Words
Masayang nag-uusap sina Angen at Chenley sa kabilang mesa habang ang ibang mga bisita ay nasa kabilang mesa rin at kumakanta. “Kumusta ka na? Ang tagal na natin hindi nagkita.” tanong ni Chenley kay Angen na ngayon ay nakatingin ito sa kabilang mesa kung saan naroon si Rodney. Napatingin na rin si Chenley doon, lumaki ang kanyang mata ng makita niya na narito pala si Beatrice. “Kilala mo siya?” tanong ni Chenley kay Angen. “Oo nakikita ko siya minsan sa opisina ni Kuya Timothy, diba Beatrice ang pangalan niya?” Napatango naman si Chenley ngunit napakuyom ang kanyang kamao. “Hindi maintindihan ng dalaga kung ba’t siya nagseselos ngayon sa babaeng iyon. Parang gusto niya itong sugurin at ipamukha sa kanya na may relasyon sila ni Timothy. Nang matauhan ito ay bigla itong nanghina paano ba niya gagawin iyon eh secreto nga lang ang relasyon na mayroon sila. Napahinga ito ng malalim parang piniga ang kanyang puso sa sobrang sakit. Hanggang kailan ba nila itatago ang kanilang bawal na pag-ibig sa isa’t isa. “Chen, okay ka lang ba? Bakit namumula ang mukha mo?” napahawak naman si Chen sa kanyang mukha nahalata tuloy siya ni Angen. “Okay lang ako, kumusta ka na? Akala ko umuwi ka na sa Pilipinas. Ang tibay mo rin pala sa trabaho siguro marami ka ng ipon.” ngiting sabi ni Chenley sa kausap, napaiwas naman ng tingin si Angen kung alam lang ni Chenley ang pinagdadaanan nito ay baka magulat siya. “Hindi pa ako puwidi umuwi marami pa akong binibuhay, nag-aaral pa ang mga kapatid ko at may sakit ang tatay ko kaya kahit mahirap ay kakayanin ko ang lahat. Suwerte ka nga dahil mababait ang mga kamag-anak mo ako kasi wala akong kamag-anak dito.” ang malungkot na sabi ni Angen napatingin naman si Chen sa kausap kitang kita nito ang lungkot sa mata ng kaibigan. “Lilipas din iyan saka huwag ka na malungkot ngayon nandito na ako palagi na ta’yo magkakausap, malay mo papayagan ako ni Uncle Timothy na magtrabaho. Gusto ko rin kasi magkaroon ng sariling pera nakakahiya ng umasa sa kanila.” Kahit malungkot si Angen ay napangiti ito sa sinabi ni Chenley ang akala niya kasi masaya si Chenley sa buhay niya ngayon. Pero kahit saang anggulo mo tingnan ay mas angat pa rin si Chenley sa buhay dahil may sumusuporta sa kanya hindi katulad nito na siya lang ang inaasahan ng lahat. “Hay, naku huwag na natin isipin iyon ang mahalaga sa ngayon ay kumakain ta’yo ng masarap mabuti ka pa nga kumikita ka ng pera ako wala pa eh. Tara mag inom na lang ta’yo hindi naman ito nakakalasing ladies drink daw ito sabi ni Tita Elena, saka nandito naman ta’yo sa loob ng bahay kaya puwidi ta’yo uminom kahit kunti lang.” agad naman tinunga ni Chen ang baso si Angen na nakatingin ay napapikit pa. “Alam mo e-enjoy na lang natin ang buhay natin alam ko naman na walang perpekto dito sa mundo lahat ta’yo nagkakasala.” Hindi man nasabi ni Chen ang gusto nitong sabihin ay naintindihan agad iyon ni Angen. “Naalala ko tuloy ang unang pagkikita natin akala ko noon asawa mo si Sir Rodney, iyon pala nobyo mo.” mabilis tinakpan ni Angen ang bibig ni Chen lumaki pa ang mata ng dalaga dahil sa sinabi ng kausap. “H-hindi ko siya nobyo, napipilitan lang akong sumama sa kanya dahil siya ang amo ko.” natawa ng mahina si Chenley sabay harap nito kay Angen na ngayon ay nakayuko na. “Girl, kahit hindi mo sabihin sa akin alam ko na iyan, isa pa halata sa kilos ninyo na may relasyon ka’yo huwag mo ng itago dahil alam ko na. Sinabi rin sa akin ni Timothy.” sabi ni Chen lumaki pa ang mata nito ng mapatingin ito sa mukha ni Angen nadismaya pa si Chen dahil hindi man lang nagulat ang kanyang kaibigan sa pagbanggit ng pangalan ni Timothy. “Oh, bakit parang nalugi ka? Hmm, alam mo malakas rin ang pakiramdam ko kahit hindi mo sabihin sa akin alam ko may relasyon ka’yo ng uncle mo. But don’t worry hindi ito malalaman ng iba unang kita ko pa lang sa inyo noon ay alam ko na. Chen, hindi ka ba natatakot kung malalaman nila ang totoo? Parang ako ang kinakabahan sa iyo eh.” napangiwi pa si Angen, hindi na rin niya namalayan naka ilang baso na ito ng ladies drink. “Oh, dahan-dahan naman baka mamaya malasing ka?” sita ni Chenley sa kaibigan, malakas silang natawa na ikinalingon ng mga bisita sa kabilang mesa. “Aw sorry po.” sabay peace sign ni Chen sa kanila, nang magtama ang mga mata nila ni Timothy ay umirap ito sa binata. “Girl, pangako mo sa akin na mananatiling secreto ang lahat may tiwala ako sa iyo.” napatango naman si Angen sabay hawak nito sa kamay ni Chen. “Pangako Chen.” aniya. “Thank you, ako lang rin ang makakaalam ng secreto mo.” hindi namalayan ng dalawa na naubos na pala nila ang ladies drink na inilagay ni Tita Elena. “Girls tama na iyan, naku kayong dalawa talaga akala ninyo ladies drink lang iyan?” natawa pa si Elena dahil pulang-pula na ang mukha ng dalawa. “Po, what do you mean Tita Elena? Diba ladies drink naman ito?” sabay taas pa ni Chenley sa kanyang hawak na baso. “May halo iyan, It’s fine girls no worries wala ka’yo sa bar.” ngiting sabi ni Elena sa dalawang dalagita, napakunot noo naman si Chenley sabay kurot nito sa kanyang mukha. “Gush nakakahiya naubos pala natin iyong kalahating pitcher.” bulong nito kay Angen, napapangiti naman ang isa dahil nahilo na rin ang kanyang paningin. “Chen, puwidi ba ako matulog sa kuwarto mo? Nakakahiya naman kung uuwi ako ng ganito ano na lang ang sasabihin ni boss Rodney.” natatawa pa ang dalawa sa kanilang ginagawa. Mabuti na lang wala na si Elena nag join na ito sa kabilang mesa, kahit kasi party ni Chenley ito ay hindi siya sumali doon sa mga kaibigan ni Timothy. Mas okay na rin ito dahil baka mamaya hindi siya makapagpigil kay Beatrice at mapatulan niya ito. Pasalamat na rin si Chen dahil napakabait ng kanyang Tita Elena at napakaopen minded ito sa lahat ng bagay. Nagising ang diwa ni Chen ng tapikin ito ni Angen sa balikat. “Okay ka lang ba?” nang makita ni Angen ang mukha ni Chen ay nagulat ito dahil umiiyak na siya. Kahit nahihilo si Angen ay sinikap niyang alalayan si Chenley upang ihatid ito sa kanyang kuwarto. Nang tumayo ito ay napatingin si Rodney sa kanya, hindi pinansin ni Angen ang masamang tingin ng binata. “Chen, ituro mo sa akin kung nasaan ang kuwarto mo, huwag ka magpahalata na lasing ka baka pagtawanan nila ta’yo.” bulong ni Angen dito na agad naman sinunod ni Chen, hindi pa sila nakahakbang ng tawagin ni Elena si Chenley. “Tita, magbabanyo lang po si Angen doon sa kuwarto ko.” napahinga ito ng malalim dahil wala nang kasunod ang tanong ng tita niya. “Wow ang ganda naman may elevator may ganito pala dito sa loob ng bahay ninyo.” At nagulat ang dalawa ng makita ang kanilang mukha sa malaking salamin parang kamatis sa pula kaya naman ng bumukas ang elevator ay nagmamadaling tinungo ni Chen ang silid nito. “Sorry kung hindi kita nasagot kanina alam mo kasi hindi ko matiis na masaya si uncle sa ibang babae nagseselos talaga ako, hindi ko naman sinasadya na magselos kay Beatrice dahil patay na patay ang babaeng iyon kay Timothy.” hikbi ni Chenley, imbis nahihilo si Angen ay nawala ito dahil sa pag amin ng kaibigan. “Mahal mo na talaga siya, Chen huwag mo masamain ang tanong ko okay? May nangyari na ba sa inyo? Dahil kung wala ay walang problema, pero kapag may nangyari na sa inyo hindi ko rin alam kung anong dapat mong gawin.” natawa naman si Chen ng malakas sabay tingin niya kay Angen. “Maraming beses na may nangyari sa amin, kaya nga hindi ko matanggap na masaya siya sa iba. Kung alam ko lang na ganito pala di sana hindi na lang ako pumunta dito. Akala ko pa naman namis niya ako lukong iyon mamaya ka lang kapag wala na ang mga bisita.” hikbi na naman nito, napatakip si Angen sa kanyang bibig. “Ibig mo bang sabihin matagal na kayong may relasyon? So, paano iyan kung mabuntis ka? Malalaman na ng lahat ang secreto ninyo? Chen mag-ingat ka baka mamaya magalit si Auntie Elena sa iyo.” napaangat ng tingin si Chen nakita nito sa mata ni Angen ang kaseryosohan. “Hindi naman siguro kasi kung mabubuntis ako noon pa, dahil matagal na akong pinapaligaya ni Uncle Timothy. Alam mo girl kapag natikman mo pala ang ganung bagay gusto mong balik-balikan kahit alam mong bawal. Tama nga ang sinabi nila masarap ang bawal, don’t tell me wala pang nangyari sa inyo ni Sir Rodney mukha noon parang mukhang pepe.” lumaki ang mata ni Angen sabay takip nito sa bibig ni Chen. “Baka marinig ta’yo hinaan mo naman ang boses mo. Grabe ka naman mukhang pepe ba ang amo ko?” napatango si Chen sabay tawa nito. “Oo, sa tingin ko nga sa kanya mahilig rin siya kumain ng pepe.” napailing naman si Angen dahil lasing na talaga itong kasama niya.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD