Chapter 28

1616 Words
Timothy “What the hell!” Singhal ko kay Arjay sobrang naiinis ako nang makita ko sa social media na trending ang mga larawan namin ni Beatrice noon. Lumang larawan namin ang enapload niya sa kanyang i********: account kung saan ito ang nakasanayan niya noon. Mabilis ko inutusan si Arjay upang sabihan si Beatrice na e delate ang mga larawan namin. Ang walang hiyang babaeng iyon gumawa na naman ng ingay sa kanyang i********:. Ngayon alam ko na kung ba’t matamlay si Chen kaya pala panay ang tanong nito sa akin kung may nagawa ba akong kasalanan dito. Gusto kong sakalin si Beatrice kung hindi lang ito babae baka sinaktan ko na. Ibinunton ko kay Arjay ang galit ko pero huli na ang lahat at isa pa hindi ko naman masisisi si Arjay dahil hindi naman rin niya alam na gagawin iyon ni Beatrice. Nang dahil naka-inom ako kagabi ay hindi ko napansin ang aking paligid mabuti na lang at hindi pinagsamantala ni Beatrice ang kalasingan ko. “Sorry na boss ako na ang bahalang mag-ayos nito.” Hinging paumanhin ni Arjay. “Papuntahin mo dito si Beatrice gusto ko siyang maka-usap ngayon din.” Sigaw ko pa rin halos lahat dito sa opisina ay nalaman ang ginawa ni Beatrice and I’m sure pinagtatawanan na nila ako dahil alam nila ang kuwento ng relasyon namin ni Bea noon. Ang gaga hindi pa rin naka move on napahawak ako sa aking batok kanina ko pa tinatawagan si Chenley ngunit hindi niya ako sinasagot. “Fvckk! Shet! Nasaan ba siya?” Nanginig ang buong katawan ko sa galit hindi ko mapigilan ang mag-alala dahil sa sitwasyon ngayon. Si Elena na ang tinawagan ko dahil hindi talaga sumasagot si Chen. “Kuya, kumusta ka na? Successfull ba ang first opening ng shop mo?” Masayang bungad sa akin ng kapatid ko. “Anong problema? Bakit busangot ang mukha mo?” Takang tanong ni Elena sa akin “Nasaan si Chen? Hindi pa ba siya umuwi anong oras na?” Natawa naman si Elena sa akin dahil sa pagtaas ng boses ko. “Kuya talaga akala mo bata si Chenley uuwi rin iyon kapag natapos na ang activities nila. At isa pa nagpaalam siya sa akin kaya huwag ka na mag-alala diyan.” Sabi pa ni Elena sabay tawa ng mahina. “Bunso, alam mo na ang mga teenager ngayon kunwari may gagawin raw sa school iyon pala nagbabarkada na, malalaman mo na lang na may nobyo na sila.” Sabi ko sabay buga ng hangin, actually nagseselos ako baka mamaya may magkagusto kay Chen. “Alam mo naman takot iyon sa iyo kaya kung mag bo-boyfriend si Chenley I’m sure ako ang unang makaka-alam non. At s’yempre ipapaalam rin namin sa iyo, kaya relax ka lang diyan huwag mo masyado higpitan ang bata. Hindi naman puwidi na habang buhay siya magiging singel, alalahanin mo magandang dilag ang pamangkin natin.” Sabi pa ni Elena, gusto ko sana sabihin sa kanya na sa akin lang si Chen mabuti na lang at nakapagpigil pa ako. Nagpaalam na ako kay bunso sinabi ko na rin sa kanya na tawagan ako kapag dumating na si Chen. Pagbaba ko ng aking phone ay sakto naman pagpasok ni Arjay at Beatrice. “Pinapatawag mo raw ako? May kailangan ka ba sa akin?” Ang malanding tanong ni Beatrice dito na agad ko naman ikinangisi. “Umupo ka.” Napangiti si Beatrice agad itong umupo sa sofa at nag de-kuwatro pa. “Binigyan ba kita ng permeso para e post mo sa social media ang mga litrato natin? Sino nag-utos sa iyo para gawin iyan? Ang daddy mo o ikaw mismo para mapansin ka ng mga fans mo. Sagutin mo ako ng maayos Beatrice dahil kung hindi alam mo na ang gagawin ko.” Banta ko dito na agad naman itong napatayo at lumapit sa akin. Isang sikat na model si Beatrice sa ibang bansa, kilala ito sa socila media dahil sa taglay nitong galing. “Bakit ka naman matatakot diba dati okay lang sa iyo na e post ko ang mga larawan natin? Bakit ngayon ayaw mo na?” Pinasadahan ko ng tingin ang babaeng nasa harap ko ngayon. “Akala ko ba nagkalinawan na ta’yo? Hindi mo pa rin ba matanggap na matagal na ta’yong tapos? Beatrice ilang ulit ko bang sasabihin sa’yo ang bagay na iyon noong mga panahon na iniwan mo ako akala ko noon ay hindi ko kaya. Pero nagkamali pala ako dahil hindi pala sa lahat ng panahon ay hahabol ako sa isang katulad mo.” Hinawakan ni Beatrice ang aking kamay at lumuhod ito sa harap ko. Marami akong naging nobya noon si Beatrice ang pangalawang babaeng minahal ko ng totoo. Biglang pumasok sa isip ko ang unang babaeng minahal ko at sumira sa buhay ko noon napamura ako nang malutong. “Patawarin mo ako ngayon ko lang na realize na mali pala ang ginawa ko noon. Timothy mahal pa rin kita hanggang ngayon at ayaw kong mawala ka magsimula ta’yo ulit.” Pagmamaka-awa nito, tinanggal ko ang dalawa nitong kamay at iniwan ko siyang nakaluhod. “Diba masakit? Ganito noon ang ginawa mo sa akin alam mo kung gaano kita kamahal pero anong ginawa mo binaliwala mo ako dahil inuna mo ang career mo. Ngayon masisisi mo ba ako kung bakit ako nagbago sa iyo? Halos mabaliw ako nong mga panahon na iniwan mo ako, iniwan mo ako na parang basura. Patawarin mo ako Beatrice pero matagal na kitang kinalimutan at kung may bago man akong mamahalin ngayon ay wala ka na doon. Marami akong sinakrepisyo para sa pagmamahalan natin ngunit ikaw itong bumitaw ngayon masaya na ako guguluhin mo na naman ang buhay ko?” Ramdam ko pa rin ang sakit sa tuwing maalala ko kung paano ako nagmamaka-awa kay Beatrice noon. “Gagawin ko ang lahat mapatawad mo lang ako.” Sabay hikbi nito at lumapit ulit sa akin. “Matagal na kitang pinatawad, isa lang ang gusto ko ngayon burahin mo ang mga litrato natin sa i********: account mo. Burahin mo rin sa gallery ng phone mo ayaw ko ng maulit ito.” Mabilis naman tumango ang aking kausap nakita ko na isa isang binura ni Beatrice ang aming mga larawan kaya naman nakahinga ako ng maluwang. Hindi ko na sana gagawin ito kaya lang nag-alala ako sa iisipin ni Chenley. “Arjay, ihatid mo na si Beatrice sa labas may meeting pa ako.” Nagtataka naman napatingin si Beatrice dito. “Akala ko ba may pag-uusapan ta’yo, sinunod ko na ang gusto mo? At sa oras na ito ay may meeting ka?” Naiiyak nitong sabi at mabilis na itong inakay ni Arjay palabas ng aking opisina. Napasandal ako sa aking swevel chair hinilot ko ang aking noo saka pumikit ng mariin. Nang maalala ko si Chen ay agad ko inabot ang aking phone. Laking gulat ko dahil alas-dos na pala ng madaling araw ngayon sa pinas. Ibig sabihin hindi ako tinawagan ni Chenley o ni Elena. Tinawagan ko si Chen kahit alam ko natutulog pa ito nakahinga ako ng maluwang nang marinig ko ang boses nito. “Uncle, pauwi pa lang po ako.” Sabi nito bahagya kong nilayo ang phone sa aking tainga dahil sa sobrang ingay. “Chen, ihahatid na kita.” Boses ng lalaki ang nagpakulo ng aking dugo, kumuyom ang aking kamao sa galit parang gusto ko ng liparin ang Pilipinas para makita si Chenley. “Nataniel, hindi ba ako nakaka-abala sa iyo? Mag ta-taxi na lang ako pauwi.” Rinig ko pang tanggi ni Chen sa gagong lalaki. “No, umuulan kaya matatagalan kang makakuha ng taxi.” Ani ng lalaki, hindi ko namalayan pinagpawisan na ako ng malapot. “Okay, sabi mo e.” Sabay tawa pa ng dalawa, umigting ang aking panga. “Hello Cheny, Fvck!” Mura ko dahil naputol na ang linya ng dalaga. Nanginginig ang aking mga daliri habang tinatawagan ko si Elena. “Shet!” Hindi ko makontak si bunso, dinayal ko ulit ang phone ni Chenley ngunit hindi na ito nag ring. “Aaahhh..” Malakas kong sigaw sabay hagis ko ang mga papel na nasa aking working table gusto ko magwala at gusto ko manakit ng tao. Napasabunot ako sa aking buhok galit ako kay Chen at sa lalaking kasama niya. “Boss, hindi ka pa ba uuwi? Anong oras na?” Alam ko na gustong tumawa ni Arjay ngunit hindi niya magawa. Lihim na natawa si Arjay sa kanyang isipan dahil sa itsura ng kanyang boss na pinagdiskitahan ang mga papel na walang kamalay malay. “Arjay, e book mo ako ng ticket papuntang Pilipinas now na.” Lumaki ang mata ni Arjay dahil sa sinabi ni Timothy. “Pero boss..” “Arjay, please sundin mo na lang ang sasabihin ko, mababaliw ako kapag maghihintay ako dito.” Napangiti si Arjay sabay pulot niya sa mga papel na nasa sahig. “Hindi mo ba hihintayin ang bukas? Malay mo may rason si Chenley kung bakit hindi niya masagot ang phone niya. At kapag hindi mo pa rin siya makontak bukas ay doon ka pa lang mag decision na uuwi na. May mahalagang meeting ka bukas sa bago mong bukas na branch at ikaw ang kailangan doon.” Mahabang paliwanag ni Arjay sa amo. “I don’t care about the meeting, nag-alala ako sa nobya ko. Hindi na nakapagsalita si Timothy ng tumawa si Arjay nang malakas. “Nag-alala ka at nagseselos dahil akala mo papalitan ka niya.” “Hindi ako nagseselos dahil alam kong mahal ako noon.” Tanggi ko, mas lalong natawa si Arjay dahil sa sinabi ko. “Grabe ka pala magselos boss.” Anito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD