ISABELLA:
HAPLOS ang labi na nangangatal ang katawan kong lumabas ng silid. Oo nga't walang namagitan sa amin ng binatang 'yon at binayaran pa rin ako ng dalawang daang libong piso para sa ilang minuto din naming malalim na halikan. Pero hindi ko pa rin makalma ang sarili ko. Pakiramdam ko nga ay nakalutang ako sa kaulapan habang naglakakad.
Nakatatak na sa isipan ko ang mapusok nitong halik na may bahid ng panggigigil at pag-iingat. Bawat hagod at sipsip ng kanyang mga labi sa mga labi ko ay kay sarap damhin! Binigyan niya ng hustisya ang unang halik ko na talaga namang tatatak sa isipan ko!
Mariin akong napapikit na kusang sumilay ang matamis na ngiti sa aking mga labi. Sinasariwa sa aking isipan ang aming naging halikan nito. Pakiramdam ko tuloy ay nakalapat pa rin ang kanyang mga labi sa akin.
Napahaplos ako sa ibabang labi na nangingiti. Para akong kinikiliti na damang-dama pa rin ang kanyang halik. Halik na hindi ko na malilimutan pa sa buong buhay ko. Dahil siya lang naman. . . ang first kiss ko.
HINDI ko namalayan na nakarating na pala kami ng hospital. Mabuti na lang at mabait ang taxi driver na nasakyan ko. Dahil kahit nakatulala ako sa buong byahe ay hindi ako nito dinala sa kung saan para pagsamantalahan o kaya ay nakawan. Malaking halaga pa naman ang dala-dala ko at wala akong kasama.
Napahinga ako ng malalim na napatingala sa hospital na kaharap ko. Kung saan naka-admit ang ina kong sinagasahan ng walang pusong nilalang at basta na lang iniwan.
Tumulo ang luha ko na mapait na napangiti. Nagtatrabaho ng maayos ang mga magulang ko. Na kahit gabi na ay nasa kalsada pa rin ang mga ito para kumita. Pero heto at may mga taong ganito na walang kaluluwa. Kung hindi lang nadala kaagad ni Tatay si Nanay sa hospital ay namatay na ito sa lala ng natamo niya.
Para akong sinasaksak sa puso ko sa nangyari sa pinakamamahal kong ina. Napakasipag at bait ni Nanay kaya hindi naman niya deserve ang gan'to. Na para lang siyang asong kalye na sinagasahan at iniwanang naghihingalo.
Dahil ba mahirap lang kami kaya ginagan'to lang kami ng mga may kaya? Wala ba kaming karapatan sa mundong ito? Napalapat ako ng labi na unti-unting namimigat ang dibdib ko. Hindi ko na mapigilan ang damdamin ko.
Awang-awa ako sa sinapit ni Nanay. Tiyak na malaki ang pagbabago sa kanya ngayon dahil sa nangyari. Mabuti na lang at mabait pa rin sa amin ang Diyos. Naging tulay ang lalakeng bumili sa akin kanina para may pandugtong pa sa buhay ni Nanay.
Nagpahid ako ng luha na kinalma ang sarili. Ilang beses akong napabuga ng hangin para ibsan ang bigat sa dibdib ko. Tiyak akong magtataka si Tatay kapag makita niyang namumugto ang mga mata ko. Ayoko ng dagdagan pa ang mga alalahanin niya. Paniguradong hindi na rin siya mapalagay ngayon habang hinihintay akong humagilap ng pera na kakailanganin ni Nanay.
YAKAP-YAKAP ang shoulder bag ko na pumasok na ng hospital. Napapalagat ako ng labi na nakahingang maluwag na sa wakas ay magagamot na ang ina ko. Hindi ko pa alam kung anong kapani-paniwalang alibi ang gagamitin ko sa mga magulang ko para idahilan na pinanggalingan ng pera. Tiyak akong magugulat ang mga ito na kay bilis kong nakadiskita ng dalawang daang libong piso sa loob lang ng ilang oras!
"Ma'am, bawal na po ang bisita sa gabi," pagharang sa akin ng guard dito sa entrance.
Napakamot ako sa kilay na nagsusumamo ang mga matang napatitig dito.
"Uhm. . . lalabas din po ako kaagad, Sir. Iaabot ko lang sa Tatay ko ang perang kakailanganin nila sa loob para sa operasyon ng Nanay kong bagong dating," sagot ko sa nangungusap na tono at mga mata.
"Sige po, Ma'am. Lumabas din po kayo after fifteen minutes, ha? Malilintikan kami sa management kapag mahuli kayo sa loob," pagpapaalala pa nito na binuksan ang pinto.
"Opo, Sir. Salamat po."
Halos takbuhin ko ang nasa limang floor na hagdanan nitong hospital, makarating lang sa 5th floor ng hospital kung saan naroon sina Nanay. Naghahabol hininga ako na pinagpawisan pagdating ng 5th floor. Malalalim ang paghinga na naglakad ako ng hallway palapit sa ward ni Nanay. Malayo pa man ako ay nakita ko na si Tatay sa may nurse station na tila nakikipag-usap sa mga nurse na naka-duty.
Patakbo akong lumapit na ikinalingon nito sa akin at parang nabuhayan ang mga matang nagsusumamo at napakalungkot na makita ako. Nagpahid ito ng luha na humarap sa aking bagong dating.
"Tay, mano po," saad ko na hinihingal pa at napamano dito.
"Kaawaan ka nawa ng Diyos, Bella. Kumusta ang lakad mo?" anito.
"Uhm, dala ko na po ang pera, Tay."
"Talaga!?" bulalas nito na napahawak sa kamay ko at kita ang pag-aliwalas ng mukha.
"Opo."
"Salamat sa Diyos!" bulalas pa nito na niyakap ako at napahagulhol sa balikat ko.
Mahigpit kong ginantihan ang yakap ng ama ko na may ngiti sa mga labi kahit panay na rin ang tulo ng mukha. Mahirap maging mahirap. Totoo 'yon.
Sa kalagayan namin na isang kahid isang tuka ang buhay? Mamamatay kami na tirik ang mga mata kung hindi kami kikilos. Kahit may sakit ka o pinagdaraanan ay hindi ka pwedeng magpahinga. Na parang pinagkakait 'yon sa'yo dahil kung hindi ka magtatrabaho? Magugutom ka. Awang-awa na ako sa mga magulang ko. Mula pagkabata naming mga anak nila ay nagsusumikap na sila para maghanap-buhay para sa amin. Sa pag-aaral, pagkain at iba pang pangangailangan namin sa pang-araw-araw. Gustuhin ko mang bigyan sila ng magandang buhay ay hindi naman kalakihan ang sinasahod ko sa pinagtatrabahuan ko. Kaya nga suma-sideline pa ako sa gabi para may extrang kita. Pero kulang pa rin. Lalo na ngayon sa nangyari kay Nanay.
Nagpahid ako ng luha na kumalas na dito. Para akong kinukurot sa puso na makita ang ama kong umiiyak. Pinahid ko ang luha nito na napatingkayad at hinagkan siya sa noo. Si Tatay ay isang turkish na nadayo lang noon dito sa bansa. Nakilala niya si Nanay at kalauna'y nagpakasal sila.
May kaya ang mga magulang ni Tatay. Pero dahil mas pinili niya kaming mag-iina niya kaysa ang napili ng mga magulang nito sa kanilang bansa sa Turkey ay itinakwil siya ng mga magulang. At hanggang ngayon na malaki na kaming mga anak nila ay hindi pa rin nila napapatawad si Tatay.
"Tara na ho, Tay?" aniko na inakay ito sa ward namin.
Umakbay ito sa akin na nakahinga ng maluwag. Kahit paano ay naibsan din ang bigat sa dibdib kong nakatulong ako sa malaking dagok na dumating sa aming pamilya ngayon. Kung mayaman lang sana kami. . . madali lang mahahanap ang salarin na bumunggo kay Nanay. Mapagbayad manlang sana namin ito. Pero dahil mahirap lang kami ay pati hustisya ay pinagkakait sa amin.
Habang kinakausap ni Tatay ang mga doctor na siyang um-opera kay Nanay ay nakahalukipkip naman akong palakad-lakad sa tapat ng bed ni Nanay. May mga makakasama pa kami ditong ibang pasyente dahil nasa ward area kami ng hospital. Hindi namin kaya pag private room ang kukunin namin kahit gustuhin man namin.
"Ms Isabella Leighton?"
Napapihit ako paharap sa may pinto nitong ward na may baritonong boses ang tumawag mula sa akin doon. Nangunotnoo ako na napaawang ang labi na malingunan ang isang napakagwapong batang police officer na lumapit sa akin.
"Y-yes, Sir," utal kong sagot.
Ngumiti ito na ikinalitaw ng mapuputi at pantay-pantay niyang mga ngipin na halatang alaga sa dentista. Makinis din siya, maputi, matangkad at kitang may lahi sa tindig pa lang at itsura.
"Hi, I'm Captain Typhoon Montereal Del Mundo Jr, Dos na lang for short. Ako at ang team ko ang may hawak sa kaso ng Nanay mong hit and run. Pwede ba tayong mag-usap sa labas?" anito na napaka-pormal ng tono.
"S-sige po, Sir. Magpapaalam lang ako sa ama ko," magalang kong sagot na yumuko ditong nakangiti at napakindat pa.
Napalapat ako ng labi na tumalikod na para ikubli ang ngiti sa puso ko! Shet! Siya na yata ang itinadhana sa akin! Not bad, napakagwapo niya kaya. Ang kisig, ang tangkad, ang bango, at mukhang maginoo. At. . . isang police captain!
"Um, Tay?" pagtawag ko kay Tatay na nakikipag-usap pa rin sa mga doctor.
"Anak, bakit?" tanong nito.
Nginuso ko naman ang gawi ni Captain Dos na ikinasunod nito ng tingin at nagtatanong ang mga mata na bumaling sa akin.
"Isa siyang police captain, Tay. Siya po ang may hawak sa kaso ni Nanay. Mauna na po ako sa bahay. Kakausapin ko pa siya. Dadalaw ho ako bukas dahil hindi ako pwedeng magtagal dito sa loob," saad kong ikinatango-tango naman nito.
"G-ganun ba? O sige. . . mag-iingat ka, anak, ha? Magpahatid ka na rin sa mga pulis na 'yan para ligtas kang makauwi ng bahay. Ang mga kapatid mo, ha? Siguraduhin mong nakakain sila bago matulog. Sabihin mo ring. . . magiging maayos na si Nanay. Nakuha mo ba, Bella?" paghahabilin nitong ikinatango-tango kong niyakap ito at hinaplos sa likod.
"Opo, Tay. Sige po, mauuna na ako. Mag-iingat po kayo dito. At kumain din po kayo. May sobra po sa pera na binigay ko pambili niyo ng pagkain at inumin. Magpahinga din po kayo, ha?" saad kong ikinangiti nitong ginulo ang buhok ko.
"Salamat ng marami, anak ko. Niligtas mo ang Nanay mo. Sige na, anak, alis na."
"Sige po, Tay. Mahal ko po kayo ni Nanay."
"Mahal na mahal din namin kayo ng inyong Nanay, anak."
Matapos kong magpaalam kay Tatay ay tumalikod na ako na lumapit kay captain na naghihintay sa akin. Nakapamulsa pa ito na tuwid na tuwid ang pagkakatayo. Nakapa-astig at gwapo niyang tignan lalo na't naka-uniporme ito ng police uniform. Hindi ko tuloy mapigilang kiligin sa mga sandaling ito. Sana lang ay matino siyang pulis at makakatulong sa amin na mahanap ang salarin.
"Shall we?" anito na naglahad pa ng kamay.
Napapalapat ako ng labing nahihiyang tumango at naglakad na palabas ng ward kasabay ito. Napalingon ako kay Tatay pagkatapat namin sa pinto. Nakasunod naman ito ng tingin sa amin. Napangiti akong kumaway na nagpapaalam ditong ngumiti at tumango sa amin.
"Your father?" anito habang naglalakad kami ng hallway.
"Yes, Sir."
"You can call me by my name, Isabella. Tingin ko naman hindi nagkakalayo ang edad natin," saad naman nito na bakas ang sensiridad sa tono at may ngiti pa sa mga labi.
Mas lalo tuloy siyang gumugwapo dahil mas lalong sumisingkit ang mga mata nitong kulay abo at lumilitaw din ang malalim niyang biloy sa magkabilaang pisngi.
"N-nakakahiya po eh," sagot ko na ikinatawa nito.
"It's okay with me, Isabella. Para masanay ka. Aabutin din tayo ng buwan na magkakasama para sa kaso ng Nanay mo," anito na ikinatingala ko sa kanya.
"Oh, watch out!"
"Ayt!"
Napatili akong napasubsob sa dibdib nito yumapos ang maskulado niyang mga braso sa aking baywang at kinabig padiin sa kanya dahil muntikan akong mauntog sa pinto!
Napapalunok ako na masamyo kung gaano siya kabango. Napaka-manly ng perfume nito na kay sarap samyuhin. Hindi siya matapang sa ilong.
"Ahm. . . s-sorry, Sir."
"It's okay. Dos nga kasi. Hwag ng Sir. Para akong tumatanda sa malutong mong Sir eh," anito na napaalalay pa sa akin sa baywang ko habang palabas kami ng hospital.
Napalapat ako ng labi para ikubli ang ngiti ko. Ang gentleman niya kasi at dama mong hindi siya bastos at mahangin na kausap.
"Coffee muna tayo? Doon natin pag-usapan ang kaso. Okay lang ba sa'yong sumakay ng motor?" anito na huminto sa tapat ng isang black ducati monster motor!
Napaawang ako ng labi na mabungaran ang ganto kagara at gandang bigbike motor sa tanang buhay ko! Mahilig ako sa motor. At pangarap kong makahawak balang araw ng ducati pero. . . heto at nasa harapan ko na! Kung hindi ako nagkakamali ay ang pinaka-latest na version pa ang bigbike motor nito na aabot ng milyon ang halaga!
"Wow," bulalas ko na lamang na walang kakurap-kurap na nakatitig sa motor.
"Marunong ka? Gusto mong subukan?"
"Pwede ba?"
Natawa naman itong tumango-tango na iniabot sa akin ang helmet. Kagat ang ibabang labi na inabot ko ang helmet nito at isinuot 'yon. Maging ito ay nag-helmet din. Inalalayan pa ako nitong makasakay dahil halos hindi umabot sa semento ang paa ko. Nakakatakot tuloy. Baka mamaya ay maitumba ko pa ito!
"Pwedeng kumapit?" anito na ikinatango ko bago in-start ang motor.
Sa baywang ko lang naman ito kumapit na tila nakaalalay lang sa akin. Parang lulukso ang puso ko na may ngiti sa mga labing pinaharurut ang ducati nito! Sa sobrang smooth at bilis ng takbo niya ay para na kaming lumilipad!
"Woah! Nice!" bulalas nito na ilang minuto lang ay nakarating kami sa isang coffeeshop na nadaanan lang din namin.
Siya ang naunang bumaba na inalalayan pa ang motor para makababa din ako. May ngiti sa mga labing iniabot ko sa kanya ang helmet at napahawi ng buhok ko.
"Ang galing mo."
"Salamat po, Sir. I mean. . . D-Dos."
"Yown! Tara, masarap magkwentuhan sa gabi habang nagkakape," kindat nito na umakbay pang iginiya ako papasok ng coffeeshop.
Impit akong napapairit sa isip-isip ko at pasimpleng naiyakap sa kanyang baywang ang braso ko. Para tuloy kaming magkasintahan kung titignan. Mabuti na lang at medyo malalim na ang gabi. Wala ng masyadong tao sa paligid.
Sa pinakasulok kami ng shop pumwesto nito at saka tinawag ang staff na kaagad namang lumapit na may dalang menu. Magkaharap kami nito sa pangdalawahang mesa kaya mas natititigan ko na siya ng malapitan.
Mas gwapo pa pala siya sa maliwanag. Kitang-kita kasi kung gaano kakinis ang balat nito. Dinaig pa ako na babae. Walang kapores-pores ang mukha na ultimo isang blackhead na naliligaw ay wala kang makikita.
"Hey?"
"Huh?"
Mahina naman itong natawa sa pagkakatulala ko sa kanya. Nag-init ang mukha ko na nahihiyang nag-iwas ng tingin dito.
"Tinatanong kasi kita. Okay lang ba sa'yo ang americano macchiato at chocolate cake?" anito.
"Ah. . . s-sige. Okay lang naman," nahihiyang sagot ko.
Hindi ko pa naman nalalasahan ang in-order nitong kape namin. Hindi naman kasi ako nagpapapasok at bumibili ng mga ganung kamamahal na kape. Okay na ako sa kape namin sa bahay na kapeng barako na may asukal at cream.
"So, shall we start?" anito.
Tanging pagtango lang ang isinagot ko dahil blangko pa kami sa nangyaring aksidente. May inilabas naman itong manipis na laptop sa kanyang bag na binuksan iyon. Nakatitig lang ako sa kanya na bahagyang nagsalubong ang mga kilay. Mas lalo pa yata siyang gumugwapo na napakaseryoso niyang tignan habang nakatutok sa ginagawa.
Napatitig ako dito. Bakit parang may kahawig siya? Imposible kayang. . . ? Namilog ang mga mata ko na makumpirmang magkahawig nga sila nung lalakeng. . . nagbayad sa akin!
"Oh my Gosh!"
"Huh?"
Napaangat ito ng mukha. Natutop ko naman ang bibig ko na pilit ngumiti dito.
"W-wala, may naalala lang," nakangiwing alibi ko.
Ngumiti naman itong tumango na muling bumaling sa laptop. Napahinga ako ng malalim. s**t! Hwag naman sanang. . . kakilala niya ang lalakeng bumili sa akin kanina.