Chapter 5

2001 Words
TYPHUS: NAKANGUSO ako na pinapasadaan ng tingin ang resume ng mga bagong aplikante para maging bagong secretary ko. Nakatayo lang naman si Ms Selena sa harapan ko. Hinihintay kung may mapili na ako. Kung tutuusin ay qualified naman silang lahat. Pero wala akong matipuhan sa kanila kahit na four degrees din ang tinapos. Ang iba pa nga ay mga dating beauty queen, model at singer pero heto at naga-apply sa akin. Obviously na ako ang hinahabol at hindi para maging secretary ko. "What? Don't tell me, wala kang mapili," ani Selena na pabalang naupo sa silya. Napahinga ako ng malalim na pinapaikot-ikot sa daliri ko ang sign pen ko. "Wala eh. Ayoko sa mga 'yan. Hindi ko sila matipuhan. Hwag ka na kasing umalis. Iiwanan mo talaga ako?" saad ko dito na nagtatampo ang tono. "Hoy, Del Mundo, umayos ka nga. Ayokong tumandang dalaga, noh?" paasik nito na ikinatawa ko. Palibhasa ay nasa ten years ko na itong secretary. Mula noong baguhan ako dito sa Cat's Multi Tower ay ito na ang kasama kong nagpalago ng kumpanya ni Mommy na sa akin ipinamana. Kaya naman para na kaming magkapatid nito at nagagawa pa nga akong utusan minsan. Na parang hindi ako ang boss sa aming dalawa. "May pa-afam-afam ka pa kasi eh. Tignan mo nga, tatangayin ka niya sa ibang bansa. Hindi tuloy ako makahanap ng ipapalit sa'yo. Masyado kang perfect kaya walang makakapantay sa galing mong secretary ko," nakabusangot kong pagmamaktol. Malutong naman itong napahalakhak na binato ako ng nilukot nitong resume. "Maarte ka. 'Yon ang totoo. Hay naku, Typhus, ang dami ng aplikante na qualified sa trabaho para maging secretary mo. Ikaw lang itong pabebe," pambabara naman nitong lalong ikinabusangot ko. "Ayoko nga kasi sa kanila. Ang gusto ko 'yong katulad mo na walang gusto sa akin at focus sa trabaho," aniko. Napanguso naman ito na pinakatitigan ako. Si Selena pa lang kasi ang nakakagawa no'n. Ang mapalapit sa akin at hindi ako matipuhan. Sa loob ng sampung taong pagkakaibigan namin ay hanggang kaibigan at amo lang talaga ako sa kanya. Na tipong. . . hindi siya kabilang sa mga babaeng nagkakandarapa na pumila, makilala lang ako at makita. "Eh kung lalaki na lang kaya ang kunin mo?" suhestyon pa nito. "Ayoko. Ma-chismis pa akong namamakla." Napahalakhak naman ito dahil naalala ang ilang beses na bang may nabaklaan sa akin? Na tipong kahit kapwa kong lalake ay nagkakagusto na rin sa akin at gusto akong matikman. Fvck! "Ah basta. Kailangan mo ng makapili para makaalis na ako, Typhus. Maawa ka naman sa akin. Ngayon na nga lang may naduling sa ganda ko eh. Buti ikaw at gabi-gabing papalit-palit ka ng babae. Naku, sinasabi ko sa'yo, magbago ka na. Makakuha ka pa ng sakit mo dyan eh. Hindi naman nakakadagdag sa kagwapuhan mo na ang dami mong babae. Ang lalandi niyo kasing mga Montereal kayo eh," paturnada naman nito na napatayo na at dinala ang mga folder sa mesa ko. "Kami 'tong nilalandi at hinahabol ng magagandang binibini, Selena. Anong magagawa namin? Hindi naman pwedeng tumanggi sa grasya, hindi ba?" ngisi kong ikinaikot lang naman ng mga mata nito. Napahalakhak akong naiiling na lamang sa inasta nito na hindi manlang aware na ako ang amo niya. Ganon na siya kakomportable sa akin. Kaya nga nahihirapan akong pakawalan siya dahil mahusay siya sa trabaho. Pulido lahat at alagang-alaga niya ako na hindi ako pinagpa pantasyahan. "Magtrabaho ka na nga!" asik pa nito na nagdadabog na nagtungo sa kanyang cubicle. Ngingisi-ngisi akong bumaling sa mga pipermahan kong papeles para sa approval ko sa ilang investors namin. Natigilan ako sa pag-sign na maalala na naman ang babaeng binili ko sa auction last week. Naipilig ko ang ulo na naisandal ang sarili habang nakapikit at sinasariwa sa isipan ko ang maamo niyang mukha at ang tamis ng kanyang mga labi, fvck! Ilang araw na ba akong dyeta dahil sa babaeng 'yon? Ang hirap niyang hagilapin. Ni hindi ko alam ang buong pangalan niya at buong mukha. Nakakainis. Napailing akong may ngisi sa mga labi na maalalang nanginginig ang katawan nito habang nakayakap ako sa kanya at hinahagkan-hagkan ang balikat at dibdib niya. Kung ibang babae lang 'yon ay niluhuran kaagad ako at sinamba. Pero siya? Ni magpahalik ay ayaw niya. Ramdam ko namang malinis pa siya kaya gusto ko sanang dahan-dahanin ang pagkuha sa kainosentihan niya. Kaya nga yakap, haplos at halik lang ang ginawa ko sa kanya noong gabing iyon kahit na pwedeng-pwede ko siyang angkinin ng buong-buo. Pero masyado siyang magaling maglaro ng hide and seek dahil hindi ko nga naman siya mahagilap. Pinapahanap ko na siya sa private investigator ko pero. . . hanggang ngayon ay wala pa siyang lead. Ang galing magtago ng bubwit na 'yon, fvck! Lalo akong nanggigigil makilala ang babaeng 'yon. Hindi ko man alam ang buong pagkatao at mukha niya ay nakatitiyak akong makikilala ko siya. Napangisi ako na maalala ang birth mark niya sa kanyang dibdib. May nunal kasi siya sa pagitan ng bilugan niyang dibdib. Korteng puso pa iyon kaya nakakatiyak akong. . . makikilala ko siya. PALAKAD-LAKAD ako dito sa gilid ng pool habang may hawak na beer. Malalim na ang gabi pero hindi ako dalawin ng antok. "Kuya." Napalingon ako na may tumawag sa akin. Si Dos. Ang nakababatang kapatid ko. May dala naman itong mug ng kape at nakapantulog na rin. "What's up, Captain?" bati kong ikinatawa at iling nito. Napasunod ako dito na naupo sa isa sa mga nakahilerang lounge chair dito sa gilid ng pool. Mula pagkabata ay dito na kami nakatira sa old mansion ng mga Montereal. Nandidito kasi si Mommy Catrione at may karamdaman ito. Kaya naman lumaki kami sa piling ng aming mga Lolo at Lola. Ang ama naman namin ay matagal ng namayapa. Mga bata pa lang kami noon ng kakambal kong si Tyrone nang mamatay si Daddy Typhoon, dahil sa profession nito. Ang pagiging. . . alagad ng batas. "Naghahanap ka pa rin ba ng secretary mo?" tanong nito na napasimsim sa kanyang kape. "Yeah," bagot kong sagot. Napanguso naman itong nakamata sa akin. Napahinga ako ng malalim na tumungga sa beer ko. "May ipapasok sana ako sa'yo eh," anito. Natigilan naman akong nilingon ito na nagtatanong ang mga mata. Napangisi ito na umiling. "Pero baka jowain mo. Wala pa naman akong tiwala sa'yo. Chikababe ko 'yon eh. Pero gusto ko kasi siyang tulungang makahanap ng maayos na trabaho na may malaking kita. Bread winner siya ng pamilya niya eh. Idagdag pang may malaking problema silang pamilya na kinakaharap ngayon," paturnada naman nito na ikinatigil kong nakamata lang sa kanya. Napahinga ito ng malalim na sumimsim sa kape nito. "Teka. . . chikababe? Ano 'yon, girlfriend mo?" naguguluhang tanong ko. Malutong itong napahalakhak na mahinang sinipa ang binti ko. "Ouch! Ano ba!?" asik ko na nagrereklamo. Masakit kaya ang sipa niya. "Ang dami kong sinabi, 'yan pa talaga ang na-catch up ng utak mo. Babaero ka talaga," asik nito na natatawa. Napakamot naman ako sa kilay na natatawa na rin. "Basta. Gusto ko siyang ipasok na secretary mo. Pero. . . binabalaan kita, Kuya. Hwag na hwag mo 'yon gagalawin. Malilintikan ka sa akin," anito na napaseryoso. "Bakit?" "Anong bakit?" "Bakit mo sa akin ipapasok? Eh kung naghihirap sila at gusto mong tulungan? Bigyan mo ng pera," aniko. Napailing naman ito. "Kakaiba siyang babae, Kuya. Wala sa kalingkingan no'n ang tanggapin ang pera ko na hindi niya pinagta trabahuan. Sige na, pumayag ka na, hmm?" pangungulit pa nito. "Marunong ba 'yan? Baka naman mamaya ay unang araw niya pa lang sa akin ay maghuhubad siya sa harapan ko, ha?" Sunod-sunod itong napaubo na nasamid sa sinaad ko. Natatawa naman akong tinapik-tapik ito sa kanyang likod. "Hwag kang mag-alala. Nakatitiyak akong. . . hindi ka tipo no'n," nakangising asong saad nitong ikinaasim ng mukha ko. "Tsk. Baka naman Manang 'yan, ha?" "Tss. Walang panama ang mga babae mo sa ganda ng chikababe kong 'yon," palabang saad nitong ikinatawa kong napailing. "Fine. Dalhin mo siya sa opisina," pagsang-ayon ko na lamang na inubos ang beer ko. "Thanks, Kuya." "Tss. Don't thanks me, bunso. Baka agawin ko siya sa'yo pag natipuhan ko 'yon," ngisi kong ikinalukot ng mukha nito. "In your dreams. Hindi mo 'yon makukuha. Mark my words," ngisi din nitong napatayo na kasunod ko. Magkaakbay kami nitong pumasok ng mansion na tahimik at malamlam na ang mga ilaw. Sa gantong oras kasi ay halos tulog na ang lahat. Maliban sa mga bodyguard naming nasa labas na nagroronda at nakabantay sa mga pwesto nila para sa safety naming pamilya. "Goodnight, Kuya." "Goodnight, bunso." KINABUKASAN ay naabutan ko sa opisina ko ang private investigator ko na may malapad pang ngiti sa mga labi. Napangisi ako na nagtungo sa sala nitong opisina kung saan ito nakaupo. Napatayo naman itong yumuko pa sa akin. "Good morning, young master!" "Good morning. Make sure na kasing ganda ng ngiti mo ang dala mong balita, ha?" aniko na ikinatawa naman nito. "Good morning, Se! Coffee, please?" baling ko sa secretary kong abala sa desk nito. "Good morning too, Typhus! Wait lang," anito na minadaling iayos ang mga folder at dinala sa mesa ko bago nagtungo ng pantry. Bumaling na ako sa PI ko habang nagtitimpla ng kape namin si Selena. "So, anong balita?" aniko. Ngumiti ito na makahulugan kaya napangiti na rin ako. "Here, young master. Her basic information," anito. Inabot ko ang folder na binigay nito at binuklat iyon. Mas lalo namang lumapad ang ngiti ko na makita ang 2 by 2 I'D picture nito na ikinatitig ko doon. Damn, hindi nga ako nagkamali. Ang ganda niya. "Name, Isabella Leighton, 25 years old, status, single." piping basa ko na napangiting makitang single pa ang status nito. "Teka. . . Ito ba 'yong lupain ko sa Taguig na tinirhan ng mga tao?" kunot ang noong tanong ko sa PI ko na mabasa ang current address nito. "Yes, young master. Doon nga siya sa lupain niyo nakatira. Pinadalhan ko na rin ang pinuno nila doon ng warning na kailangan na nilang lumipat para mabawi niyo na ang lupain niyo doon at matayuan ng hotel," saad nitong ikinasapo ko sa noo. "Damn. Tignan mo nga naman. Kung saan-saan na natin ito hinahagilap, nasa lupain ko lang pala!" bulalas ko na napailing. "Anong plano mo, young master. Pwede nating gamitin 'yong lupa na collateral para pumayag siya sa anumang gustuhin mo," suhestyon nitong ikinalingon ko dito. "Do you think?" "Oo naman, Sir. Nasa inyo ang titulo ng lupaing kinatatayuan ng bahay nila. For sure ay mapapasunod niyo 'yon." Saad pa nito. Napangisi ako na nahimas ang baba. Lumapit naman na si Selena na dala ang dalawang tasang kape. Maingat niya iyong ibinaba sa center table na kaharap namin ng PI ko. "Anything, Sir?" anito na nagpalipat-lipat ng tingin sa amin. "This is enough, Se. Go back to your desk now," kindat kong ikinangiti at yuko nito sa amin bago nagtungo sa cubicle nito. Bumaling ako dito na napaseryoso. Tumuwid naman ito sa pagkakaupo na hinihintay ang iuutos ko. "Bumalik ka doon. Talk to them. Siguraduhin mong itong Isabella na ito ang makakausap mo. Kausapin mo siya ng pribado at i-offer mo ang titulo ng lupa." "Po?" "Kapalit ng isang gabing. . . makakasama niya ang amo mo. Pero hwag na hwag mong sasabihin sa kanya. . . kung sino ako. Is that clear?" aniko sa seryosong tono. Napalunok naman itong tumango-tango na ikinangisi ko. "What if tumanggi siya, young master?" "Do everything you can to make her no choice." "Copy, young master. I'll update you later." "Good. Go," pagtataboy ko ditong napatayo at yumuko pa sa akin bago umalis. Napadekwatro ako ng mga binti na nahihimas ang baba at may ngisi sa mga labi. Nasasabik na muling masilayan. . . ang Isabella ko. Fvck! Hindi ko na pakakawalan pa ang babaeng 'yon, this time. Sisiguraduhin kong. . . mamamarkahan ko na siya ng buong-buo. "Get ready for me. . . baby. Isabella, pala, huh? Pinahirapan mo pa akong hanapin ka, baby," anas ko na napapangisi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD