TYPHUS: PANAY ang lingon ko sa gawi nila Isabella dahil napaparami na ang naiinom nila. Kilala kong malakas uminom ang mga pinsan kong babae dahil halos laman sila lagi ng Bar namin. Pero si Isabella ay tiyak akong hindi 'yon manginginom. Plano ko pa naman sanang magtapat sa kanya ngayong gabi ng tungkol sa mga tinatago ko dito. Ayoko ng paabutin pa sa punto na malaman niya iyon sa ibang tao. Nahanda naman akong saluhin ang galit nilang pamilya dahil aminado akong nagkamali ako. Pero ang hiwalayan siya ang hindi ko magagawa. Hindi ko kaya. "Relax, dude. Hindi naman nila lalamunin ang shota mo," natatawang pangangantiyaw sa akin ni Sky. "Tsk, wala ka kasing shota kaya 'di mo ako maintindihan," ingos ko na napalagok sa beer ko. "Really, huh? O baka inaalala mong. . . hindi ka maka-scor