TYPHUS: MATAPOS naming mag-agahan ay nagkausap kami ni Papa ng masinsinan sa may pampang. May kubo kasi dito kaya dito kami nag-usap para malayo sa bahay. Kabado ako habang hinihintay na magsalita ito. Kahit ba ibinigay na niya ang basbas niya sa amin ay 'di ko pa rin maiwasang kabahan sa ano mang pag-uusapan namin ngayon. Malalim itong napabuntong hininga na nakamata sa dagat. Tahimik lang naman akong naghihintay ng sasabihin nito. "Hindi mo kaya pagsisisihan na ang anak ko ang pipiliin mong maging asawa sa dami ng babaeng nagkakandarapa at mas nababagay sa'yo?" pambabasag nito sa nakabibinging katahimikan namin. Ngumiti ako na nilingon ito at nagsalubong ang aming mga mata. "Hinding-hindi ko po pagsisisihan na siya ang minahal, minamahal at pakamamahalin ko, Papa. Dahil si Isabell