Sirang-sira na ang plano ni Sam na iwasan si "Francesca" dahil sa pagkikita nila dito sa Boracay. Gusto niyang bumalik ng Maynila para iwasan ang dalaga. Pero ayaw niyang tanggapin sa sarili na dahil lang sa isang babae ay naaapektuhan na ang buhay niya. Ipapakita niya sa "Francesca" na iyon na tama ang sinabi nito noon sa kaniya. Na kung ano man ang nangyari sa kanila ay dahil lang sa isang milyon. Na wala iyong ibang ibig sabihin. Mapaklang natawa ang binata nang maalala ang sinabing iyon ni Kimberly. "Hah! Ako pa talaga ang sinabihan niya ng gan'on, ha? Ako na si Sam Walker? Damn it." "Hi, honey!" Hindi na kailangang lingunin ni Sam ang nagmamay-ari ng boses na narinig niya. Siguradong si Clarissa Williams iyon, isang ramp model na nakilala niya rito sa Boracay. Ito ang pansaman