Tuwang-tuwa si Kimberly nang pagkabalik niya ng trabaho ay kaagad siyang nakabenta ng condo. Dahil madadagdagan na naman ang perang maiiwan niya sa pamilya. Balak niya, bago umuwi n'ong araw na 'yon ay dumaan ng bangko para hatiin sa account ng ama at kapatid ang perang nakuha niya noon kay Sam at iba pang ipon. "Mukhang masuwerte sa buhay mo si fafa Sam, bakla." Tuwang-tuwa na tukso sa kaniya ni Roberta. Ito ang kaibigan niyang bakla na nagdala sa kaniya noon sa Pleasure Club. Gabi lang ito pumapasok sa mumurahing bar na pinagtatrabahuan at sa umaga ay nagsa-sideline sa pagbebenta ng sasakyan. "Parang gusto na tuloy sabihing nakatulong ang pagdala ko sa'yo noon sa Pleasure Club." Dahil si Roberta lang naman ang nag-iisa niyang kaibigan na pinakamalapit sa kaniya kaya hindi na itinago