#BYHMBook3_ThisTime EPISODE 13 Nagpatuloy na lamang siya sa paglalakad. Hanggang sa tipid siyang mapangiti ng makita niya mula sa hindi kalayuan ang lalaking minamahal… Pero kaagad na nawala ang tipid na ngiti nito sa labi ng makita ang pinakamasakit na eksena para sa taong nagmamahal ng wagas. Kitang-kita ng dalawa niyang mga mata kung paano yakapin ng babae ang pinakamamahal niya. Gulat na gulat at halos manigas sa kinatatayuan si Kameon habang nakatingin pa rin sa dalawang magkayakap ngayon sa tapat ng pintuan ng isang hotel room. Bumalik sa katinuan si Kameon, kaagad niyang itinago ang sarili sa likod ng isang halaman na nakatanim sa paso. Display iyon sa pagitan ng mga pinto ng hotel. Muntik na siyang makita ni Khievo ng mapatingin ito sa