#BYAHBook3_ThisTime EPISODE 25 “Mag-ingat ka roon huh… Umuwi ka kaagad…” sabi ni Cheska kay Khievo habang inaayos ang kwelyo at pinapagpag ang kulay brown na polo shirt na suot nito. Tipid na napangiti si Khievo. “Opo… Uuwi rin ako kaagad…” sabi ni Khievo. Ngumuso naman si Cheska. “Bakit naman kasi kailangan na lumuwas ka pa ng Maynila para lang makipag-meet doon sa customer na iyon… Pwede namang i-ship na lang iyong mga binili niya eh…” may halong inis na sabi nito. Hinaplos naman ni Khievo ang magkabilang pisngi ng asawa. “Eh sa iyon ang gusto eh… Saka marami naman siyang kinuha sa atin kaya worth it na rin siguro ito, malaking pera ang papasok sa atin ayaw mo nun...” sabi ni Khievo. Totoo ang sinasabi niya, maraming inorder na unit ng cp si Kameon at hi