Chapter 21

3843 Words
Chapter 21 Royal Nanliliit kong pinagmasdan si Lelet habang inuubos niya iyong biniling cheeseburger. Buy-one-take-one pa iyon at para sa akin daw sana iyong isa. Pero naamoy ko lang iyong keso..pumapait na ang panlasa ko. Naduwal na ako kanina sa gilid ng kalsada. At nang mapagtanto ang dahilan nito, saka ako tila nawalan ng dila. Hindi ako ganito dati sa keso, wala akong problema noon at nakakakain pa. Tapos ngayon..hindi ko alam ang gagawin. Nanginginig ang mga kamay ko. Nanlalaki ang ulo ko. Pakiramdam ko nga ay nawalan na ako ng gana sa mga gawain ko. Lumabas ako ng banyo pagkatapos kong patakan ng ihi ang tatlong pregnancy test kit na binili ni Lelet. Tatlo na raw para makasigurado sa hinala niya. Narinig niya iyon kay Bea isang beses. Malamang daw ay may ginagawang kababalaghan kaya nakagamit na no’n. At ako..anong klaseng kababalaghan ang nagawa ko? Hindi lang kababalaghan—kundi kalapastanganan! Yumuko ako at pumikit. Ayoko nang balikan ’yung PT sa banyo. Natatakot ako. Hindi ako irregular sa menstruation ko. At ito ang unang beses na ma-delay ang period ko. Natatakot na ako. Tila ako hahatulan ng bitay sa pakiramdam. Napaigtad na lang ako nang biglang magsalita si Lelet. “Oras na.” untag niya sa akin. Namumutla na ba ako? Ang bilis pa rin ng t***k ng puso ko. Nag-angat lang ako ng tingin sa kanya at umiling. Bumuntong hininga siya at naglakad papunta sa pinto ng banyo. “Ako na ang titingin kung gusto mo..” Kinagat ko ang ibabang labi at pinagsalikop ang mga kamay. Nagmistulan akong teenager na mabubuntis ng maaga at hindi alam ng magulang. Kung kailan pa ako tumanda saka pa ako nakaramdam ng ganito. Tumango ako sa kanya. Sandali niya akong pinagmasdan bago pinihit ang doorknob ng pinto. Napapikit ako ulit nang marinig ang langitngit ng pintuan. Kaunting tunog lang ang naririnig ko mula roon. Ang yapak ng tsinelas ni Lelet. Mas dumadagundong ang dibdib ko nang humaba ang segundo ay hindi pa lumalabas ng banyo ang kaibigan ko. Sinubukan kong mag-angat ng tingin sa kanya. Hayun, at nakatitig pa rin sa mga PT na nakahain. Papalit-palit ng tingin sa mga hawak at tila pinagtutugma. Nang lingunin niya ako ay wala akong makitang emosyon sa kanyang mga mata. Napalunok ako. Lumabas siya ng banyo at pinatay ang switch ng ilaw. Marahang nilapat ang pintuan. Humakbang siya palapit sa akin. Pinakita ang tatlong PT na nasa kanyang kamay. Tinuro ang mga linya. Bumuntong hininga siya. “D-dalawang linya..lahat, Royal..” hindi niya naitago sa kanyang boses ang kabado niyang dibdib. Napalunok ako ulit. Naguguluhan sa mga guhit na pula. “D-dalawang l-linya? A-anong ibig sabihin nu’n?” tanong ko pa. Binaba niya ang mga kamay at sinulyapan pa iyon. Pagkatapos ay nag-angat ng tingin sa akin. “Positive..” mahina niyang sagot sa akin. Ang boses ay naglalaro sa malungkot at kuryoso. Tinitigan ko ang kaibigan ko. Natatakot akong sulyapan ulit iyong PT sa kamay niya para bang sasakmalin ako ng katotohanan. Positive.. Positive.. hindi nagtagal ay bumalong ang luha sa mga mata ko. Napaawang ang aking labi. Positibo. Positibong may isang nilalang sa aking katawan. Postibong may nabuong sanggol sa loob ng aking katawan.. positibo..buntis ako.. Malakas akong napasinghap at nagtakip ng bibig. “B-buntis..a-ako..?” hirap kong sambit at muling nag-angat ng tingin kay Lelet. Binaba niya ang hawak sa lamesita at agad na tumabi sa akin. Kinabig ako at niyakap. “B-buntis ako, Lelet..buntis ako..!” takot na takot kong litanya sa kanya. Hinagod niya ang aking likuran. Sinusubukan akong patahanin o aluin. Pero alam kong wala namang bisa ngayon. Hindi ako makapaniwala sa nangyayari sa akin. “Hindi pa naman tayo hundred percent na sigurado, Royal. Bukas din ay pumunta tayo sa ospital para makapagpa-check up ka. ’Wag agad tayo magpadala sa tester kit na ’to..baka..baka ’di rin ’yan accurate.” Alu niya sa akin. Kung pampalubag-loob ba iyon, ewan ko. Gusto kong paniwalaan ang sinasabi niya sa akin. Sana hindi. Sana ay hindi pa ako buntis. Huwag ngayon na sobrang gulo pa ng buhay ko at mas lalong gugulo kung may nabuong bata. Na ang ama ay..pinsan ko pa! Tumayo ako at pumasok sa loob ng kwarto. Humiga ako at binalot ang kumot sa buong katawan ko. Umiyak ako nang umiyak hanggang sa wala na akong mailuluha pa. Hanggang sa matuyot ang mga mata ko at mamugto ang paligid nito. Mali na nga na may nangyari sa amin ni Quinn.. tapos ngayon, mabubuntis pa ko? Paano ang mga magulang ko?Ang Lola ko? Paano ko sasabihin na buntis ako at ang ama nito ay si Quinn? Sina Tito Carlos at Tita Andrea? Pandidirihan nila ako. At ang huling naiisip ko at itatakwil nila ako! Dahil nagpabuntis ako sa kadugo ko! Pero hindi ko naman alam noon. Minahal ko siya noong hindi pa namin alam ang lahat. Pero alam ni Quinn, ’di ba? Alam niya ang tungkol sa akin at nagawa pa rin niyang angkinin ako! Kasalanan niya! Paano ang pag-aaral ko? Papasok ba ako sa eskwelang malaki ang tiyan? Tatanggapin kaya nila ang isang tulad ko? Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Kung pwede lang takasan ang lahat. Kung pwede lang. Sa tagal ko sa kwarto ay hindi ko na namalayan ang pagpasok ng kaibigan ko. Umupo siya sa gilid ng kama. “Makakasama sa baby kung iiyak ka ng ganyan, Royal.” Paalala niya sa akin. Hindi pa man din kami nakakabisita sa doktor ay parang sigurado na siyang may bata nga sa tiyan ko. Pumikit ako at suminghap. Hinawi ko ang kumot at tiningnan si Lelet. Ang mukha niya ay nag-aalala pa rin sa akin. Bumangon ako at agad na hinawakan ang kanyang kamay. “K-kung sakaling buntis nga ako..” pinagmasdan ko siya. Hindi siya nagsalita at nanatiling nakatunghay sa akin. Hindi pa man ay naiiyak na naman ako. “I-ibibigay ko s-iya sa ’yo, Lelet.” Namilog ang mga mata niya sa akin. Napaawang ang labi. Nagimbal. “Ano ’yang sinasabi mo, Royal?!” Kinagat ko ang labi. Tinutusok ng patalim ang dibdib ko. Napapailing ako. “Hindi ko siya kayang alagaan, Lelet.. iniisip ko pa lang kung paano siya palalakihin at kapag nalaman niyang parehong Altamirano ang mga magulang niya.. hindi ko kayang..masaktan s-siya..” “Royal. Walang kasalanan ang batang ’yan sa mga nangyari sa inyo. Hindi pa man din napapanganak, pinamimigay mo na siya? Mas masakit pa ’yang binabalak mo kaysa ang sabihin sa kanya ang totoo..!” nagagalit na sagot niya sa akin. Nanghina ako at napayuko. “Anong gagawin ko.. ipagtapat sa kanyang..pinsan ko ang ama niya? Ganon ba? Kaya kong indahin ang bato sa akin pero..hindi ang sa batang ’to. Mas gusto ko pang iba ang kilalanin niyang ina kaysa ako. Wala akong kwenta, Lelet. Mahina ako. Hindi niya rin ako matatanggap!” napaiyak na ako ng malakas. “R-royal..” naiiyak na tawag sa akin ni Lelet. Pinunasan ko ang mukha at nag-angat ng tingin sa kanya. “Sa ’yo ko siya ipapangalan. Pero ako ang magbibigay ng mga pangangailangan niya, Lelet. Kung.. kung matatanggap din siya ni Garett..ipapaliwanag ko.. wala kayong dapat na alalahanin sa gastusin, magtatrabaho ako para sa kanya—” “Wala kang balak sabihin sa ama niya?” putol niya sa akin. Mariin kong nilapat ang labi at matigas na umiling. “Pero may karapatan din siyang malaman. Kayong dalawa ang magdesisyon nito,” Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. “Sabihin mo kaya sa kanya para hindi ka rin nahihirapan mag-isa..” payo niya. Umiling ako at pinatigas ang mukha. “Hindi na niya dapat malaman.” Mahina kong sagot. “Pero Royal ang sa akin lang—” “Okay lang, Lelet. Maghahanap na lang ako ng ibang pwedeng..pagbigyan—” “Hindi sa ganoon! Ang sa akin lang, si Quinn ang tatay niyan. Kung usaping pera, mas lalong kaya niyang panagutan ang bata. At kung paano aalagaan—dapat may part din siya dito. Anak niyo ’yan e. At hindi basta laruang pwede mong ipamigay pagkalabas. Kung nagawa niyang pakasalan ka kahit alam niyang magkadugo kayo, baka kaya niya ring panagutan ang batang nabuo niya. Mahal ka no’n.” “Hindi nga kami pwede! Paano ang set up namin? Magbabahay-bahayan kaming magpinsan at ang batang ’to?! Sina tatay? Ang Lola? Ang parents niya? Ang mga Altamirano? Matatalim na mga mata ang ibabato nila sa amin. Lalaking hindi normal ang bata. O baka nga..m-magkadiperensya siya dahil iisang dugo ang bumuo sa kanya.” “Paano mo nasasabi ’yan?” Natigilan din ako. Nanginig ang labi ko. “Hindi mo ba..kayang tanggapin ang bata?” masakit niyang tanong sa akin. Muling pumatak ang luha sa mga mata ko. Tumitig na lamang ako sa kumot. Batid kong ano man ang isangga ko sa kanya ay babalik din sa akin. Alam kong mali rin ako. “Mali bang iligtas ko siya sa kahihiyan..” sambit ko. Tinitigan niya ako. Bumuntong hininga at hinawakan ulit ang kamay ko. “Hindi ka nag-iisa. Nandyan ang tatay ng bata para tulungan ka,” mahinahon niyang sagot sa akin. Binalingan ko siya. “Hindi mo siya kilala, Lelet.” Nagtitigan kaming dalawa. Hanggang sa siya na rin ang naunang nag-iwas at saka tumayo. Bumuntong hininga siya at malungkot akong nilingon. “Sa sabado na lang tayo pumunta ng ospital. Sasamahan kita.” At saka na niya ako tinalikuran, lumabas na ng kwarto. Pagkaalis niya ay siya namang pag-agos ng masagana kong luha. Binuhos ang hinagpis ng puso ko. *** Kinabukasan ay naging normal ang lahat sa akin. Lalo na sa katawan ko. Sabay na kaming pumasok sa AC ni Lelet at siya man din ay pormal na pinakilala ni Tito Carlos sa marketing department. Naging maayos naman ang lahat. Nakikipagkwentuhan pa rin sa akin ang kaibigan ko pagkatapos ng nangyari kahapon. Basta raw huwag na akong umiyak nang umiyak. Baka raw mapano ang..bata. Pinagpatuloy ko ang pagso-sort ng file. Si Lelet naman ay pinag-encode sa computer. Marami iyon kaya pareho din kaming naging busy na dalawa. Nang matapos naman ako ay binigyan ako ng panibagong trabaho. May pina-research sila sa akin para sa binubuo nilang bagong campaign. Maglalabas kasi ng bagong packaging ang produkto ng AC. Kumuha rin sila ng bagong artistang endorser. Babae saka maganda. Usap-usapan pa nga sa opisina. “Good afternoon, everyone! Nagmeryenda na kayo?” agaw-pansing boses ng isang lalaki. Malaki ang boses niya kaya halos lahat ay napatingin. Tiningnan ko kung sino iyong dumating. Si Sir Euric pala. Siniko ako ni Lelet. Kuryoso sa bagong dating. “Sino ’yun?” nguso niya sa lalaki. Bahagya akong lumapit at bumulong. “Si Sir Euric Frago. Kasama raw sa board of directors..” sagot ko. Pero nang mag-angat ako ng mukha ay halos nasa tabi ko na agad iyong lalaki. Nakangiti sa akin. Sandali akong napatitig sa kanya. Ang ganda niyang ngumiti. Pang one-million dollar smile. Nang kumindat siya sa akin ay doon lamang ako natauhan at nagbaba ng tingin. “Good afternoon, Ms Altamirano. Meryenda?” aya niya sa akin. Napangiwi ako. “Royal na lang po..salamat..” sagot ko. Pinatong niya ang isang braso sa edge ng divider ng pwesto ko at mas tumunghay sa akin. Sa kanyang kabilang kamay ay hawak ang apat na boxes ng pizza. Namilog ang mga mata ko nang ilapit pa niya iyon sa akin. Ayaw ko no’n! May keso!! “Royal then. I brought you pizza guys, kain na muna kayo. Oh, hi there, bago ka rin?” sabay baling kay Lelet. Magalang na tumango naman ang kaibigan ko. “Opo, Sir.” Tipid niyang sagot dito. At nag-aalalang tiningnan ako. Simpleng kurot sa ilong ang ginawa ko para hindi niya mahalatang nababahuan ako sa pizza niyang dala. Pakiramdam ko ang halimuyak no’n ay sadyang dumadaan sa ilong ko. Ilang sandali pa ay umaakyat na ang likido sa lalamunan ko! Pinigilan ko na ang sariling mapaduwal at mabilis na tumayo. “Excuse me po.” Agad kong sabi. “What happened?” tanong sa akin ni Sir Euric. Tumabi naman siya at pinadaan ako. Hindi na ako nakasagot dahil malalaking hakbang ang ginawa ko para makarating agad sa comfort room. At nang makapasok naman ay halos mabalibag ang pinto sa lakas ng pagbukas ko. Mabuti na lang at walang tao. Dere-deretso ako sa bowl at sumuka na roon. Sumakit ang lalamunan ko. Puro mapait na tubig ang lumabas sa akin dahil hindi naman ako nakakain masyado kanina. Pawisan na ako paglabas ko sa cubicle ng banyo. Lumapit ako sa tapat ng salamin at pinagmasdan ang mukha. Nabura na ang lipstick ko kakapunas. Namumutla ang labi ko. Para akong antok na antok sa itsura. Stress siguro ito. Bumuntong hininga na lang ako at naghugas ng mga kamay sa gripo. Pabalik na ako sa lamesa ko nang makita ang isang pamilyar na pigura. Pamilyar na lapad ng balikat at taas. Pamilyar na tindig at buhok. Si Quinn! Bumulusok ang rapidong t***k ng puso ko. Iyong kulang na lang ay maduwal na naman ako sa labis na t***k nito sa dibdib ko. Ang suot niya ay kumpletong amerikana. Executive na executive ang dating. At..nakatayo siya tabi ng computer chair ko! Anong ginagawa niya rito? Hindi kaya..hinde! Walang magsasabi diyan kundi si Lelet lang at imposible ’yon! Nakatingin siya kay Euric na nagbababa ng paper plate na may lamang dalawang sliced ng pizza. Napangiwi na naman ako pagkakita ko pa lang sa kesong tunaw sa ibabaw ng mapulang sauce. Ni ayokong humakbang palapit doon. Pero hindi pwedeng hindi. Kaya ilang beses akong lumunok at suminghap ng hangin. Kaya ko ’to..kaya ko ’to..hindi pizza ang magpapatiklop sa akin. Nang tingnan ko ulit ang cubicle ko, namataan ko ang madilim na tingin ni Quinn kay Sir Euric. Habang ang lalaki ay namulsa pa sa harapan niya. Palihim akong pinalapit na ni Lelet. Nakatayo na rin at handang tumanggap ng ipag-uutos sa isa man sa dalawang ito. At nang makalapit ako ay agad na naburo sa akin ang matalim na mga mata ni Quinn. “Saan ka nanggaling?” may diin niyang tanong sa akin. Napalunok ako. Iyong mga mata niya..ang ganda pa ring pagmasdan. Kahit na hindi na iyon tumitingin nang may lambong kundi puro talim na lang. Siguro sa ibang tao o..babae.. Halos mapasinghap ako sa kirot na naramdaman sa dibdib. Tinuro ang dereksyon ng banyo. “Sa..sa CR lang,” Nagsalubong ang mga kilay niya kaagad. “Kanina pa ako nandito. Ano ang ginawa mo doon at nagtagal ka?” pagalit niyang tanong sa akin. Tumahimik ang buong department. Kahit si Ma’am Karen ay napalabas ng rin ng opisina niya at lumapit sa amin. “Ha..? A-ano...” nagtanda-utal-utal kong sabi. Tumawa si Sir Euric. “That’s her own business, Mr. Altamirano. Matagal talaga sa CR ang mga babae,” salo niya sa akin. Nilingon ako at kinindatan pa. “By the way, Royal, dinalhan na kita ng pizza. Baka kasi maubusan ka. Kain ka na.” aya niya ulit sa akin. Na ang buong atensyon ay nasa akin na rin. Tiningnan siya ni Quinn at nilipat sa paper plate na nasa lamesa ko. Binalik ulit ang tingin kay Sir Euric. Umiigting ang mga panga nang tingnan na ako. “It’s office hours at inuubos mo ang oras sa walang kwentang bagay. Ni hindi kita naabutan dito sa lamesa mo, pa’no kung ang chairman ang bumisita sa ’yo? Do you have any valid reason to cover up your negligence, Ms Altamirano?” madiin niyang sinambit ang tinawag sa akin. Halos mapaatras ako sa apoy na lumalabas sa mga mata niya habang nakatingin sa akin. Napalunok ako. Pumunta ba siya rito para bisitahin ako? Nilingon ko si Lelet. Nasa mukha na rin ang tensyon. “What are you saying, Mr Altamirano? Hindi ba siya pwedeng mag-CR o kumain man lang? As far as I know, hindi ganito ang trato ng Papa mo sa mga empleyado..” Madilim siyang binalingan ni Quinn. Pero kinagat ko ang labi nang maamoy ang keso mula sa pizza at..medyo nahihilo na rin ako.. “She’s not just an employee, Mr. Frago. She’s your future marketing director and I won’t tolerate her behavior inside the premises of AC. And as far as I know, hindi mo ’to departamento. Ano at nagawi ka rito? Para lang dalhan siya ng pizza? You think she can’t afford that? She can even buy shares in your company. Why are you wasting your time coming here? Not unless wala kang magawa at bored ka.” maangas niyang litanya rito. Narinig ko ang pagsinghap ni Ma’am Karen. “Men..cool down okay? It’s office hours come on..” nilingon niya ako at nginitian. “Go back to work, Royal.” Utos niya sa akin. Nanlalamig akong tumango at pinabayaan na ang titigan nina Quinn at Sir Euric sa isa’t-isa. Halos hindi na ako humihinga para lang hindi maamoy iyong pizza. Si Lelet man ay bumalik na rin sa ginagawa niya. “Mr. Frago..Mr. Altamirano..?” untag ulit ni Ma’am Karen sa dalawang lalaki na nagsusukatan pa rin ng tingin sa isa’t-isa. Tumikhim sa tabi ko si Sir Euric kaya napatingin ako sa kanya. Nagawa pa rin niyang ngitian ako. Bigla akong naawa sa itsura niya. “I think I have to go, Royal. Mainit yata ang dugo sa akin ng pinsan mo.” Biro pa niya. Nahihiya akong ngumiti sa kanya. “Salamat sa pizza, Sir Euric.” “No prob. Please enjoy,” sabi niya at saka na nagpaalam kay Ma’am Karen. Hindi na tiningnan pa si Quinn na halos durugin siya sa sama ng tingin. “May kailangan ka pa ba, Mr. Altamirano?” business tone ni Ma’am. Napaigtad ako nang may binagsak siya sa lamesa kong isang folder. Kumunot ang noo ko at nag-angat ng tingin sa kanya. “A-ano ’yan?” “Buksan mo at basahin. Dalhin mo sa akin pagkatapos mo.” Matabang niyang sabi at sabay talikod sa amin. Ni hindi man lang maayos na nagpaalam kay Ma’am Karen na napaawang ang labi. Napapikit ako at buntong hininga. Hindi pizza ang tatapos sa akin, kundi si Quinn! Pagkaalis ni Ma’am Karen ay napahilot ako sa ulo ko. “Okay ka lang? Akin na ’yang pizza mo at baka..alam mo na!” bulong sa akin ni Lelet. Pagod ko siyang nginitian at inusod sa kanya ang paper plate. Agad niya naman iyong inubos at tinapon ang lalagyan nang hindi ko na maamoy pa. Kumuha pa siya ng alcohol at nagpatak ng kaunti sa lamesa namin. “Salamat,” sabi ko sa kanya pagkaupo. Uminom siya ng tubig at bumuntong hininga. “Nahihilo ka pa ba? Bigla na lang kasi dumating si Sir Quinn dito at hinanap ka..” Tiningnan ko iyong folder na binaba niya at kinuha iyon. “May ipapagawa siguro sa akin.” “Talaga ba? Dadayo pa siya dito para utusan ka. Pero sabagay..trainee ka nila.” Isang beses ko siyang sinulyapan at tiningnan ulit iyong folder. Binuklat ko at nakita ang isang bond paper na laman no’n. Naka-stapler pa. Tinitigan ko ang limang salitang nakasulat doon. Ang kalabog ng puso ko..tila naramdaman ang mga salitang iyon. I still love you, babe. Matagal ako roong napatitig. Sulat-kamay niya iyon. Nang mag-init ang mukha at bumalong ang luha ko ay mabilis ko iyong sinara. Suminghap ako. Ilang segundo akong nag-isip bago tumayo at lumapit sa shredder na nasa tabi ng printer. Pinilas ko iyong papel at sinuksok doon. Pinanoood ko hanggang sa matapos ang pag-shred sa papel. Pagbalik ko sa upuan ay manghang nakatunghay sa akin si Lelet. Nagkibit-balikat na lang ako at pinagpatuloy na ang trabaho. *** Sabado ng umaga ay umalis kami ni Lelet para makapagpa-check up ako. Tumawag na muna kami sa mga magulang namin para sabihing next week na lang makakabalik ulit doon. Dinahilan na lang namin ang busy na schedule. Kabadong-kabado ako habang hinihintay ang resulta ng test. Pinaihi ako kanina. Tatawagan na lang daw ulit kapag magpapa-ultrasound na. “Ms Altamirano,” tawag sa akin ng nurse. Pareho kaming tumayo ni Lelet. Nanlalamig ako kaya sinamahan niya rin ako sa loob. Pinasadahan ako ng tingin ng babaeng doktor. Kinuha ang PT niya at tiningnan. Nginitian niya ako. “Positive dito.” Sabi niya. Napasinghap ako. Nagkatinginan kami ni Lelet. Malungkot niya akong nginitian. Tinawag na ako ulit para sa ultrasound. Gaya kanina ay kasama ko ulit ang kaibigan ko. Tinaas nila ang damit ko at tinapat doon ang aparatong pinahiran ng gel. Napatingin ako sa monitor na nakasabit sa itaas ng paanan ko. Pagkalagay sa tiyan ko ay agad na may lumabas sa screen. Black and white lang naman. At tila iniilawan ang loob ng tiyan ko. Napapalunok ako at nae-excite na rin. Kahit si Lelet ay nakatungo sa screen. Ginalaw-galaw ng doktora ang nilagay sa tiyan ko.. “It’s confirmed. You’re pregnant.” sambit niya habang nakatingin sa screen sa kanyang harapan. Nakagat ko ang ibabang labi. Si Lelet ay napatingin na din sa akin. “Kailan ka huling dinatnan?” tanong ng doktor sa akin. “Two months ago na po..” tapat kong sagot sa kanya. Sinabi ko rin ang exact date noong magkaroon ako. Tumango-tango siya. “Then the baby must be..eight weeks old now..ito siya oh? Itong mukhang bean na ito..” ginamit niya ang mouse para ituro sa akin ang maliit na oblong sa monito. Napatitig ako roon. Naiiyak na naman ako. Hindi pa siya nagiging tunay na sanggol pero nagagandahan na ako sa kanya. Ang payapa niya sa loob ng tiyan ko. Nagpapalusog. Samantalang ang kapalaran niya ay inihahanda ko na.. “You are really pregnant..” dagdag pa ng doktora. Dahil kanina ay sinabi kong gusto ko lang makasiguro. Sinabi niya sa akin ang range ng date kung kailan ako manganganak. Niresetahan niya ako ng vitamins at gatas na iinumin. Binigyan niya rin ang booklet tungkol sa pagbubuntis at libreng sample ng vitamins. Pinababalik niya rin ako for regular check ups. At pinaalalahan ako sa pagsusuka at hilo na parte naman daw ng pagbubuntis. Kahit ang pagkamuhi ko sa keso. Pati ang changes sa katawan ko sa mga susunod na araw. Tahimik kaming lumabas ni Lelet sa ospital. Naglabas siya ng payong dahil matindi na ang sikat ng araw. Huminto muna kami sa tapat ng convenience store. Doon sa tabi ng isang matandang namamalimos. Nakaupo sa malaking karton at hawak ang isang plastic cup. “Akin na ’yang reseta, ako na ang bibili sa pharmacy.” Untag sa akin ni Lelet. Ni hindi ko naalala ang pagbili nito kung hindi pa niya sinabi. Inabot ko sa kanya iyong reseta at naglabas ng pera. “Dito na lang ako, Lelet.” Mahina kong sabi sa kanya. Nilingon ko iyong loob ng convenience store. “Sige. Bumili ka muna ng makakain mo. Balikan na lang kita pagkatapos.” Tumango na lang ako at saka pumasok ng tindahan. Nasa harap ako ng mga tinapay pero natutulala pa rin ako. Inabot ko iyong crackers at mamon. Kumuha na rin ako malamig na tubig. Pagkabayad ko ay naupo muna ako at tumitig pa rin sa labas. Sa kalsada. Hindi ko ginalaw ang mga binili ko. Napalingon ako roon sa matandang tinataas ang plastic cup sa mga dumaraan. Sa kanyang karton na inuupuan ay nakalatag ang mga tinapay at mamisong nalimos niya siguro. Bumuntong hininga ako at tumayo ulit. Bumili ng kanin at ulam na nakalagay sa karton na box. Pagkabili ay lumabas ako ng tindahan at iniabot iyon sa matanda. Agad niya iyong kinuha at binuksan. Nanginginig ang mga kamay habang kumukuha ng pagkain. Nagpasalamat sa akin. Hindi ako kaagad na umalis sa tabi ng matanda. Ewan ko. Nakatingin sa ako sa kanya pero wala roon ang isip ko. Napatingin-tingin tuloy sa akin iyong matanda. “Mukhang may mabigat kang problema, hija..” Tila ako nagising nang magsalita ng ganoon iyong matanda. Bumuntong hininga ako at umupo sa bangkito niya. “Paano niyo po nasabi? Hindi niyo naman ako kilala.” Sagot ko. pinagdikit ang mga tuhod at tiningnan ko na lang ang daliri ko. Nilingon ako ng matanda. “Buntis ka ’no?” Nagtataka ko siyang nilingon. Tumango siya at sumubo ulit ng kanin. “Buntis ka nga.” Napabuntong hininga na lang ako. “Anong problema? Ayaw ka bang panagutan no’ng lalaki?” usisa niya sa akin. Napangiti ako. “Naku hindi po ganoon, Lola. Baka nga sapilitan pa niya akong kunin kapag nalaman niya ang tungkol sa a-anak namin..” “Oh ganoon naman pala e. Bakit hindi mo pa sabihin?” “Hindi po kasi pwede..” dahil magpinsan kaming dalawa. Labag sa batas. Labag sa mata ng tao. Labag sa Diyos. Napahinto sa pagsubo iyong matanda. “Kabit ka ba niya?!” tila naeskandalo pa ang itsura. Mas lalo akong napangiti. Umiling ako. “Hindi po.” Napailing siya. “Kayong mga kabataan talaga. Wala namang problema, ginagawang problema. Kung mahal mo, puntahan mo at kung mahal ka, palapitin mo. Tumataas na ang bilihin, ganyan pa kayo.” Napakunot na lang ako ng noo sa pag-iiba ng sinabi sa huli. Hindi na naman siya nagsalita ulit dahil namalimos na siya ulit pagkatapos kumain. Tumayo na ako at bumalik sa loob ng tindahan.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD