"Naku! Hindi talaga ako makapaniwala na sa isang iglap ay may malaking bahay na tayo." Emosyonal na sabi ni aling Delisia. "Salamat talaga nitong lahat-lahat Giby, kung hindi dahil sa'yo ay baka mamatay na lang kami na sa kubo pa rin nakatira." Pahayag ni mang Spen. "Huwag mo nang isipin iyan tay. Karapat-dapat naman kayong makatanggap ng blessings. Dahil napakabuti niyong mga magulang..." anito. SUMAPIT ang kaarawan ni mang Spen. May mga inihanda silang maraming pagkain at letson. Hindi pa kumakain ang mga ito dahil hinihintay pa nila ang pagdating ni Ula. Ang okasyon na iyon ay para lang sa kanilang buong pamilya. Ginagabi naman si Eula nang dating, sapagkat tinapos na niya ang kaniyang trabaho at naglinis rin siya sa bahay. Wala siyang kamalay-malay sa sa sorpresang naghihintay s