Napatakbo naman ito, patungo sa kanilang sala. Napailing-iling ito at umupo. "Naynay, pahingi ng tuwalya at bihisan please..." Boses nito na parang nahimasmasan na sa galit. Dali-dali namang kumuha ng bihisan si aling Delisia. Isang maikling short at sando ang inabot ng kaniyang naynay. Sapagkat iyon lang ang kaniyang nakita. "s**t!" Sigaw ng isip ni Giby, nang makita niya ang suot ni Ula. Pakiramdam niya ay biglang uminit ang kaniyang buong katawan. Sobrang seksi kasi nito at talagang may alindog. Kahit hindi matanggad, ngunit ma-appeal naman. "Magpigil ka boy... magpigil ka..." utos niya sa kaniyang sarili. Hanggang sa nagyaya na si mang Spen na kakain na sila ng hapunan. "Anak, ikaw na ang magdasal," utos ng kaniyang ama. "Okay Tay..." tugon niya at agad nagdasal. "Dear Lord,