Tumakbo si Eula patungo sa kuwarto ng kaniyang boss at dali-dali itong pumasok sa loob ng kabinet. Buti na lang ay maliit siya kaya nagkasya ito. "Humaygad... muntik na ako doon, ah. Ito naman kasi si sir Giby! Nagsisinungaling pa, kaya ako tuloy ang naiipit. Haist! Pagka... na lang talaga!" Pagmamaktol niya sa loob ng kabinet. Matagal ang mga ito sa sala at nakatulog si Ula sa loob ng kabinet. Na ang buhok niya ay nakatakip sa kaniyang mukha. Tiniis ang gutom at init sa loob... upang suportahan ang kasinungalingan ng kaniyang boss... Nang makaalis ang mga bisita ay agad namang pumasok si Giby sa kaniyang kuwarto, upang mag-shower. Wala sa isip niya ang pagbukas ng kabinet, para sana kumuha ng tuwalya. "Holy...Shit!" Bigla siyang napamura at tumalon sa kaniyang kama. Dahil sa pagbukas