Tinawagan ni Ula ang boss sa kaniyang landline, ngunit hindi ito sumasagot. Sinubukan rin niyang tawagan sa phone at ganoon pa rin. "Ay! Grabe naman sir, paano ba 'to? Ihing-ihi na ako, haisst! Ang tanga-talaga!"Inis niyang turan sa sarili. Naisipan niyang puntahan na lang ang kaniyang boss sa itaas, sapagkat sa inisip niya ay baka tulog ito. Ang hindi niya alam ay pinagtatawanan lang pala siya ng kaniyang boss. Dahil nasa kaniya ang susi at sinadya niyang hindi sagutin ang mga tawag nito, dahil trip lang niya itong asarin. Nasa sala siya at hinihintay na aakyat si Ula, dahil malakas ang kaniyang kutob na papanhik ito. Kumatok si Ula pinto. "Sir Giby, nandiyan ka ba sa loob?" tanong nito sa mahinang tinig. Nang marinig niya ang boses ni Eula ay dali-dali siyang humiga sa upuan at n