Naghihintay ako sa pagbalik nang manager ko sa loob ng van ko nang biglang nag-text ang kapatid ko sa akin.
Ang bagal naman kasi!
May taping pa ako nito eh, mahuhuli pa ako sa call time ng taping ko. Nasa set pa kami nang isa ko pang ginagawang teleserye, busy akong tao kaya wala akong oras sa okasyon nasisingit ko lang sila kapag hindi hectic ang schedule ko.
Calling..
Liam: Bro, anong meron?
Zhang: Sama ka sa pamamanhikan ko asawa ko.
Liam: ...
Zhang: Cheng, importante sa akin ang papamanhikan ko sa hipag mo.
Liam: Kailan ba 'yan, bro?
"May next taping pa ba ako pagkatapos ng pupuntahan natin?" pagtatanong ko sa personal assistant ko na nakaupo sa likod ko.
Zhang: Mamaya, bro, ngayon lang walang trabaho ang magulang natin.
"Mall show, Liam." sagot ng personal assistant ko sa akin mula sa likod ko.
"Pwede ba, i-cancel ang mall show ko?" pagtatanong ko na lang alam kong naririnig 'yon ng kapatid ko.
Liam: Mga anong oras, Zhang?
Zhang: Dinner, Cheng pumayag ang magulang natin dadalawin ko ang mag-ina ko dun.
Hindi sila nagsasama as family dahil tutol ang magulang ko sa asawa ni Zhang kahit parehas kaming chinese.
"Hindi pwede, Liam." sagot ng personal assistant ko sa akin.
"Anong oras matatapos ang mall show?" pagtatanong ko habang kausap ko ang kapatid ko.
"5pm," sagot kaagad ng personal assistant ko kinausal ko kaagad ang kapatid ko.
Liam: Anong oras ang pagpunta sa bahay ng pamilya ng asawa mo?
Zhang: 7pm, Cheng, may oras ka pang magpahinga traffic lang sasagabal sa pag-uwi mo.
Liam: Ay, pwede bang hindi ako makasama?
Zhang: Ano ka ba, lahat tayo pupunta sa kanila.
Liam: Alanganin akong nakakauwi, Zhang nang maaga.
Zhang: Hihintayin ka namin, bro mahuhuli din nang uwi ang kapatid natin.
Liam: ...
Zhang: Anniversary din namin at birthday bukas ng pamangkin mo.
Liam: ...
Nabaling ang tingin ko sa labas ng van tumitingin ako kung pabalik na ang manager ko.
Zhang: Liam Cheng!
Liam: Susubukan kong humabol, Zhang.
Zhang: Okay, bro, nasaan ka ba ngayon?
Liam: Papunta ako sa next taping ko.
Zhang: Naka-istorbo pa kita.
Liam: Hindi, Zhang.
Zhang: See you later.
Nawala na sa kabilang linya ang kapatid ko at binaba ko na rin ang cellphone ko pinatong sa bulsa nasa likod ng upuan sa harap.
"Ano ba ang ginagawa ni manager? Paki-kontak na." pang-uutos ko sa personal assistant ko nang lumingon ako.
"Sige, Liam, ang alam ko kausap niya ang management kaya ganyan." nasabi ng personal assistant ko sa akin kumunot naman ang noo ko.
Tumagilid naman ako nang upo at bumaling ang tingin ko sa kanya.
"Anong dahilan ni manager para kausapin niya ang management? Wala siyang nababanggit sa akin." sagot ko na lang nakita ko ang pag-iling niya at na-gets ko na ang pag-iling niya.
Tinawagan ko ang manager ko dahil, bakit wala akong alam sa nangyayaring pag-uusap?
Calling...
Manager: Hello?
Liam: Mahuhuli na ako sa taping ko.
Manager: May kausap pa akong importanteng tao, Liam, nakausap ko na director natin dun pagkatapos nito sa mall show na ang punta natin.
Liam: Ano? Wala akong kaalam-alam na kinansela mo ang taping ko! Tapos, sino ang kausap mo? Dapat may alam ako, talent mo ako.
Manager: ....
Liam: Manager pa ba kita sa lagay na 'yan?
Manager: Oo, alaga pa rin kita pero, hindi ito tungkol sa'yo.
Liam: Ano? Ako lang ang alaga mo, naghanap ka pa ba nang iba?
Manager: Oo, hindi lang ikaw ang talent ko alam mong nagbukas ako ng workshop para sa katulad mo, Liam kailangan ko maghanap ng ibang talent na may talento.
Liam: ....
Manager: Umuwi ka muna sa cond mo.
Liam: Hindi ako uuwi hangga't hindi tayo nag-uusap, alam mo na ayoko na may kasama sa bawat lakad ko nirekomenda ni Zhang dahil dati ka niyang manager.
Manager: Okay, saglit..
Liam: ...
"Si Liam ba 'yan?" tanong ng isang boses sa kabilang linya.
"Yes, sir si Liam ang tumawag." sabi ng manager ko sa akin.
"Sabi mo sa akin, alam niya ang tungkol dito?" narinig kong sabi ng boses sa manager ko.
Huli ka!
Liam: Manager, mamaya na lang tayo mag-usap.
Sumenyas ako sa personal assistant ko na tumahimik para marinig namin ang pag-uusap.
Manager: Sige.
"Ang hindi ko lang nasabi sa kanya na kakausapin ko kayo ngayon," narinig pa naming sagot ng manager ko sa kausap niya.
"Kailangan niya pa rin 'to nalaman kahit may isa ka nang nahanap na talent, kung hindi dahil sa kanya wala ka sa kinalalagyan mo ngayon." narinig naming sabi ng boses sa kabilang linya.
"Sorry, sir." sagot ng manager ko.
Liam: ....
"Ay, s**t!" pagmumura ng manager ko sa kabilang linya at tuluyan nang nawala ang narinig kong boses.
"Manahimik ka baka nakipag-daldalan ka dyan, iba na 'to," utos ko sa personal assistant ko.
Bumaling naman ang tingin nito sa akin at sumaludo bigla sa harap ko.
"Oo, Liam may limitasyon din ang ka-daldalan ko." nasabi na lang ng personal assistant ko umayos na lang ako ng upo.
Napalingon kami nang bumukas ang pintuan ng van at bumungad sa amin ang manager ko. Umupo siya sa dulo malapit sa bintana at lumingon pa siya sa akin.
"Dalawa na kayo na aalagaan mo, oo, may isa na akong talent." sabi ng manager ko sa akin.
"Hindi ko naman nakitang may kasama kang lumabas," sabi ko dahil totoo naman ang sinabi ko sa kanya.
"Pamangkin ng isa sa management ang bago kong alaga, tanda mo si Rea Duello?" banggit niyang sabi sa akin natahimik naman ako.
Nakilala ko 'yong sinasabi niya nang magkita kami sa workshop niya nang matapos ang taping namin.
"Siya ang makakasama ko sa bawat lakaran?" tanong ko sa kanya.
"Hindi, Liam iba na ang level mo sa kanya kahit may kilala siyang mataas ipaparanas ko sa kanya ang simula nang career niya may yabang sa ulo akala niya sikat na siya kaagad kilala siya bilang artista." nasabi ng manager ko sa akin inirapan ko na lang siya.
"Ikaw ang bahala," sagot ko na lang sa manager nawalan ako ng tiwala sa kanya mula nang malaman ko ang ginawa niya.
Umalis na kami ng mga kasama ko nang bumalik ang manager ko.
"Hindi na lang ako pupunta sa mall show, nakaka-disappointed ang ginawa mo, manager pinagka-tiwalaan kita sa career ko pero iba na ang motive mo," bulalas ko sa manager ko natahimik naman siya bigla.
"Saan ka ngayon?" pagtatanong ng manager ko bigla nang mapansin kong nakatingin siya.
"Family dinner," sagot ko na lang sa manager ko.
"Sabi mo, wala kang balak umuwi sa inyo?" tanong ng manager sa akin humalukipkip ako namg kamay.
"Kailangan ako sa pamamanhikan ni Zhang sa asawa niya," bulalas ko na lang at napansin ko na nag-titili ang dalawang kasama ko sa sinabi ko.
"Yes! Sa 15 years, na nagsama sila—hindi nga pala dahil tinakwil ng magulang mo ang hipag mo dahil hindi nila ito gusto para sa kapatid mo." pahayag ng manager at kaagad kong sinita ang katabi ko.
Walang nakakaalam tungkol sa tunay na estado ng kapatid ko kundi kami ng pamilya ko at ang manager ko na dating manager ng kapatid ko.
"Ay.." nasabi na lang ng manager ko at napapailing na lang ako sa pagtapik niya sa labi.
"Minsan ang ka-daldalan nilulugar," nasabi ko na lang sa kanila at kinuha ko ang cellphone ko para magsabi na-cancel ang gagawin ko.
Pina-deretso ang driver namin sa mansyon ng pamilya ko.
"Mama! Papa! Zhang—mga bro?" tawag ko nang makarating kami sa mansyon nang bumaba ako sa van pinalabas ko sa driver ang gamit namin.
Bumungad sa amin ang katulong at nagtanong ako kaagad.
"Nasaan sila Mama at Papa?" tanong ko kaagad sa katulong namin.
"Umalis na, sir para sa family dinner sumunod na lang daw kayo sa kanila." sabi ng katulong sa akin at nagpaalam na ang dalawang kasama ko.
Umakyat kaagad ako para pumunta sa kwarto dala ko ang gym bag maliban sa ibang dala ko inutusan ko ang katulong na sumunod sa kwarto.
Nakatanggap ako ng text mula sa kapatid ko nasa bahay na sila nang hipag ko alam ko naman kung saan 'yon kaya okay lang na magpunta ako mag-isa sa kanila.
"Paki-handa ng sasakyan ko sa garahe, aalis din ako," pahayag ko sa katulong na nilalagay sa tabi ang dala kong gamit.
"Sige, sir." sagot kaagad ng katulong sa akin at lumabas na nang kwarto ko.
Namili ako ng susuotin kong damit 'yong casual na damit na hindi ako mukhang seryoso sa buhay. Nang matapos ako maligo lumabas na ako ng banyo nakatapis lang ako at sinuot ko na kaagad ang underwear ko at damit na pang-alis kasama na ang rubber shoes ko.
Perfect!
Napangiti na lang ako nang makita ko ang sarili ko sa salamin. Inayos ko lang ang cellphone at ang wallet ko at nilagay ko sa maliit na bag.
Lumabas na ako nang kwarto at tuloy-tuloy na bumaba ako palabas ng mansyon inabot sa akin ng driver ang susi ng sasakyan ko.
"Ingat, sir!" sabi ng driver sa akin at tinaas ko na lang ang kamay ko.
Pinaandar ko na ang sasakyan ko nang sumakay ako at binuksan ng katulong ang malaking gate wala kaming security guard. Pumunta na ako sa bahay ng hipag ko nagsuot ako nang salamin sa mata.
Medyo malabo na ang mata ko nagsusuot ako ng contact lense kapag nasa taping ako.
Nang makarating ako sa bahay pinarada ko sa tabi ng sasakyan ng kapatid ko ang sasakyan ko nang matanaw ko.
Nang bumaba ako may mga tumiling mga tao kaya naglakad na lang ako nang mabilis sa tangkad ko makakapasok na ako sa loob ng bahay.
"Hey..." banggit ng isang boses napalingon ako at nakita ko ang hindi katangkaran na babae.
"Hey," banggit ko at tinulak niya ako papasok sa loob ng bahay nang hipag ko.
"Hindi ka talaga nag-disguise?" nabanggit ng babae na hindi ko kilala.
"No, wala ako sa trabaho," sagot ko at sumunod ako sa kanya sa loob ng bahay.
"Sikat ka kaya," sagot nito at mabilis na tumalikod sa akin.
Naabutan ko ang pamilya ko na nakikipag-usap sa pamilya nang hipag ko lumingon sila nang tawagin nila ang nasa harap kong babae.
"Xu, saan ka galing wala kang trabaho ah?" narinig kong sabi ng matandang babae nasa tingin ko Mama nang hipag ko.
Xu?
"Tumambay lang ako sa labas, at saka nakita ko siya, Ma na tinitilian ng mga kapitbahay natin," sabi nito at nagpaalam na may gagawing importante.
Nang napag-planuhan na ang kasal ng kapatid ko naging busy na kami nagpaalam ako sa management na mag-aabsent ng dalawang linggo para sa kasal ng kapatid ko ninong sa kasal ang manager ko.
Sa hotel na kami pinatuloy muna ng kapatid ko para dun na kami magpalit ng damit na susuotin namin sa kasal nagpupunta lang ang designer ng damit namin, makalipas ng isang linggo paghahanda ito na ang araw ng kasal nang kapatid ko.
"Punta muna tayo sa ibaba, bro." pag-aya ng kasama kong abay sumang-ayon na lang dahil naiinip na ako sa oras nang pananatili namin sa kwarto.
"Sige," sagot ko at naglakad na kami palabas ng kwarto may nakasabay pa kaming dalawang babae na sa tingin ko abay din.
"Hi, kuya Liam!" bati ng babae sa akin hindi na lang ako nagsalita at lumingon ang katabi nitong babae.
"Hi!" bato ko na lang sa babae.
Ang babaeng kapatid ng hipag ko at nakita kong umiwas siya nang tingin.
"Ang ganda nila," pahayag ng katabi ko at lumakad na kaming dalawa.
Umorder kaming dalawa nang milk tea at nakarinig kami nang tilian napatingin kami sa likod.
"Gosh! Ang tangkad nila at lalo na si Liam ang tangos ng ilong at ang haba ng buhok." narinig naming sabi ng mga babae.
"Celebrity tayong dalawa pero, mas sikat ka lang." sabi ng katabi ko natawa na lang ako sa inasta.
"Yeah, pero hindi lang kasi ako sikat," sagot ko sa katabi ko at hinayaang akbayan niya ako sa balikat.
"Sabi mo eh," sagot na lang niya sa akin.
May lumapit sa amin na organizer at sinabihan na aalis sa hotel para magpunta sa simbahan. Naglakad na kami pabalik sa hotel room namin at iniinom ang binili naming milk tea nang makabalik kinuha ko ang cellphone ko sa gilid ng kama hinigaan ko.
Lumabas na kaming dalawa sa kwarto at muling bumaba lumakad na kami palabas ng hotel tinuro ng organizer ang sasakyan namin. Binuksan ko ang pintuan ng van bumungad sa amin ang mga babaeng abay na biglang tumili napatakip ako ng tenga.
Pumasok kami sa loob wala kaming magagawa sa mga katabi namin. Bumukas ang pintuan at napalingon ako at nakita ko ulit siya kasama nang babaeng bumati sa akin kanina.
"Nakakainis! Ang ingay, manong pakilakas ang ang aircon." tawag pansin ng babae sa driver at tumango lang ito.
"Parang hindi nakakakita ng artista, ano, ate." sabi ng babaeng bumati sa akin napalingon siya sa amin.
Natahimik naman ang katabi namin alam kong sila ang pinaparinggan ng mga nag-uusap.
"Sinabi mo pa, hi, Xu!" bati nito at ngumiti na lang ako kilala nang makita ko siya.
Iba ang tingin ko sa kanya mula nang makita ko siya sa bahay ng hipag ko. Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko at hindi na ako umimik kahit gusto akong kausapin ng katabi kong babae.
Nang makarating kami sa simbahan bumaba na ang lahat sa van. Umismid na lang ako nang mapansin may lumapit sa kanya na lalaki.
"Sayang parang taken na," sabi ng kasama kong abay sa tabi ko.
Sinundan ko nang tingin ang tinitignan niya at tatlong babae ang magkakasama at isang lalaki tinawag na kami nang organizer.
"Pumila na kayo," sagot ng organizer sa amin at lumakad na sila sumunod kami napatingin ako sa harap namin nang mag-tawanan kami.
"Bolero," narinig kong boses hindi pwede ako magkamali nakaramdam ako ng kakaibang naramdaman.
"Matunaw si Xu," banggit ng katabi kong abay.
Hindi na lang ako nagsalita at naglakad kami nang marinig ang pagkanta ng singer hudyat nasa labas na ang bride.
"Congrats, bro." bati ko sa kapatid ko kasama nang pamilya ng hipag ko ang pamangkin ko.
Dahil sa ganitong set-up nila hindi naging close ang pamangkin ko magulang ko maliban sa akin at sa kapatid ko dinadalaw ko ito sa bahay at hindi kami nagkikita ng kapatid nang hipag ko.
Kinawayan ko ang pamangkin ko pagkatapos tumingin sa kanya—kay Xu 'yon lang ang alam kong pangalan nito.
Bumalik ang tingin ko sa harapan ng altar at bumuntong-hininga na lang ako bago nagsalita ulit ang pari.
"Ako, si Yuan Xiulan, isang babaeng nagmahal ng katulad mo kahit tutol noong una ang pamilya mo sa akin nakita naman nila na tunay ang intensyon ko sa'yo at nang dumating ang kanilang apo nagbago ang kanilang pananaw, salamat tinanggap mo ako sa buhay mo hindi bilang ina nang magiging anak mo kundi, tunay ang nararamdaman mo sa akin, wo ai ni, wo ai ni he women de erzi." sabi ng hipag ko sa kapatid ko hindi naman ako nakapagsalita nakikinig lang ako sa kanilang vow.
(I love you, I love you and our son.)
Ako, si Cheng Zhang Wei, ang lalaking sobrang nagmahal sa babaeng kaharap ko ngayon tutol man ang magulang ko sa'yo ipaglalaban kita dahil ikaw ang gusto ko makasama habangbuhay at bumuo nang pamilya, wala akong pakialam kung ano ang sabihin nila sa'yo o siraan ka nila sa akin dahil sa'yo ako maniniwala at hindi sa ibang tao, mahal na mahal ko kayo ng mga magiging anak natin." garalgal nasabi ng kapatid ko sa hipag ko narinig ko na umiyak ang Mama ko at inalo siya ni Papa na hindi umimik sa sinabi nila.
Nang matapos ang vow nila nagsalita ulit ang pari nakaupo lang ang lahat at nakikinig sa sinasabi ng pari. Lumingon ako sa pwesto ng mga abay napag-masdan ko siya na seryoso ang mukha kinawayan ako ng mga babaeng abay at bumalik ang tingin ko sa harap.
"You may now kiss your bride," sagot ng pari sa dalawang bagong kasal.
Nang matapos ang kasal nag-palakpakan ang lahat kasama na ako. Tinawag kami nang photographer para sa picture taking nang bawat pamilya at bisita napatingin ako sa kanya nang hindi ko maiwasang mapalingon.
Tumikhim na lang ako sa nakikita ko at nagpaalam na sila ng kapatid niya sa dalawang bagong kasal.
"Liam, sabay ka na sa amin." tawag ng kapatid ko at tumango na lang ako.
Nang matapos ang picture taking lumakad na kami palabas ng simbahan. Naabutan kong nakatayo na sila sa gilid tumayo na rin kami nang kaptid ko at hinagisan ng ibang abay nang bulaklak ang bagong kasal na nag-halikan sa gitna nang pintuan.
"Tara na," sabi ng kapatid ko at sumunod na ako sa kanila lumingon pa ako bago sumakay sa sasakyan.