12 years ago
Nagbibihis ako nang may kumatok sa tinutuluyan naming hotel.
"Barbie, bumaba na daw tayo sabi ni Mama." narinig kong tawag ng pinsan ko mula sa likod ko nakita ko siya sa salamin na katapat ko.
"Handa na si ate?" pagtatanong ko sa pinsan ko nang lumingon ako.
Tumayo na ako sa inuupuan ko at hinawakan nang pinsan ko ang laylayan nang suot kong dress. Abay ako sa kasal ng kapatid ko naging maid of honor ni ate ang matalik niyang kaibigan nag-react pa nga si mommy sa desisyon ni ate dahil sa aming tatlong magkakapatid siya lang ang nagbago ng desisyon.
Malapit kaming magkakapatid daig pa namin ang magkakaibigan pero alam ko kung saan ako lulugar kapag kababata na ang namagitan matagal nang hindi nagkita sila kaya pumayag ako na hindi tanggapin ang pagiging maid of honor.
"Oo, handa na si ate," sagot niya sa akin at naglakad na kami palabas ng room hotel.
Nasalubong pa namin ang kapatid ng magiging bayaw ko sikat na artista si Liam Yang.
Crush ko siya pero, alam ko ang limitasyon ko dahil mas matanda siya sa akin ako na ang umiiwas parehas kami nasa larangan ng showbiz mas nauna lang siya sa akin.
"Hi, kuya Liam!" bati ng pinsan ko umiwas naman ako nang tingin mapansin kong babaling ang tingin niya sa akin.
"Hi!" bati niya at siniko ko na lang ang pinsan ko nagpapa-cute siya kay kuya Liam.
"Mahuhuli na tayo," bulong ko sa pinsan ko at nagpaalam na nga siya sa mga kasabay namin.
Nagpunta muna kami sa kwarto ng kapatid ko at bumungad sa amin ang magulang ko at si ate na nakatayo na kaagad ko siyang niyakap.
"Gongxi, jiejie!" pagbati ko sa kapatid ko nang matapos ko siya yakapin at bahagya na akong lumayo.
(Congrats, ate!)
"Xiexie ni, Xu." nakangiting sabi ni ate sa akin at napailing ako nang makita ko ang kasiyahan sa mukha niya.
(Thank you,)
"Ma, pangit na si ate kasal pa naman niya." pagbibiro ko sa kapatid ko dahil lumuha siya masaya ako para sa kanya dahil nakita na niya ang lalaking mamahalin siya nang habangbuhay.
"Gaisi de ni!" kaagad nasagot ni ate sa akin at natawa na lang.
(Damn you!)
"Aalis na kami ni pinsan dumaan lang kami para batiin ang napakaganda kong ate, dahil alam ko pagkatapos nito hindi ka na sa bahay natin uuwi." nakangiti kong sagot at inakbayan ako nang magulang ko.
"Ikaw, huwag ka kaagad sumunod sa ate mo, career mo muna ang atupagin mo." paalala ni Papa sa akin at tumingala ako sa kanya.
"Papa, bata pa ako.." sabi ko na lang sa Papa ko na binatukan ni Mama.
"Hoy, huwag mo asar-asarin ang anak mong babae, at huwag kang gagawa ng ikakasira ng relasyon mo sa mga anak mo." paninita ni Mama kay Papa at nilingon ko sila.
"Bu, wo buxiang chongfu women de fumu dui women suo zuo de shiqing, ruguo women bu zhishi zhui ru aihe, tamen buzai zhege shijie shang." narinig naming sagot ni Papa kay Mama nagka-tinginan kami ng ate ko at nang pinsan ko.
(No, I don't want to repeat what our parents did to us if we didn't just fall in love, they weren't in the world.)
"Kaya nga, kahit hindi natin nagustuhan ang magiging asawa niya pero, nakita nating masaya siya sa lalaki hahayaan natin may apo ka na sa kanila, mahal nauna pa ang honeymoon sa kasal," sagot ni Mama kay Papa napangiti ako 'yon ang kaibahan nila sa katulad naming Chinese.
Hinahayaan nilang umibig ang pamilya namin maliban sa panahon nila Mama at Papa.
"Ate, aalis na kami ni pinsan magkita na lang tayo sa simbahan." paalam ko sa ate ko at yumakap na lang ulit ako sa kapatid ko.
"Sige, ikaw muna bahala sa pamangkin mo." sagot ni ate sa akin at tumango na lang ako.
Lumabas na kami nang pinsan ko sa hotel room ni ate at naglakad palabas ng hotel. Bumungad sa amin ang mga nakaparadang sasakyan para sa mga abay.
"Ate, saan kami sasakay?" tanong ng pinsan ko sa nakatayong babae lumingon ito sa amin.
"Kayo ba ang mga abay sa kasal ng kapatid ni Mr. Liam Yang?" tanong ng babae na kaagad tinanguan ng pinsan ko.
Tinuro nito ang sasakyan at lumapit kami at binuksan bumungad sa amin ang mga abay na babae at lalaki.
"Kasama natin si kuya Liam," kinikilig niyang sabi natanaw ko ang sinasabi niya nakita kong tumingin ito sa amin.
Sumakay na kami dinedma kami ng ibang abay na babae dahil ang ginagawa nila magpapansin sa mga artista.
"Salamat po," sabi ko sa isang babae na abay sa kasal kaibigan ni ate noong high school.
"Nakakainis! Ang ingay, manong pakilakas ang ang aircon." tawag pansin ng kaibigan ni ate sa driver at tumango lang ito sa amin ng pinsan ko.
"Parang hindi nakakakita ng artista, ano, ate." sabi ng pinsan ko napalingon siya sa amin.
"Sinabi mo pa, hi, Xu!" bati nito sa akin at ngumiti na lang ako kilala niya kasi ako na mahiyain.
"Hi, ate." sagot ko.
"Ganyan talaga ang mga malantod, girl sila na 'yong nagpapansin alam mo ba na 'yong mga katulad namin ng kapatid ni Xu, iba.." nasabi nito sa amin.
Totoo 'yon, si ate kahit may mga offer sa showbiz hindi niya tinanggap dahil mas priority niya ang pangarap niya.
Ako, half-half din talaga naging home study ang routine ko sa pag-aaral mula nang pasukin ko ang mundo nang showbiz.
Hindi kaagad pumayag si Mama sa gusto kong home study, naalala ko tuloy ang pag-uusap namin sa kwarto ko.
"Ni bixu qu zhenggui xuexiao, anak," sabi ni Mama sa akin nang mapalingon sa kanya pagkatapos ko iligpit ang mga damit ko sa cabinet ko.
(You must go to regular school.)
Tinabihan ko si Mama pagkatapos ko isara ang pintuan ng cabinet.
"Ruguo wo de mengxiang shoudao yingxiang, wo gai zenme zuo ne, Mama?" banggit ko sa Mama ko napatingin ako sa mga mata niya.
(How can I do that if my dreams are affected.)
Hinawakan niya ako sa kamay at naramdaman kong pinisil niya ang kamay ko.
"Nagsisimula ka pa lang dyan, kapag alam mong hindi ka na sumisikat o alam mong iba na ang gusto ng mga fans mo, mag-lie low ka na kung kaya mong pag-sabayin ang dalawang career na gusto mo tahakin at gawin nasa likod mo lang kami nang pamilya mo, kung hindi mo kaya, mamili ka sa dalawang bagay na ito." naalala kong sabi sa akin ni Mama bago naging ganito ang buhay ko.
"Shi de, Mama, wo zhen de bu ying gai yongyuan zai zheli," sagot ko sa Mama ko.
(Yes, Mama, I really shouldn't be here forever.)
"Tulala ka na, pinsan nandito na tayo." tawag pansin ng pinsan ko sa akin at bumalik ako sa realidad.
Binuksan ng abay na lalaki ang pintuan at pina-una niya kami at sumunod ang mga babaeng hanggang ngayon kinikilig pa rin yata sa mga kasama naming artista.
Naglakad na kami papunta sa loob ng simbahan at tinawag nang organizer ang mga katulad kong abay at mga bata kasali sa kasal.
Kasunod ako nang maid of honor at kaibigan ko ang kasama ko na kaibigan ng kapatid ko.
"Nag-iba ang mukha mo mas lalo ka pang gumanda, Yuan..." panimula ng kaibigan ko.
Hinampas ko ang kaibigan ko sa braso at natawa kaming dalawa.
"Bolero," nasabi ko na lang sa kaibigan ko.
"Totoo naman, Yuan kababata mo ako kaya alam ko na maganda ka kahit suplada ka." sagot nito sa akin sinimangutan ko na lang siya.
Pinapila na nang organizer ang mga bata sa unahan at kasama ang maid of honor.
"Baka nandyan na ang ate mo," bulong ng kaibigan ko sa tenga ko nang inayos na rin ang pwesto ng groom.
"Baka.." sagot ko na lang.
Hindi namin pinansin ang taong tumikhim sa likod namin at narinig namin ang simula nang pag-tugtog at pagkanta ng singer sa gilid ng simbahan.
Naglakad na kami papunta sa harap at nang pupunta na ako sa pwesto ko. Nakita ko si kuya Liam na nakatingin sa akin kaagad akong umiwas nang tingin.
Umiwas kaagad ako nang tingin at umupo na sa pwesto ko.
"Ano 'yon?" tanong ng pinsan ko sa tabi ko napalingon ako sa kanya.
"Anong ano 'yon?" tanong ko naman sa pinsan ko nagtataka ako.
"Hindi mo ba napansin?" bulong nito sa akin at napa-titig ako sa kanya.
"Ano ba ang napansin mo na hindi ko napansin?" tanong ko tumayo kaming lahat nang magsalita ang pari.
"Si kuya Liam, ang sama nang tingin sa kaibigan mo at sa'yo, pinsan may tinatago ka ba?" pagtatanong nito sa akin.
Tumaas naman ang kilay ko sa sinabi niya at umiling ako.
"Wala akong tinatago, kilala mo ako." sagot ko.
Tumitig pa sa mata ko ang pinsan ko tumahimik lang siya nang magsalita ang pari.
"May tutol ba sa kasal na 'to?" pagtatanong ng pari sa aming lahat.
Lahat ng tao sumigaw na wala except ako dahil kasama ang pinsan ko napalingon ako nang makaramdam ng kakaiba nakita kong nakatingin sa akin si kuya Liam.
Bumalik ang tingin ko sa harapan ng altar at bumuntong-hininga na lang ako bago nagsalita ulit ang pari.
"Ako, si Xu Yuan Xiulan, isang babaeng nagmahal ng katulad mo kahit tutol noong una ang pamilya mo sa akin nakita naman nila na tunay ang intensyon ko sa'yo at nang dumating ang kanilang apo nagbago ang kanilang pananaw, salamat tinanggap mo ako sa buhay mo hindi bilang ina nang magiging anak mo kundi, tunay ang nararamdaman mo sa akin, wo ai ni, wo ai ni he women de erzi." sabi ni ate sa magiging bayaw ko naluha ako nang bahagya dahil totoo 'yong sinabi ni ate sa harap ng magiging asawa niya.
(I love you, I love you and our son.)
Ako, si Cheng Zhang Wei, ang lalaking sobrang nagmahal sa babaeng kaharap ko ngayon tutol man ang magulang ko sa'yo ipaglalaban kita dahil ikaw ang gusto ko makasama habangbuhay at bumuo nang pamilya, wala akong pakialam kung ano ang sabihin nila sa'yo o siraan ka nila sa akin dahil sa'yo ako maniniwala at hindi sa ibang tao, mahal na mahal ko kayo ng mga magiging anak natin." garalgal nasabi ni kuya sa ate ko narinig ko na umiyak si ate na katabi nang pinsan ko.
Tres marias kami sa pamilya namin kaya naging protective lalo ang magulang namin gustuhin man nilang mag-anak ulit hindi na nila kaya dahil sa katandaan.
Nang matapos ang vow nila nagsalita ulit ang pari nakaupo lang ang lahat at nakikinig.
"You may now kiss your bride," sagot ng pari sa dalawang bagong kasal.
Napangiti ako sa nakitang kasiyahan sa kanilang mga mukha. Nang matapos lumapit sa amin ang organizer para sabihin ang tungkol sa picture taking ng bawat pamilya. Kasama rin namin ang pari sa bawat picture at nang matapos sumama na ako sa ate ko na katabi ko pagkatapos kong batiin ang newlyweds.
Nabaling ang tingin ko sa mga kapatid ng bayaw ko lalo na kay kuya Liam.
"Halika na, Xu." tawag ng ate ko sa akin at sumama na ako sa kanya para lumabas ng simbahan.
Tumayo kami sa labas at kahit maraming media at reporter na nanonood sa kasal ng kapatid ko hindi sila nanggugulo dahil naiintindihan nila na pribadong kasal ito dating actor si kuya Zhang kaya ganyan sila.
Nag-halikan silang dalawa sa bukana nang malaking pintuan ng simbahan at nag-hiyawan ang mga lalaki at babaeng abay sa kasal. Sumakay kami ni ate sa sasakyan namin at nauna na kaming umalis kasama ang magulang namin.
"Masaya ako para sa kapatid natin," nakangiting sabi ni ate sa akin.
"Ikaw, ate, kailan ka? Nauna pa sa'yo si ate ah." pang-aasar ko sa kanya natawa naman ang magulang ko.
"Shi de, ta shenzhi bi ni zao youle zhangfu." sabi ni Papa sa kapatid natawa naman ako sa reaksyon ni ate.
(Yes, she even preceded you to have a husband.)
"Shenme dou hai mei dao, Papa, na wo bu ji, wo cai 29 sui." angal ni ate sa magulang namin.
(Nothing has arrived yet, Papa then I'm not in a hurry I'm only 29.)
"Okay," sagot ni Papa.