Matapos ang pagtatapat ni kuya Liam-o Liam sa akin at sa magulang ko nahiya ako sa ate ko na may pagtingin sa kanya.
"Bakit iba ang itsura mo, bunso?" pagtatanong ni ate sa akin nang tignan niya nasa unahan ang magulang ko.
Pakamot ako nang ulo napansin ko rin na tumingin sa amin ang magulang namin.
"Gusto mo siya, ate ayoko na may inggit sa isip at puso mo sa bandang huli nag-" putol ko nang sumabat si ate sa pagsasalita.
Nilapitan niya ako at ginulo ang buhok napa-simangot na lang ako sa ginawa niya.
"Wala tayo sa loob ng teleserye, bunso kahit mainggit ako sa'yo dahil he likes you not me naiintindihan ko, bunso hindi natuturuan ang puso kung sino ang gugustuhin ng tao kahit ikaw o siya man idamay mo na ako mas gusto ko pa nga ikaw ang magustuhan niya kaysa sa iba, syempre siya pa rin mag-papasya kung sino siya magkaka-gusto huwag ka lang magmadali unahin mo ang career at pag-aaral mo." sagot ni ate sa akin napatingin kaming dalawa sa pumalakpak at nakita namin sina Mama at Papa.
"Bravo! Tama ang kapatid mo, anak huwag ka magdali kung tapat at totoo ang pagmamahal niya sa'yo makakapag-hintay sa tamang panahon kung saan mo siya sasagutin." sabi ni Papa sa akin at napangiti ako sa sinabi niya.
Istrikto silang magulang pero hindi sila mahigpit sa amin hindi katulad ng ibang magulang.
Kinabukasan, nalaman ko sa Mama ko na umalis na si Papa kaninang umaga tinanghali ako nang gising hindi na ako ginising pa dahil sa nangyaring celebration.
"Si ate?" tanong ko naman sa Mama ko nang lingunin ko siya sa sala.
"Tulog pa 'yon day-off naman niya nang ilang araw sa negosyo natin ako naman aalis para kausapin ang investor ng negosyo." sabi ni Mama sa akin.
"Ma, totoo ba na pumayag kayo na ligawan ako ni kuya Liam?" tanong ko bigla hindi pa rin kasi ako makapaniwala sa sinabi nang magulang ko.
"Hm, hindi ka ba naniniwala?" tanong ni Mama sa akin tumigil siya sa ginagawa niya at tumingin sa akin.
"Naniniwala, Ma pero sa edad kong 'to at-" pag-putol ni Mama sa sasabihin ko nang magsalita sa harapan ko.
"Nakaka-bigla, anak pero alam mo bilib ako kay Liam dahil sinabi niya sa harap ng Papa mo ang nararamdaman niya sa'yo kita ko na sincere siya sa intensyon niya hindi lang natin masasabing makakaya niyang mag-hintay ng matagal dahil hindi na rin siya bumabata," sagot ni Mama sa akin natahimik naman ako.
"I like him, Mama mula ng makilala ko si kuya Liam pero tinago ko ang nararamdaman ko dahil mali at alam kong hindi pa pwede, dabest magulang talaga kayo!" sabi ko.
"Ang bilin ko lang sa'yo huwag ibigay kaagad ang bataan, anak hindi maiiwasan bumigay pero isipin mo ang kinabukasan ng career mo para hindi ka bumigay, o kung bumigay isipin mo kung pananagutan ka ba niya o hindi madaling magsalita ng pananagutan ko naman 'yan kung sakaling mabuntis kita ganun pero kapag nandyan na parang nasilihan ang puwetan at umatras," sagot ni Mama sa akin natahimik naman ako sa sinabi niya.
Niyakap ko na lang si Mama at tumugon siya natawa na lang kaming dalawa pagkatapos. Nanatili ako sa bahay at tinututukan ko ang pag-aaral ko habang hindi pa ako bumabalik sa taping. Ginagawa ko ito kapag nasa loob ako dressing room o nang sasakyan.
"Miryenda ka muna, 'nak." bungad ni Mama sa tabi ko pinatong niya ang pinggan na may pagkain.
Tumingala naman ako nakita ko si ate na lumapit sa amin na humihikab kagigising niya lang ulit. Dumeretso siya sa banyo sinundan ko na lang siya nang tingin.
"Mugto ang mata niya," sabi ko kay Mama at sinundan niya nang tingin si ate.
"Hindi madaling tanggapin ang nangyari kahapon nagpakita lang siya ng katatagan sa harap natin pero nasasaktan din siya," sabi ni Mama.
"Mama..." tawag ko na lang bumuntong-hininga na lang ako.
"Huwag kang mag-alala kapatid mo siya, Xu ano man ang mamagitan sa inyo pantay ang trato namin," sabi ni Mama at tumalikod na siya.
Nakita kong lumabas si ate pero naiilang ako sa presensiya niya kahit wala naman akong ginagawang masama.
"Para kang kakatayin dyan, bunso haha! Okay lang ako at huwag mo iisipin ang negative hindi 'yan magiging posible." sabi ni ate tumango na lang ako sa kanya.
Napangiti na lang ako sa sinabi ni ate sa akin at kahit kabado pa rin syempre, iba ang isip ng bawat tao kahit magkapatid kami iba ang nasa isip namin.
"Ate, ayoko masira ang relasyon as siblings nang dahil lang kay kuya Liam," pag-amin ko sa kanya.
"Hindi masisira ang relasyon itaga mo 'yan dito sa puso ko, bunso matibay ang relasyon natin kapag sinaktan ka niya ako ang sabihan mo at ako ang reresbak." sabi ni ate sa akin niyakap ko siya nang mahigpit.
Siya ang pinaka-close ko sa dalawa kong kapatid kahit malapit din ako sa ate kong isa hindi man kami magkasing-edad halos para kaming msgkaobigan kung mag-turingan ni ate.
Sinamahan niya ako sa pag-aaral ko nagtatanong ako sa hindi ko alam sa inaaral ko inasar pa niya ako hanggang abutan kaming dalawa ni Mama.
Makalipas ng ilang araw, bumalik na ako sa taping sinundo ako nang manager ko kasama ang personal assistant ko at ang driver. Dapat sasamahan ako ni ate pero tinawagan siya bigla ng board member dahil may kaguluhang nangyayari sa negosyo ng pamilya namin.
Hindi naman ako umimik nun gusto sumama ni ate dahil naiinip ito sa bahay nagkataon talaga. Kinausap ako ni ate at sinabi ko na lang na magpunta sa negosyo ng pamilya namin alam ko naman na hindi siya makakasunod kaagad. Nang makarating kami sa lokasyon pinarada kaagad ng driver sa gilid ang van bumaba kaagad ako nang buksan ko ang pintuan nakasuot lang ako ng salamin na may grado medyo malabo ma ang mata ko.
"Bakit parang kulang ang cast, ate?" tanong ko sa staff nang lapitan ko sila.
Lumingon sila sa amin nang manager ko at isa sa kanila sumagot.
"Ang iba may taping din sa ibang lugar kaya bukas sila babalik para sa kanilang eksena," sabi ng staff sa amin at sumabat ang manager ko.
"Ang dalawang bida, nasaan?" tanong naman ng manager ko napatingin tuloy ako sa mga kasamahan ko wala nga ang dalawang bida.
"On the way na sila biglang umuwi ang actress kanina sinugod sa hospital ang kapatid niya nandito siya kanina alam 'yon ni direk." sagot naman ng staff tinuro ang director na kumaway sa amin kinawayan na rin sila nang magka-tinginan kami.
"Hala, okay na daw ang kapatid niya? Anong nangyari?" tanong ng manager ko.
"Reckless driver ang kapatid niya nakabangga ng matanda at siya sugatan kahit sasakyan nila ang gamit," sagot ng staff natahimik ito nang tawagin ng director assistant.
"Makukulong ang kapatid niya?" tanong ng manager ko sa staff nang lingunin niya.
Hindi na sumagot ang staff at sumunod na siya sa assistant director.
"Panigurado na 'yon, manager may nagawa siyang kamalian ang mangyayari masisira ang career ng kapatid pero kung malakas ang kapit niya sa management alam mo na." nasabi ko na lang at tumalikod na ako lumapit ako sa mga cast at binati ko sila.
"Kamusta ang pag-uwi mo sa inyo, Barbie?" tanong nila sa akin.
"Masaya, ate at kuya," pag-amin ko sa kanila at inakbayan ako ng isa sa nakakausap kong actress.
"Minsan lang 'yan mangyari sa buhay natin, Barbie sulitin mo na," sabi nito at nabaling ang tingin ko sa kanya.
"Lalo na sumisikat ka, ingat ka sa mga chismosa marunong gumawa ng mga kwentong hindi totoo 'yon pa naman ang pinaniniwalaan ng mga tao." nasabi naman ng isa sa veteran actor at actress pagkatapos totoo naman ang sinabi nila kaya 'yon ang sinabi ko kay kuya Liam.
Tumango na lang ako sa kanilang lahat napalingon kaming lahat nang tawagin kami ng director nilapitan namin siya kaagad. Iniwan naman ako ng manager ko at kinausap kaming lahat.
"Dahil sa balita tungkol sa kapatid ng bida natin at hindi naging maganda ang reputasyon ng kapatid niya sa publiko hindi na maiiwasan makaladkad ang pangalan niya ito na ang huling teleserye niya at eksena niya matatapos na kaagad ang taping natin." pahayag ng director sa aming lahat.
"Palitan nyo na lang ang bida, direk baguhin ang itsura nito-nawala o na-aksidente kunwari ang bida at namatay pero buhay pala." suggestion ng veteran actress nabaling naman ang tingin namin.
"Tatapusin ko ang role ko as bida bago ako mawalan ng trabaho naiintindihan ko naman ang nangyari may mali ang kapatid ko sana huwag idamay ng management ang career ko." pag-bungad ng actress mula sa likuran namin napalingon kaming lahat.
"Hindi naman idadamay, hija nang management ang career magpahinga ka lang daw ng tatlong linggo para hindi masira ng kapatid mo ang career mo lalo't baguhan ka ayaw mangyari ng bosses 'yon." sabat ng manager niya sa kanya.
"Namumukadkad ka na parang bulaklak pero nang dahil kapatid mo mananamlay ang petals kailangan diligan ulit para mamukadkad ang career mo." sabi ng assistant director sa actress.
"Anong nangyayari?" bungad naman nang actor natahimik naman ako.
"Gusto ko tapusin ang project ko bago ako magpahinga," sagot ng actress bumuntong-hininga na lang ako.
Tinapos nga nang actress ang taping namin bago siya umalis sa set nagpa-salamat siya at nahihiya daw sa nangyari dahil habang may taping kami maingay sa balita tungkol sa kapatid niya naawa ako sa kanya dahil gusto niya mamuhay na walang intriga sa career niya pero dahil sa kinasangkutan ng kapatid niya tumamlay nga ang career niya.
Ako ang pumalit sa pwesto niya at mas nakilala ako sa industriya ng showbiz kinausap ko ang dati kong kasamahan at sinabi ko sa kanya na hindi ko aagawin ang trono niya sa pagbabalik niya iba na ang nakilala kong actress sa makalipas na buwan.
Naging mag-karibal kami sa lahat nang project nagpapa-daig siya pero ang kinang niya hindi na umaangat mula nang magbalik siya. Bumuntong-hininiga na lang ako sa bawat buwan nagkakausap din kami ni kuya Liam nang palihim.
Alam naman nang magulang namin ang ginagawa namin nakapunta na rin kami sa ibang bansa kasama ang pamilya namin naalala ko nang malaman ng ate ko na nanliligaw ang bayaw niya sa akin pinagalitan niya si kuya Liam dinaig pa niya ang magulang namin pero, alam kong nag-aalala lang siya nang kausapin siya ng pamilya namin at pamilya ng asawa niya pumayag na siyang ituloy ni kuya Liam ang panliligaw sa akin.