Maaga akong pinabalik ng director sa Manila pagkatapos ng salo-salo para sa birthday ko. Natuwa pa ako sa kanilang biruan sa set nagpapa-salamat ako sa kanilang ginawa hindi ko 'yon ine-expected na gagawin nila sa akin.
"Makakapag-pahinga na rin tayo," sabi naman ng manager ko sa akin nang umayos ako ng upo sa tabi niya.
Hindi na lang ako nag-react sa sinabi niya nang biglang tumunog ang cellphone ko nang marinig ko ang ringtone nito at kaagad kong sinagot nang mapansin kong naka-video call.
"Papa! Mama! Ate!" tawag ko nang makita ko sila sa screen kumaway ako sa kanila.
"Nasaan ka, anak nasa byahe ba kayo?" tanong ni Mama nang mapansin niya ang itsura ko.
"Shi de, Ma Ni you she me yao dui wo shuo de ma!?" pagtatanong ko sa kanila ayaw ko iparinig sa katabi ko ang pag-uusapan namin.
(Yes, do you have something to say to me!?)
Kaagad sinagot ni Mama ang tanong ko at napatingin ako sa kanila nakikinig ang manager ko pero kumukunot ang noo nang tignan ko siya.
"Jishi ni buzai, wo he ni Papa ye hui zai women jia zhunbei, wo zhishi qingle wo de gongpo, ni jiejie hai meiyou hui dao feilubin," banggit ni Mama napangiti ako sa sinabi niya.
(Even if you are not there, your Papa and I will prepare here at our house, I just invited my in-laws and your sister has not yet returned to the Philippines.)
"Saan ba kayo pupunta?" tanong ni ate sa akin at sumabat ang manager ko sa sinabi nito.
"Pauwi na kami ng Manila pinayagan siya ni direk na makasama kayo hanggang sa araw ng birthday ng alaga ko basta kinabukasan daw dapat bumalik kami sa taping," sabat naman ng manager ko sa kanila at hinampas ko ito ng kamay ko.
"Surpresa nga eh," angal ko at naiiyak ako sa ginawa niya.
"Ano? Uuwi ka na dito?" tanong ni Papa sa akin.
"Buko na eh, oo uuwi ako ngayon," sagot ko at hinampas ko nang hinampas ang manager ko.
"Sasalubungin ka namin, 'nak," sabi ni Mama mula sa video call sinamaan ko na lang nang tingin ang manager ko.
"Okay," sabi ko.
Umayos ako ng pwesto at sumandal ako costumized van ang sinasakyan namin. Pinindot ko ang gilid at nagbago ang itsura ng upuan ko tumayo ako kahit kausap ko ang pamilya ko.
"Hija," tawag ni Papa sa akin napabaling naman ang tingin ko sa kanya.
"Weisheme, Papa?" tanong ko.
(Why?)
Umupo kaagad ako sa costumized na kama at pinatong ko sa maliit na mesa ang cellphone ko bago tumingin sa kanila.
"Babalik ako China, anak kailangan ako ng lolo at lola mo pati nang mga kapatid ko dun," sabi ni Papa sa akin napatingin ako sa Mama ko nang sabihin niya 'yon.
"Hindi ako kasama ni Papa wala kayong makakasama ng ate mo maiiwan ako," sabat ni Mama at tumingin ako sa ate ko.
"Alam mo ba 'to, 'te?" tanong ko.
"Kanina lang nila sinabi pati kay ate at sa'yo ngayon," sabi ni ate sa akin natahimik naman ako.
Hindi na kaya ng nainai at yeye mo na pangalagaan ang negosyo sa pamilya natin at ang ayi/shushu mo nagtatalo kung sino ang mamahala kaya pinapunta ako ng shushu mo sa China," kwento ni Papa sa akin at ginitna ko ang parang kurtina sa gilid ko kung saan nasa kabilang side ang manager ko.
(Grandma) (Grandpa) (Auntie) (Uncle)
"Kamusta ang taping nyo?" tanong naman ni ate mula sa gilid ni Papa.
"Maayos naman, 'te nandito na kami sa Manila nakapasok na kami sa boundary ng NLEX," sabi ko nang mapansin ko na lumabas na kami sa toll gate pabalik ng Manila.
"Okay," sabay nilang sagot at nagpaalam na sila sa akin at pinindot ko ang end call.
Sumandal na lang ako sa pwesto at nagpunas ako ng pawis sa mukha. Nang makarating kami sa bahay namin nakita ko naghihintay ang magulang at kapatid ko.
"Happy birthday, Xu!" sigaw ni ate sinaway siya nina Papa at Mama, pagkababa ko sa van.
Binaba naman ng driver ang gamit ko tinulungan siya nang personal assistant ko. Nagpaalam na rin sila kaagad sa amin nang sumilip ang manager ko sa bintana para batiin ang magulang ko.
"Bukas pasyal ang girls!!!" sigaw ni Mama at natawa ako sa pag-simangot ni Papa.
"Hindi ako sasama sa inyo magiging driver nyo ako," sabat ni Papa.
"Okay lang, mag-commute kaming tatlo mararanasan namin ang maging normal ulit mag-prostetic mask tayo para hindi tayo abalahin ng mga fan mo, Xu," sabi ni Mama.
Sumang-ayon na lang ako at masaya ako sa gagawin namin.
Makalipas nang ilang araw, namasyal nga kami naging normal ang gala namin dahil plano ni Mama para kami bumalik noon hindi pa popular ang career ko.
Kinabukasan, busy ang magulang ko sa paghahanda ng birthday ko natuwa pa ako kanina naka-video call ko ang ate ko at ang bayaw ko.
"Sweet 16," pagbibiro ni ate sa akin napangiti na lang ako.
"2 years na lang legally lady na ako, ate," sabi ko napalingon ako sa kanya nang magsalita siya.
"Oo nga, pwede ka nang ligawan." sabi ni ate sa akin.
Nakikita ko ang pang-aasar niya sa akin nabanggit ko sa kanya ang tungkol sa text ni kuya Liam sa akin.
"Gusto niya ako, ate pero hindi niya sinabi kung gusto as sister o lady." pabalang kong sagot sa kanya.
Napalingon kaming dalawa sa humintong sasakyan sa harapan. Napatingin ako sa ate ko nang ngumisi siya lalo sa akin at tinapik niya ang balikat ko.
"Nandyan na ang prince charming mo, umabsent siguro para sumama sa magulang niya." bulalas ni ate sa akin hindi ko gets ang sinabi niya hindi ko kilala ang sasakyan.
"-"
Napalingon kaming dalawa ni ate nang may tumawag sa amin.
"Xu! Li Jing!" tawag ng boses mula sa gilid namin.
Napalingon kaming dalawa ni ate at bumungad sa amin ang Mama at si kuya Liam feeling nangangarera sa bilis ng t***k ang puso ko nang mag-tagpo ang paningin namin.
"Pasok, tita naghahanda sa loob sila Mama, at Papa nagpapahinga lang kaming dalawa ng birthday girl." sabi ni ate at siniko ko siya dahilan para mapatingin sa akin.
Pumasok na lang ako pagkatapos ko magpaalam sa kanila. Nang makabalik ako sa loob tumakbo papunta sa kwarto naiiyak ako dahil nakita niya ang itsura kong wala pang ligo.
Kinuha ko ang twalya ko at hinanda ang susuotin kong damit para sa celebration ng birthday ko. Napa-hawak tuloy ako sa dibdib ko dahil walang tigil sa pagtibok. Pumasok ako sa banyo ng magulang ko at naligo dalawa lang ang banyo namin sa ibaba kasama ang kwarto sa magulang ko kaysa bumaba pa dito na ako maliligo. Nang matapos akong maligo nagbihis na ako ng damit ko bago pinulupot sa ulo ko ang twalya.
Binuksan ko ang pintuan nang banyo at lumabas na ako nakita ko pa si Papa nakaupo.
"Ayos lang kayo?" pagtatanong ko naman kaagad sa Papa ko.
"Oo, ayos lang ako hiningal lang ako sa pagod," sabi ni Papa sa akin nang makita niya ako.
"Dito na ako naligo, Pa dahil may bisita tayo sa ibaba," sabi ko.
Tinanguan niya lang ako at lumakad na ako palabas ng kwarto niya. Bumalik ako sa kwarto ko at hina-hanger ang twalyang ginamit ko bago ako mag-suklay ng buhay ko mahaba ang buhok ko na hanggang puwetan binabawasan lang kaunti para maalis ang split-ends na buhok.
Sinuot ko ang slippers ko at lumabas na ako nang kwarto lumakad na ako papunta sa sala namin.
"Kayo muna ng ate mo maghain ng kakainin natin, anak tanghali na," utos ni Mama sa akin at kinausap niya ang dalawang bisita namin.
Tumalikod na si Mama sa amin at gumalaw na ako kaagad.
"Okay lang, balae." narinig kong sabi ng balae ni Mama at hinainan ko na sila nang pagkain tinulungan ako ni ate.
"Mabuti na lang maaga ako naligo, Xu, at natutulungan kita." sagot ni ate sa akin.
"Salamat, 'te," mahina kong bulong sa kanya.
Nang mailagay na namin tinawag ni ate ang magulang naiwan ako sa dining area nang may magsalita sa likod ko.
"Happy birthday, Xu." bati ni kuya Liam sa akin nang mapalingon ako sa likod ko.
"Hm, salamat, kuya," sabi ko kaagad nahihiya at naiilang ako sa presensiya niya.
"Kuya? Liam na-" putol niya nang sumabat ako.
"Ginagalang kita, kuya dahil mas matanda ka sa akin," nasabi ko.
"Gusto kita hindi bilang kapatid kundi, bilang lalaking nagmamahal sa'yo, Xu sasabihin ko sa magulang mo ang totoo at maghihintay ako kapag handa ka na." nasagot ni kuya Liam natigilan naman ako sa sinabi niya napa-atras pa ako sa pag-hawak sa baba ko.
"No." sagot ko.
Nang magsasalita na siya sa akin mapalingon ako sa Mama niya. Tumalikod siya nang tawagin ng Mama niya at kinausap. Bumalik na rin sa dining area si Mama at Papa hindi nila kasabay ang kapatid ko na naghihintay sa pagdating ng delivery daw.
"Kumain na tayo, balae," sabi ni Papa sa kanila umupo sa tabi ni Mama at katabi ko si ate.
"Sayang wala ang mga anak natin," sabi ng Mama ni kuya Liam katabi ni ate ang pamangkin namin.
"Oo nga eh," sagot ni Mama sa balae niya.
Tahimik lang kami kumakain sa mesa nang matapos nag-prisinta si ate na siya ang mag-huhugas ng kinainan namin. Nag-kwentuhan sila sa garden habang nakamasid lang nang may umakbay sa balikat ko.
"Ate.." tawag ko.
Nagpaalam kaming dalawa ni ate na sasamahan ang pamangkin namin na maglaro sa playground.
"Tawag na kayo ng magulang nyo." bungad ni kuya Liam sa amin at umuwi na kami sa bahay.
Inutusan ni Papa ang pamangkin ko na magpalit ng damit marunong na ito magbihis ng sarili niya. Bumungad sa akin ang mga handa ng magulang ko para sa akin. Kinantahan nila ako hanggang sa mag-blow ako ng cake binigay nila ang regalo nila sa akin nagpa-salamat na lang ako.
"Xu, tita at tito, I gusto ko ang anak nyo as lady not as little sister sana payagan nyo ako manligaw sa kanya." sabi ni kuya Liam sa magulang tumili naman si ate at natahimik ako nabaling pa sa akin ang tingin nila.
"Para mo na siyang kapatid pero sabi nga, age does'nt matter hindi ko 'yan pipigilan respetuhin mo lang ang bunso ko gusto kong makapagtapos siya ng pag-aaral at nang career niya," sabi ni Papa nabaling ang tingin ko.
"Si Xu pala ang tipo mo, anak natutuwa ako hindi ako magiging tutol sa nanmumuong pagmamahal mo sa kanya basta sabi nga ni balae respetuhin mo siya at maghintay ka kung kailan ka niya sasagutin huwag mo siya i-pressure, welcome to my family, Xu." masayang sabi ng Mama ni kuya Liam hinihintay ko ang reaksyon ni Mama.
Natatakot ako na siya pa ang tututol kung sakali napatingin ako sa Mama ko nakaka-bigla na sasabihin niya ito sa harap namin.
"Liam, huwag mo lang sasaktan ang anak ko malilintikan ka sa akin! Baby ko pa ito pero alam ko na darating ang araw na may manliligaw sa kanya hindi ako tututol sa intensyon mo sa anak ko pumapayag ako akala ko nga si Li Jing ang magugustuhan mo bunso ko pa talaga." napapailing sagot ni Mama.
"Malilintikan talaga sa atin ang anak ko, balae." sabi ng Mama ni Liam, natawa ang magulang ko nang batukan nito ang anak sa harap namin.
"Ma, nakakahiya eh!" sabi ni kuya Liam napangiti na lang ako sa reaksyon niya.
Lumingon siya nakita niya ang pag-ngiti ko at nagtago ako sa likod ni ate nang lalapit siya.
"Xu, pumapayag ka ba?" tanong niya sa akin nang huminto siya sa harap namin ni ate na umalis kaagad sa likod ko.
"Tit-gnan ko kung totoo ang sinasabi mo ngayon, kuya Liam ayoko lang na makita ito ng mga fans mo kapag magkasama tayo in public dahil maraming gagawa ng kwento na hindi naman totoo at gusto kong pribado ang pakikipag-date ko sa'yo." pag-amin ko sa kanya napayuko sa harap niya.
Hinawakan niya ang baba ko at inangat niya kinakabahan ako.
"Pumapayag ka na, Xu huwag mo akong tatawaging kuya in case kapag na sa labas tayo dun mo lang ako tatawagin o ibang tao ang kasama natin pero kapag ganito, Liam na lang? Pwede?" request ni kuya Liam sa akin.
Napalingon ako sa mga kasama namin naiilang ako sa titig nila sa akin at tumango na lang ako tumili si ate at sinaway ito ni Papa. Double celebration daw ang nangyari sa araw na ito sabi no ate natawa na lang ako. Nagpaalam na rin sila at kami lang nakakaalam sa totoong nangyaring pagtatapat ni kuya Liam. Inasar-asar naman ako ni ate at sinaway siya ni Papa at biniro na kung sino ang panganay sa amin ito pa daw ang single.
"Darating din ang lalaking bibihag sa puso ko, Pa huwag tayo magmadali nagkataon lang nasa tabi natin ang prince charming ni bunso." sabi ni ate at nagpahinga na kaming lahat.
Ang bilis ng t***k nang puso nang mangyari ang pagtatapat niya ng feelings sa akin at pumayag ako dahil parehas kami nang nararamdaman may ngiti ako sa labi bago ako matulog.