Alwena "Hi." Bigla akong napalingon sa aking likuran mula sa pagtitipon ng mga nawalis kong kalat sa buong opisina dito sa bahaging medyo sulok. Isang lalaking empleyado ang lumapit sa akin na may bitbit na mga papel. Hindi siya pamilyar at sa tingin ko ay bago lang siya dito. "Helow. May maitutulong ba ako?" tanong ko naman sa kanya. Lihim kong pinagmasdan ang mukhang totoy pa niyang hitsura. Gwapo siya ngunit mukhang tinakbuhan ng tangkad. Mababa sa madaling salita. "Ahm, n-nahihiya kasi ako sa kanila eh kaya sa iyo na lang ako lumapit." Halata naman na nahihiya siya at parang nag-aalalangan pang makipag-usap sa akin. "Ano ba 'yon?" "Marunong ka bang mag-xerox? H-Hindi kasi ako marunong eh. Kailangan kong i-xerox ang mga 'to," sabi niya habang kakamot-kamot sa ulo niya. "Oo na