"ASONG kalye ba?" takang-tanong ni Mrs. Lucchese.
"Yes, Mom."
Hindi naman nagtagal ay muling binuhay ni Steve ang ignition ng kotse nito. Pagdakay muling pinatakbo. Makalipas ang ilang oras na biyahe ay dumating kami sa isang malaking bahay.
Lihim na nagdiwang ang aking puso nang sa wakas ay naisagawa ko ang plano. Natunton ko rin ang bahay ng taong pumatay sa sarili kong mga magulang.
Hayan na naman ang pag-atake ng matinding galit at poot na unti-unting bumabangon mula sa aking puso kasabay ng pagkuyom ng aking mga kamao. Pero agad ko ding kinalma ang sariling emosyon. Hindi ako pwedeng magpadalus-dalos masisira ang misyon ko
Sinalubong agad kami ng ilang mga kawaksi. Nagulat pa ang ilan nang makita ako. Ipinakilala naman ako ni Mrs. Lucchese sa mga ito.
"Let me assist you, Mom." Lumapit sa amin si Steve. Pero agad ding sumagot si Mrs. Lucchese sa anak.
"I can manage, hijo. Isa pa, narito naman si Lorna. She can take care of me. Alam kong pagod ka at kailangan mo na ring magpahinga pa."
"Mom, let me help you." Pagpupumilit pa ni Steve sa ina nito.
Ako na nilibang na lamang ang sarili sa ilang mga dapat na inumin ni Mrs. Lucchese. As a private nurse, I will be given various tasks and responsibilities for my patient.
"Hijo, sige na kaya ko na ito at tulad ng sabi ko sa'yo narito naman si Lorna. Hindi niya ako pababayaan."
"Tama po si Tita, Mr. Lucchese," nakangiting tugon ko.
Kunot-noong nakatitig lang sa akin si Mr. Lucchese. Kumindat ako rito. Pero agad lang kami nitong tinalikuran. Saka ko naman narinig ang malalim na buntong-hininga ni Tita Sylvia.
"I'm so sorry, hija. Gano'n talaga ang ugali ni Steve. Pero mabait ang anak kong 'yon," nakangiting kwento sa akin ni Mrs. Lucchese
"Naintindihan ko po ang anak niyo, Tita."
"Salamat naman at maunawain ka, hija. Mukhang kailangan din ni Steve ng maunwaing tulad mo." May pakahulugang tugon sa akin ni Mrs. Lucchese.
"Hmmm... kayo talaga kahit ano na lang ang sinasabi niyo."
"Totoo naman."
"Tara na po sa kwarto niyo at nang makapagpahinga na rin kayo. Then, kailangan ko ring i-check ang mga kinakain niyong pagkain. Kailangan makinig kayo sa akin, Tita. Ayoko iyong matigas ang ulo, okay?"
"Iyan ang gusto ko sa isang nurse," nakangiting turan sa akin ni Mrs. Lucchese.
Naiiling na lamang ako rito. Pagkarating namin sa loob ng kwarto nito ay t'saka ko mino-monitor ang vital signs, blood pressure and heart rate ni Tita Sylvia.
"How was it, hija?"
Mula sa sariling tenga ay tinanggal ko ang stethoscope. Kinuha ko ang maliit kong notebook para i-record ang ilang impormasyon, assessment and care provided.
"So far, stable naman Tita. Aalis na ako para ipaghanda ka ng pagkain na kailangan mong kainin."
"Thank you."
"Babalik ako mamaya, Tita. Matulog ka muna. Don't worry about me, cowgirl ang masipag mong nurse," nakangiting saad ko.
Mula sa kwarto ni Mrs. Lucchese ay lumabas ako. Ngunit gano'n na lamang ang gulat ko nang makita si Steve. Muntik pa akong mapasigaw sa labis na gulat, awtomatikong nasapo ko ang sariling dibdib kung saan banda ang aking puso.
"Ang o.a mo naman," sarkastikong tugon sa akin ni Steve.
Naningkit ang aking mga mata sa narinig mula rito. "Paano ba kasi, e, nanggugulat ka?" inis kong sabi.
"How's my Mom?"
"She's fine, huwag mo muna siyang kausapin dahil kailangan niya ulit ng pahinga."
"Excuse me? Sino ka para pagbawalan ako, Ms. Monsanto?"
"Well, ipaalala ko lang sa'yo at baka nagka-amnesia ka lang. Ako lang naman ang private nurse ng ina mo na siyang nag-monitor ng kalusugan niya." Matapang kong sagot dito.
"Get out of my way kung ayaw mong hilahin kita palayo ng pintong 'yan, Ms. Monsanto."
"Kung 'yan ay kung magagawa mo sa'kin 'yan, Mr. Lucche—"
Hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ay mabilis na hinila ako ni Steve sa kabila kong braso at awtomatikong pumulupot ang braso nito sa maliit kong bewang.
Nagtama ang aming mga paningin. Damang-dama ko ang mabilis na pagtibok ng aking puso. Tila ba parang may mga kabayo na nag-uunahan sa pagtakbo.
Naging parang slow-motion ang lahat ng mga pangyayari. Hindi ko napigilan na dumako ang tingin sa maninipis na labi nito. Naalala ko na naman ang gabing kumawala sa mga labi nito ang isang nagmamakaawang ungol nang isubo ko ang matigas, mahaba, matambok at ma-ugat nitong chorizo.
Ugh!
Hindi ko makakalimutan kung paano ko ito napaligaya, kung paano ipinutok nito ng makailang beses ang tam0d sa aking bibig.
Pero itinatak ko sa aking isipan na ang lahat ng iyon ay ginawa ko para kuhanin ang ilang impormasyon tungkol dito at hanggang nagtagumpay nga ako na makarating sa mansion ng mga Lucheese sa pamamagitan ni Mrs. Lucheese.
"Bitiwan mo ako, Mr. Lucchese!" Asik ko rito.
"Hmmm... what if I won't? May magagawa ka ba?" Hindi nakaligtas sa aking paningin ang pilyong ngiti sa mga labi ni Steve.
"At talagang naniniwala kang wala akong magagawa, ha?" Taas-kilay kong turan.
Nakangiting hinawakan ko ang isang braso ni Steve at walang-sabing umikot dahilan para mapahiyaw ito sa sakit. Narinig ko pang tumunog ang buto nito.
"Fck!" Malutong nitong mura.
"Dàmn you! Kaya 'wag mong maliitin ang kapasidad ko bilang babae," aniya ko at mabilis na itinulak ang malapad na dibdib ni Steve palayo sa akin.
Inis na tinalikuran ko ito at naglakad palayo rito. Halos liparin ng aking mga paa ang grand staircase ng mansion para tunguhin ang kusina.
Siyempre, bilang private nurse ni Mrs. Lucchese obligasyon kong malaman kung anong niluluto ng mga katiwala, ako ang dapat masunod kung anong dapat lang na kainin ni Mrs. Lucchese.
"Good evening, Ma'am!"
"Good evening din. By the way, since ako ang private nurse ni Mrs. Lucchese ako ang magsasabi po kung anong dapat niyong lutuin para sa kanya, nagkaintindihan po ba tayo, when it comes to her food kailangan kong maging metikuloso since obligasyon ko ang pasyente ko," tugon ko sa mga katulong.
"Yes, Ma'am." Halos sabay na sagot ng mga ito.
"Good. For her dinner gusto kong magluto kayo ng Couscous Salad and Cauliflower fried rice. Maalam ba kayo no'n?"
"Yes, Ma'am."