PAGKATAPOS maluto nang pinaluto kong mga pagkain ay naisipan kong gumawa ng orange juice since pwede iyon kay Mrs. Lucchese.
"Ma'am, inilagay na po namin sa tray."
"Thank you."
"What's that, Manang?"
Kapwa kami napalingon nang marinig ang boses ni Steve. "Pinaluto po ni Ms. Monsanto, Sir."
"Iniisip mo bang lalasunin ko ang Mommy mo kaya ka nagtanong?" sarkastikong tanong ko kay Steve.
"Sa bibig mo na 'yan nanggaling, Ms. Monsanto. Bakit ang defensive mo naman yata?"
"Dahil hindi ako isang b0b0 lalo na sa tinging ipinukol mo sa akin, Mr. Lucchese!"
Hindi ko napigilan na magtaas ng boses. Sumusobra naman kasi si Steve. Halatang pinagdududahan na naman ako.
"Hmmm... kung hindi ka apektado bakit gano'n ka na lamang kung makapag-react, Ms. Monsanto?"
"Alam mo bang pwede kitang kasuhan sa mga maling bintang mo sa akin?" Umarko ang kilay ko sa inis dito.
"Really?"
"Oo, crimes against honor!" Asik ko pa kay Steve.
"Hindi ako takot, kaya kong bilhin ang batas ng aking pera, Ms. Monsanto."
Naikuyom ko ang aking kamao. Kaya ba hindi nabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanyang mga magulang dahil sa sinabi nito ngayon?
Pinipigilan ko ang sarili. Baka hindi siya makapagpigil ay baka masampal ko ng wala sa oras ang bwésit na lalaki na nasa aking harapan.
"Just a little reminder, Mr. Lucchese. Hindi lahat nabibili ng pera."
"May sinabi ba akong lahat ng bagay nabibili ng pera, Ms. Monsanto?" Nakangising tugon sa akin ni Steve.
Napalunok ako ng lumapit ito sa akin dahilan para mapaatras ako. "Stop!" Sigaw ko rito sabay tulak dito.
"Takot ka yatang lapitan, Ms. Monsanto? Do I look like a monster to you?"
"Demony0 ang tingin ko sa'yo, Mr. Lucchese. Isang demony0ng walang-awa sa kanyang kapwa-tao. Walang-puso."
"Ouch! That hurts," biro pa ni Steve sa akin sabay hawak sa dibdib nito kung nasaan ang bandang puso nito. Halatang inaasar ako ng damuho.
"Hindi ko akalaing nasasaktan din pala ang demony0?" sarkastikong turan ko kay Steve.
"Alalahanin mong ikaw lang ang nagsabing demony0 ako. Don't you see, I'm a human, Ms. Monsanto."
Inis na tinalikuran ko na lamang si Steve. "You're such a nonsense ídíot!"
"A handsome ídíot!" Pahabol pa nito sa akin.
Inayos ko ang tray at mabilis na nilisan ang kusina, kailangan kong madala ang pagkain kay Mrs. Lucchese.
Hindi maipinta ang aking mukha pero kailangan kong ayusin ang hitsura. Ayokong ma-stress si Mrs. Lucchese.
Pero bago pa man ako umakyat papanhik sa grand staircase ng mansion ay narinig ko ang ingay ng mga kalalakihang paparating at ang mga yabag. Siguradong mga kapatid ito ni Steve.
Hindi nga ako nagkamali nang makita sina Drake at Yvan, ngunit ang hinahanap ng mga mata ko ay si Gio Lucchese.
"Oh, looks like we have a beautiful visitor here," nakangiting turan ni Drake.
Nahihiyang ngumiti ako sa mga bagong dating. Walang tulak kabigin, tulad ni Steve ay hot at gwapo ang dalawang magkapatid.
"She's a private nurse, kaya hands off brothers." Narinig ko ang biglang pagsingit ni Steve.
Nanatili akong kalmado. Lumapit sa akin si Yvan. "Please to meet you, Ms. Beautiful," nakangiting ani sa akin ni Yvan sabay lahad ng palad nito sa aking harapan.
Nang una'y nag-atubili pa ako dahil sa labis na kahihiyan. Sino ba naman ako para mapansin ng mga Lucchese brothers?
Nakangiting tinanggap ko ang palad ni Yvan. "I'm Lorna." Pagpapakilala ko.
"Pangalan pa lang bagay na sa gandang taglay mo."
"Bolero ka pala, Mr. Lucchese," nakangiting sagot ko.
"I'm not. Hindi ako mahilig magsinungaling lalo na sa babaeng kasing-ganda mo, Ms. Lorna."
Narinig kong tumikhim si Drake. "Drake," pagpapakilala nito.
Maagap nitong tinanggal ang kamay ng kapatid nitong si Yvan.
"Possessive?" biro ni Yvan sa kapatid nito.
Naisip ko na hindi maipagkakailang tunay nga ang ilang mga naririnig ko na matinik nga sa mga babae itong mga Lucchese brothers. Lalo na sa kakaibang taglay na pinagpala ang mga ito. Karisma, tindig, gwapong mukha, hotness at iba pa.
Pero bago ko pa man magkadaupang-palad si Drake ay mabilis na hinila ni Steve ang dalawang kapatid palayo sa akin.
"Kuya, what's that?" Halata ang inis sa boses ni Drake.
"Dàmn, Drake. Parang ngayon ka lang nakakakita ng maganda, a?" Hindi maipinta ang mukha na turan ni Yvan.
"Aminin mo maganda si Ms. Lorna," sagot naman ni Drake.
"Sino bang may sabing hindi?" Pamimilosopo ni Yvan.
"Enough, hindi si Lorna ang pakay niyo rito kundi si Mommy, hindi ba?" seryosong singit ni Steve sa mga kapatid.
"Kasama na ro'n si Ms. Lorna, Kuya," maagap na sagot ni Drake.
"Teka, si Gio ba dumating na?" tanong ni Yvan.
"He's busy, lalo na at may balak na silang magpakasal ni Winnie."
"Dàmn, that witch?" Naiiling na turan ni Yvan.
"Watch out your mouth, Yvan. Fiancee ng kapatid natin ang ininsulto mo," sita ni Steve sa kapatid.
Tumikhim ako para kuhanin ang atensyon ng tatlong lalaki. "I need to go upstairs. Siguro naman pwede niyo na akong pakawalan?"
"You may go now, Ms. Monsanto. Hindi ka namin kailangan ditong magkapatid."
Hindi ko na pinansin pa ang mga pasaring ni Steve. Nilampasan ko na ito pero hindi ako papayag na hindi man lamang makaganti rito. Kunway, na out of balance ako.
Lihim akong napangiti nang maagap naman akong inalalayan ni Steve dahilan para matapon ang orange juice sa white polo nitong suot.
Hmmm... deserved!
"Oops!" Narinig kong turan ni Drake.
"Uh, oh..." Boses naman ni Yvan.
"You trick me, Ms. Monsanto."
"Matalino man ang demony0ng unggoy na katulad mo, naiisahan pa rin ng kagayang katulad ko," pilyang sagot ko kay Steve at mabilis na itinulak ito palayo sa akin.
"Sarry..." Pang-iinis ko pa rito.
"Dmn you, woman!" Asik ni Steve sa akin.
Naglakad na ako pabalik sa kusina para kumuha ng panibagong juice. Aaminin kong abut-abot din ang kabang nadarama ko sa aking ginawa kanina.
"Ma'am, naubos na po ni Mrs. Lucchese ang orange juice at humingi ng panibago?" Gulat na tanong sa akin ng isang katiwala.
"No, aksidenteng nabuhos lang sa damit ni Sir Steve."
Narinig ko ang ilang singhap nang sagutin ko ang isang katiwala. "Naku po, baka may punishment ka niya'n, Ma'am. Masama pong magalit si Mr. Lucchese."
"Well, tingnan lang natin kung uubra ba sa'kin ang punishment niya." Balewalang turan ko rito.
Napasulyap ako sa ilang mga katiwala na busy sa mga ginagawa. Agad namang nagbawi ng tingin ang mga ito at ipinagpatuloy ang ginagawa.